Last

0 0 0
                                    

Epilogue

5 years had passed at sariwa parin ang mga nangyare noong araw na iyon. Napatingin naman ako sa mga batang masayang naglalaro sa labas ng classroom.

They really look so innocent, especially there eyes. Makikita mo sa kanila na tanging saya at laro pa lamang ang naiintindihan nila sa mundo.

"Teacher Gela! Teacher Gela!"

Napalingon naman ako sa tumawag sa akin. Umupo ako upang magpantay ang tangkad namin saka siya nginitian.

"Bakit?"

"Inaaway nila ako." Nakanguso niyang sumbong sa akin pagkatapos ay may itinurong tatlong kalalakihan. Napapailing na tumayo ako at hinawakan sa balikat ang bata at sabay na lumapit sa tatlong nagkukumpulan na nakayuko na ngayon at hinihintay ang paglapit ko.

"Christian? Lawrence? Mark? Diba sabi ko huwag niyo na awayin si Kristel?" Sabi ko at pinapasok sila sa room. Pinatabi-tabi ko naman silang pina-upo sa harapan ko habang ako naman ay nakatayo lamang at papalit-palit lamang na tumingin sa kanila.

"I aweady towd Thistian teacher to top buwying tistel but he don't listen." Nakangusong ani ni Lawrence. Napaismid naman si Christian pagkatapos ay parang tutang nagmamakaawa na tumingin sa akin.

"I'm sorry Teacher Gela. I won't do it again." Aniya. Napapailing na napangiti naman ako pagkatapos ay lumuhod sa kaniyang harapan.

"Sa akin ka ba nakagawa ng kasalanan? Kanino ka ba dapat magsorry?" Tanong ko. Napangusong tumingin siya kay Kristel at pansin ko ang biglaang pagkapula ng tenga ng batang lalake.

Napakagat tuloy ako sa aking labi at tumayo. I think i know now the reason why he keeps on bullying her.

"I-Im sorry, Kristel." Aniya. Napairap naman si Kristel pagkatapos ay nakangusong tumango.

"Hmp! Apology accepted! Basta huwag mo na uulitin iyon ah?" Aniya na ikinangiti naman ni Christian saka tumango.

"Opo, Kristel."

***

Natapos ang araw ng klase at pagod na umupo ako sa teacher's chair matapos linisin ang mga kalat ng mga batang estudyante. Unti-unti ko rin namang nililigpit ang mga gamit ko pero bigla na lamang akong napalingon sa may pintuan nang may kumatok roon.

"Knock, knock?" Ani pa niya habang nakangit. Napangiti naman ako at tumayo saka siya nilapitan. Hinalikan naman ako nito sa noo at pagkatapos ay sa labi.

"You're here." Masaya kong ani na ikinatawa naman niya ng bahagya.

"Done with my duty." Aniya.

Remember him? He's Jeffrey Santander. Siya yung lalakeng nagligtas sa akin. Nalaman kong part pala siya ng military at nasa isang mataas na position.

Matagal na pala nilang minamanmanan si Tita Violet. She was their secret mission. Tita Violet was doing illegal stuff pala that's why she became their target. At mas nagimbal sila nang malamang may ikinulong si tita sa basement. Nalaman ko rin na ang kapatid ko na si Benedict pala ang nagsumbong sa awtoridad. Nalaman niya kaseng may plano palang ipapatay ako ni Tita. At namatay din si Tita that day pero pareho kameng magkapatid na walang naramdamang awa sa puso.

"Si Benedict?" Tanong ko sa kaniya.

"Nauna ko nang sinundo at nasa kotse ko na kasama ang anak natin. Tara na? Let's eat somewhere. Balita ko may bagong bukas na restaurant." Aniya na mas lalo ko namang ikinangiti.

Bumalik ako sa table ko at kinuha ang mga gamit ko. Kinuha naman niya ito sa kamay ko at siya na ang nagbitbit pagkatapos ay inakbayan ako papalakad at papalabas ng skwelahan.

Because of him, i believed in second life. Because of my brother, i experienced a second life. And i thank God he gave me Angels like my husband and brother to save me from hell. And now, i have two kids with my amazing husband and my handsome brother, Benedict.

My hope. My freedom. My life.

-END-

Her lifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon