Chapter I

5.8K 140 2
                                    

Umuusok ang ilong sa inis ni Dianne. Iyon kasi ang araw na lilipat din sa nilipatan nilang bahay ang stepfather niya kasama ang pamangkin nitong si Janred na ubod ng sungit. Kumukulo ang dugo niya kay Janred dahil ito ang numero unong kaaway niya sa campus noong high school palang sila. Second- year high school siya noon at fourth-year naman si Janred. Presidente ito ng student council at siya naman ang isa sa mga sakit ng ulo sa school. Kasagsagan kasi ng pagrerebelde niya noon.

"Ma, bakit ba kailangan pa nating makasama sa iisang bubong ang antipatikong 'yon? Hindi naman siya totoong anak ni Papa Kiko, ah," aniya na halos sumayad na ang nguso sa lupa.

"Mabait naman 'yung si Janred. Hindi naman kasi iba ang turing sa kanya ng Papa Kiko mo. Hayaan mo na."

"Pero Ma--" naputol ang usapan nila nang makarinig sila nang sunod-sunod na pagbusina mula sa labas. Nagmamadaling hinila siya ng mama niya palabas ng bahay para salubungin ang mga ito.

Hindi maipinta ang mukha ni Dianne nang makita ang arroganteng lalake na noo'y hindi man lang siya tinapunan ng tingin. "Ang kapal talaga ng mukha," bulong niya.

"Welcome home, Janred," masayang bati ng mama niya sabay yakap sa binata. Nakakunot lang ang noo ni Dianne habang pinapanood ang mga ito. Kahit kasi ilang taon na ang nakakalipas kumukulo pa rin ang dugo niya kay Janred. Masyado kasi itong antipatiko at pabida.

Sikat si Janred sa school noon, lalo na sa mga babae. Star player kasi ito ng basketball. Kaya ang daming mga babae na nagkakagusto rito. Sa tindig palang kasi , dinaig pa nito ang mga sikat na artista. May hawig nga ito sa chinese actor na si Johnny Huang. Madalas nga napagkakamalan itong si Johnny kapag naglalakad ito sa mall. Mula sa taas, kutis, pati na sa porma, Johnny Huang ang dating nito. Idagdag mo na rin pati ang magandang kilay niyang kumukunot kapag naiinis na. Kung tutuusin perfect match silang dalawa ni Dianne. Mukha rin naman kasi itong artista. Medyo maliit lang ito nang kaunti sa kanya at mas maputi ang balat. Katamtaman ang haba ng manipis at makintab nitong buhok. At may katatamtamang pangangatawan na bumagay sa mala-anghel at maamo nitong mukha. Lagi nga silang tampulan ng tukso noon. Love team daw sila, bagay na mariing tinututulan ni Dianne.

"Excuse me, kahit na si Janred na lang ang nag-iisang lalaki sa mundo, hinding-hindi ko siya papatulan," nakangising sabi ni Dianne sa isang estudyante na tumutukso sa kanila.

Naniningkit ang mga matang lumapit sa kanya si Janred atsaka bumulong. "Huwag kang mag-alala, hindi rin naman kita papatulan." Tumingin pa ito nang parang nakakaloko sa kanya bago ito tuluyang umalis.

Kuyom ang mga kamay ni Dianne at tila nanginginig sa galit na tinanaw niya lang si Janred.

Lalo pang kumukulo ang dugo ni Dianne nang maalala niya ang tagpong iyon. Isa kasi iyon sa nagpababa ng self-esteem niya. He makes her feel she is not worth it.

Sinamantala ni Dianne ang pagkakataon habang nagkukwentuhan ang tatlo. Pasimpleng lumayo siya sa mga ito. Maingat niyang binubuksan ang gate nang bigla siyang mapaigtad nang magsalita mula sa likuran niya si Janred. "Saan ka pupunta?"

Matalim ang tinging ipinukol niya sa binata bago siya sumagot. "Ano bang pakialam mo, ha?"

Napangisi si Janred. "Wala ka pa rin palang ipinagbago."

"Eh, ano ngayon sa'yo?" nakatulis pa ang ngusong sagot niya.

Nangingiting napailing si Janred. "Hanggang ngayon papansin ka pa rin."

Napakuyom ng palad si Dianne na tila ibig manapak. Padabog na binuksan niya ang gate atsaka siya humakbang palabas.

"Hanggang ngayon ba naman galit ka pa rin sa akin?" nangingiting sabi ni Janred na noo'y lumabas din sa gate kasunod niya.

In Denial KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon