Nakatulala lamang akong nakatanaw sa lumang pader nitong basement habang pilit na inaalala kung ilang taon na ba akong nakakulong dito. Mahigpit kong niyakap ang aking sarili at napatingin sa paa kong nakatali sa kadena.
Agad na sumikip ang dibdib ko sa nakikita.
My mother died when i was 7 years old because of sickness. It made my father devastated and depressed. After 2 years, my Father meet this woman named Violet Perez. I accepted her because she made my father back to his old self and she really treated me as her own flesh. But, after i turned 18, my father died due to a car accident.
Sobrang kalungkutan yung nararamdaman ko pero hindi ko ininda iyon at inisip si Tita Violet dahil alam kong mas sobra pa ang nararamdaman niyang kalungkutan kaysa sa akin lalo na't buntis siya. Pero nagulat ako nang malamang pinabibilis niya ang lamay ni Papa at may kinausap na ilang attorney. I don't know what is happening but i trust her so i let her do what she's doing.
Then suddenly, umiba ang ugali ni Tita. Lagi na niyang sinisigawan ang mga maids dito sa mansion at ako naman ay panay na niyang inuutusan. Wala naman akong magawa kundi ang sundin lahat ng pinang-uutos niya.
Buntis. Kailangang sundin.
But, until she gave birth to my half brother, hindi nagbago ang ugali niya. Mas naging malupit siya sa akin. Kaunting galaw ko lang, may pisikal na pananakit na akong natatanggap. Hanggang sa isang araw...
"Angela!" Malakas niyang sigaw na siyang agad ko namang pinuntahan sa kaniyang kwarto.
"P-po?"
"Where's my earnings?" Galit niyang tanong. Napatingin naman ako sa mga Jewelry box niya at lumapit roon. Akmang bubuksan ko 'yun nang hampasin ako nito ng hawak niyang mahabang stick kaya napaatras ako at pigil na iyak na yumuko.
"Sinabi ko bang lumapit ka diyan?! Where. Is. My. Gold. Earings?!!! Sagot!"
"I.. I don't know, Tita." Nanginginig kong sagot sa tanong niya.
"Anong hindi mo alam?" Galit niyang sigaw pagkatapos ay lumapit sa akin at hinila ang buhok ko.
"T-tita..." Daing ko at hinawakan ang buhok kong hawak niya.
"Alam mo ba kung magkano ko binili ang earings na 'yun?! Huh?! Thirty five thousand pesos, Angela! Thirty five thousand pesos! At wala akong ibang hinahayaang maglinis ng kwarto ko kundi ikaw lang!" Aniya na mas lalong nagpaluha sa akin.
"I... I swear tita! Wala po akong kinuha sa mga gamit niyo." Pagmamakaawa ko habang umiiyak. Umiling-iling si Tita at pabagsak na binitawan ang buhok ko na naging rason ng pagkaupo ko sa sahig.
"Roland!" Biglang sigaw niya. Napatingin naman ako sa kakapasok lang na si Kuya Roland, ang body guard ng mansion, at nakitang nag-aalala itong tumingin sa akin.
"P-po, madam?"
"Call Manang Suling! Kunin niyo 'tong babae na 'to at ikulong sa basement!"
Gulat na napatitig ako kay tita at umiling-iling sa sinabi niya. Agad akong lumuhod at pilit na hinahalik-halikan ang paa niya.
"T-tita... No... Please, I'm b-begging you. H-huwag po duon. Promise Tita I'll... I'll be good p-po. Pagbubutihin k-ko pa po. Tita... No... Please." Pagmamakaawa ko pero umiling lang siya at dinuraan ako sa mukha.
"You are nothing but a trash!" Sigaw niya sa akin pagkatapos ay tinignan muli si Kuya Roland na ngayon ay kasama na si Manang Suling. "... Gusto ko pag-uwi ko mamaya ay nasa basement na ang babaeng 'to. Pag nalaman kong pinatakas niyo 'to, kayo ang ikukulong ko duon!" Sigaw niya at umalis na ng kwarto.
Napaiyak na lamang ako matapos niya kame iwan dito habang panay ang rinig ko ng paghihingi nila ng tawad sa akin.
And now, i think I'm already 23 years old? I don't know. Hindi ko alam ilang taon na akong nakakulong dito. Kung dati ay nakakasagap pa ako ng balita sa tuwing dinadalhan ako ni Manang Lusing ng pagkain dito pero ngayon ay wala na. Manang Lusing died because of aging, at itong bagong naghahatid ng pagkain sa akin is very loyal to Tita Violet. Hindi niya ako binabalitaan ng kahit ano. Even sa kapatid ko.
Noong si Manang Lusing pa kase ang naghahatid sa akin ng pagkain ay dinadala niya ang kapatid ko dito sa basement. We became close. Ang malungkot lang, sinasaktan din siya ni Tita Violet sa tuwing nalalaman niyang pasikretong binibisita ako ng kapatid ko kaya sinabihan ko siyang ihinto niya na ang pagpapakita sa akin. At first ayaw niya but i insist at sinabihang sumunod na lamang.
napabuntong hininga na lamang ako.
I hope he's doing fine.
______________________________________:<
BINABASA MO ANG
Her life
Historia CortaAngela is like a living princess. Her both parents spoil and loves her so much. Not until a tragic happened and she met this woman Violet Perez. Will she still be a princess? *** A Short Story