CHAPTER 7
Part 1
"good morning Van!!"
nagsmile sya pero binalik lang agad yung atensyon dun sa cookies na kinakain nya
umupo ako dun sa tapat nya at kumuha ng bowl para sa cereal at nilagyan iyon ng gatas
at nagsimula ng kumain
"Van?"
"ano yun?"
"turuan mo naman ako magbake ng cookies oh"
nasamid ako dun sa sinabi nya
ano naman ang nakain ng isang to? sobrang cookies?
"huh? bakit? akala ko ba kontento ka na? na ako yung nagbe-bake tapos ikaw taga-kain"
"oo naman pero mas maganda na may marunong din akong gawin diba?"
"eh anong plano mo?"
"maggo-grocery tayo ng mga ingredients then magbe-bake tayo"
"ngayon na?"
"oo ngayon na"
"sige ligo muna ako"
tinapos ko na agad yung nasa bowl ko at uminom dun sa gatas ni Bianca
tinatamad akong magtimpla eh
dito kasi sya nag-overnight kaya kay aga-aga eh nilantakan agad yung cookies ko
nung nakaligo na ako, buamaba na ako sa sala wala sya sa sala
sa guest room kasi sya natutulog siguro andun yun sa loob
"tara Van!"
nagbike muna kami papunta sa bahay nila, magpapahatid kami ni manong Ben, yung driver nila Bianca
para hindi hassle sa byahe
"saan kayo pupunta Bianca?"
tanong ni mang Ben,
"sa mall lang manong"
at inihatid na kami ni manong sa mall
nung nag-grocery na kami, si Bianca kinarir na talaga, pinipili pa yung mamahalin at yung magagandang klase talaga
well, pera nya naman yung gagastahin di ba?
"ano ba yan!!"
narinig kong reklamo ni Bianca, nung nakita ko na may nakabangga dun sa cart nya, at lalaking nakahood
"ikaw!!"
"ikaw!!
sabay nilang sabi, aba ang tadhana nga naman no?
yung nakabangga dun sa cart ay walang iba kundi si
Johann
"anong ginagawa mo dito?"
nakataas na yung boses ni Bianca, buti walang tao dito sa pwesto namin
"nag-go-grocery malamang, common sense naman Bianca, kung wala ka nyan, wag ka na lang mabuhay!!"
"so ibig mong sabihin wala akong common sense?"
"medyo"
"argh!! nakakaasar ka!!"
humigpit yung hawak ni Bianca dun sa cart nya,
inis na inis na sya, pulang pula na kasi yung mukha nya
BINABASA MO ANG
The Frozen Heart
General FictionIt was a painful past for Shine, a painful past that changed her. Afraid of trusting any one, and most of all, afraid to fall in love. College life is as easy as her daily task not knowing a late bloomer like her will eventually bloom this time whe...