Part 1
*ding*dong*
nakatulog pala ako
napaginipanko na naman yang walang kwentang nakaraan na yan
bumaba na ako para buksan yung gate
at nakita ko si Bianca
na may mga kasama
"Bianca!! ilang ulit ko bang sasabihin na ayokong tumanggap ng mga bisita!!!"
"Van, pasensya na, sinubukan kitang tawagan pero ayaw mong sumagot, may groupwork kasi tayo at kasama ka namin, pero kung ayaw mo sa bahay nyo, pede naman sa bahay, sinundo ka lang namin"
"sige, una na kayo, susunod lang ako"
nagbihis na ako, jogging pants at malaking t-shirt
tinalian ko lang yung hair ko at ginawa kong bun at sinuot ko na yung eyeglasses ko
lumabas na ako pero nagdala ako ng isang jar ng chocolate cookies
mabuti ng may makain kami dun
pagdating ko sa bahay, pinagbuksan ako ni tito Ichiru
"oh Van? o genki desu ka?" (how are you?)
"genki desu, arigato oji-san" (im fine thank you uncle)
marunong ako ng kunting nihongo dahil kay tito Ichiru at kay Bianca
marunong naman ng tagalog si tito Ichiru
yung nga lang, nakakatawa yung accent
"pasok ka na sa loob Van"
"sige po"
nakita ko sila sa may veranda at marami silang dala na mga materials
"oh Van, andito ka na pala, uie cookies?? para sa akin!! kaya nga love kita eh"
"hindi para sa yo yan"
"eh para kanino?"
"para sa kanila yan, pero wag mong sabihin na sa akin galing"
"okay"
"guys, kain muna kayo, may cookies kasi, bigay ng tita ko, mamaya na tayo gagawa ng project"
"sige Bianca mabuti pa nga, nagutom na rin ako"
"ikaw talaga Johann, pg ka kasi"
"hindi ah"
at pumunta na sila sa sala, dun daw sila kakain, at sumunod lang ako sa kanila
mga anim sila at kasali kami ng Bianca, walo kami lahat, sa anim na yun tatlo lang yung kilala ko, si Johann na kakilala ko lang, si Brenda at ang taong iniiwasan ko
si Raphe
"sa saang subject to Bianca?"
"spec 101, Van, alam ko di mo kilala yung mga kaklase natin"
nakita kong nangunot yung noo ng mga kaklase ko, eh sa totoo naman hindi ko sila kilala kahit mahigit apat na buwan na kaming magkasama
kumain lang sila at nagtawanan, ako lang yung tahimik
hindi naman bago yun diba?
"saan ba galing tong cookies Bianca?? ang sarap eh"
sabi ni Raphe, tiningnan ako ni Bianca na para bang sabi nyang 'ano sasabihin ko?'
at tiningnan ko sya na parang sabi kong 'wag mong sabihin'
"ah yan ba?? bigay ng tita ko"
"ganun ba? sarap talaga, gusto ko kasi ng homemade cookies"
BINABASA MO ANG
The Frozen Heart
General FictionIt was a painful past for Shine, a painful past that changed her. Afraid of trusting any one, and most of all, afraid to fall in love. College life is as easy as her daily task not knowing a late bloomer like her will eventually bloom this time whe...