Gabi nang maalimpungatan ako matapos makarinig ng ilang putok ng baril mula sa itaas. Takot na napaupo naman ako at pagkatapos ay pilit na isiniksik ang sarili sa pinakadulo nitong kama.
W-what is happening?
Mas lalo akong natakot nang marahan at pilit na binubuksan ng kung sino sa labas ang pinto nitong basement hanggang sa bumukas ito at iniluwa ng pinto ang lalakeng naka mask at may suot ng helmet at may hawak pang mahabang baril.
"W-who are you?" Takot kong tanong at mas lalong isiniksik ang sarili sa pader. Kung pwede nga lang sana ay lamunin nalang ako nitong pader ay nagpalamon na ako eh.
Napamura naman siya nang makita ako at biglang may kinausap na kung sino sa hindi ko alam na hawak niya. Para itong telepono pero may antena.
"Confirm. Meron dito." Aniya at nagmamadaling lumapit sa akin.
Hindi ko mapigilang mapatingin na lamang sa kaniya habang sinusubukan niyang tanggalin ang kadena sa aking paa. W-what is he doing?
"Fuck! Ang higpit ng pagkakadena sa'yo! What kind of life you have here, Miss? She's really a devil." Aniya at napatingin sa akin nang matanggal na nito ang kadena sa paa ko. "...I promise you, I'm going to rip her head out of her body!" Aniya. Kinabahan naman ako sa sinabi niya at biglang natakot.
Napansin niya ata ang naging reaction ko sa mga sinabi niya kaya agad niyang ipinakalma ang sarili at pagkatapos ay sinubukan akong alalayang tumayo. Sinubukan ko rin namang tumayo pero agad lang din akong napa-upo.
Umiling-iling akong tumingin sa kaniya pagkatapos ay tinulak siya.
"I.. I can't walk." Mahinang usal ko na ikinatigil niya.
Sa tagal kong nakakulong dito sa basement, tanging upo at higa lamang ang nagagawa ko sa kama. Hindi ako hinayaang makatayo ni Tita. Maikli lamang ang haba ng kadena at sakto lamang para kumilos rito sa kama.
Muli na naman siyang nagmura at kinarga ako na parang pa-bridal style.
"It's okay. I can carry you. As long as you're safe now." Bulong niya na tahimik na ikinatango ko na lamang.
Kinabahan ako muli nang makalabas kame ng basement. Panay ang tingin ko sa paligid nang maging pamilyar ito hanggang sa umabot kame sa receiving area ng Mansion. Agad na sumikip ang dibdib ko nang may maalala.
My mother... Si Papa... Ang buhay ko noon. Si Benedict...
Napapikit ako nang may tumamang sinag ng araw sa akin. Hindi ko napansing nakalabas na pala kame ng mansion.
Unti-unting tumulo ang mga luha ko dahil sa nangyayare.
Is this real? Am i... A-am i free?
"A-ate... Ate!"
Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses at mas lalong napaluha nang makita ang bunso kong kapatid.
Ibinaba ako ng lalake sa loob ng ambulance, Nakita ko namang sumunod din ang umiiyak kong kapatid sa amin.
"Ate! You're safe! You're safe!" Aniya habang umiiyak. Tumango ako at hinawakan siya. Hinaplos ang bawat pasa na Meron siya sa katawan pagkatapos ay niyakap.
Hindi ko akalain na sobra na ang pananakit niya sa kapatid ko. Hindi ko akalain na habang nagdudusa ako sa basement, dumudusa rin pala ang kapatid ko sa kamay mismo ng sarili niyang ina.
Demonyo siya.
_________________________________:<
BINABASA MO ANG
Her life
Historia CortaAngela is like a living princess. Her both parents spoil and loves her so much. Not until a tragic happened and she met this woman Violet Perez. Will she still be a princess? *** A Short Story