Author's plug: so this is the chapter five.... please po read nyo po....
love lots!!!!!!!!
\
CHAPTER 5
Part 1
nakarating na kami sa bahay, at pumasok na kami sa loob
dumiretso na si Bianca sa kwarto ko pero dumaan muna sa kusina para lantakan yung cookies ko
nilapag ko yung bag ko dun sa table ko tapos yung teddy bear, nilapag ko dun sa cabinet ko kung saan nilagay yung mga stuff toys ko
pero nung tingnan ko ulit, nagbago yung isip ko at nilapag ko ito sa kama ko
"Bianca, maliligo muna ako"
"ohkesh!!"
sabi nya habang ngumunguya ng cookies ko,
pumasok na ako sa banyo at naligo na
then nagbihis na
nakita kong nilalaro ni Bianca si Jherro
"Bianca, akin na yan"
"ahy! andamot mo, dati pinapalaro mo lang ako sa mga stuff toy mo di ba?"
"wag yan si Jherro, yung iba na lang"
"Jherro?!"
"oo....si Jherro"
"kailan ka pa natututong magpangalan ng teddy bear mo ng ganyang pangalan? di ba lahat ng teddy bear mo may 'choco' sa pangalan diba"
"ah, basta wag ka ngang magtanong pa"
"okay fine, o! sayo na yang si Jherro mo, asan na ba si chocoflower?"
si chocoflower yung teddy bear ko na best buddy ni Bianca, tapos yung sa akin naman si chocorain, yung iba ko pang stuff toy sina chocolove, chocoking, chococat, chocogeek at si chocojoy na pawang si mommy yung nagbigay
"ayan oh!! saksak mo sa baga mo"
sabay bato ko sa kanya nung teddy bear, at inilapag ko na ulit si Jherro sa kama at umupo na rin ako dun
"bakit ba ang sungit mo? meron ka no?"
"sira!!"
tapos narinig ko na nagring yung phone ko, kunin na sana ni Bianca pero bigla ko yung hinablot kaya naman nabigla sya
"ohy, anong meron sa phone mo at ganyan ka ?"
"wala"
tumalikod na ako at binasa yung message, unregistered sya pero nabigla ako dun sa text nya
'thanks for the wonderful time, can i consider this as our first date?? please take care of Jherro, goodnyt sweetdreams ;)'
napangiti na naman ako,
anu ba yan, ito na ba yung tinatawag nilang kilig?
kung kilig nga to,
pwes, kinikilig ako!!!!!
rereplyan ko ba?
huwag na lang, cold ako di ba?
"hoi bruha, ikwento mo na yung ginawa mo kahapon at bigla ka na lang at-large kahapon?"
ikunuwento ko na lahat sa kanya yung nangyari sa akin, syempre
except dun sa 'date' namin
"eh paano ka nagkaroon ng Jherro na yan? ampangit nga nyan eh, di hamak na mas cute si chocoflower kumpara jan"
BINABASA MO ANG
The Frozen Heart
General FictionIt was a painful past for Shine, a painful past that changed her. Afraid of trusting any one, and most of all, afraid to fall in love. College life is as easy as her daily task not knowing a late bloomer like her will eventually bloom this time whe...