"GISING! HINDI KA REYNA PARA MATULOG D'YAN!"
Naimulat ko bigla ang mata ko dahil sa malamig na tubig na ibinuhos ng kung sino man sa 'kin. Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko dahil sa ginawa niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Son of a bitch."
He kicked me in the stomach, which is the reason why I coughed up blood, but I still couldn't get rid of my death glare at him, as if I expected to kill him because of that.
"Sige lang. Samaan mo lang ako ng tingin dahil 'yan na lang ang huling pagkakataon mo para tignan ako nang ganiyan. Bukas, mamatay ka na at ako ang maglilibing sa 'yo sa ilalim ng hukay mo."
Ngumisi muna siya bago ako tinalikuran para lumabas. Napairap nalang ako sa tinuran niya.
Talagang huwag niya lang hilingin na makatakas ako rito dahil hindi ko na siya bubuhayin pa. Aalisin ko na siya sa mga hayop na nabubuhay dito sa mundong ibabaw at dadalhin sa impyerno kung saan nababagay ang demonyong katulad niya, nila.
Umupo ako ng maayos at saka sumandal sa bakal na poste na nasa likuran ko. Ramdam ko ang panghihina ng buong katawan ko dahil sa sipang ginawa niya. That fucking asshole. Kung makasipa akala mo kabayong nakawala sa kuwadra niya. Makakatikim din siya sa 'kin ng ganoong klaseng sipa kapag nakatakas na ako rito sa pesteng lugar na 'to. Ibabalik ko sa kaniya ang katarantaduhang ginawa niya sa 'kin nang mas malala. Tignan lang natin kung makapagsalita pa siya ng gano'n.
I turned my eyes to observe the surroundings, which I could not do in my first days here. I think this place is an abandoned warehouse.
I see some machinery and steel around the warehouse. There is also a long sofa that looks like it has been aged for centuries because of its appearance. It's actually disgusting to look at. Mga dugyot talaga ang mga taong naglalagi rito. Of course, except for me, who shouldn't be here in the first place. Duh.
It's been four days since they kidnapped me and brought me here to this shitty place. That four days were a complete hell for me because they don't even give me food or water to drink. Nanghihina na ako dahil sa lintik na gutom na 'yan. Uhaw na uhaw na rin sa tubig ang nanunuyot kong lalamunan. Masuwerte nalang talaga ako dahil sanay ang katawan ko sa gutom at pagod kaya hindi pa ako nawawalan ng malay. Dinadaan ko nalang sa tulog ang gutom na nararamdaman ko kada gabi. Wala naman akong balak mamatay sa impyernong lugar na 'to nang hindi lumalaban. Makakaalis ako kaya maghintay lang sila riyan.
Palibhasa'y natatakot sila dahil kayang-kaya ko silang patumbahin isa-isa kung sakaling makawala ako sa pagkakakadena kaya ginagawa nila ito sa 'kin. They are weaklings, a piece of trash that should be disposed of as soon as possible. Dapat ng mawala ang mga basurang kagaya nila sa mundo.
Natigil ako sa pagmamasid ng paligid nang makarinig ng tunog ng sapatos. Hinanap ng paningin ko ang yabag ng taong papalapit sa 'kin. Nakaramdam naman ako ng matinding poot nang makita ko kung sino siya.
The fucking traitor.
"Are your wounds and bruises still hurting?"
Lumapit ito at yumuko sa 'kin para maging magkapantay kami. Akmang hahawakan niya ako sa mukha pero mabilis ko itong iniiwas sa kaniya at sinamaan siya ng tingin.
"Don't. Fucking. Touch. Me."
Isa rin siyang demonyo katulad nila. Trinaydor niya ako. Sa lahat ng taong kilala ko, bakit siya pa ang gumawa nito sa 'kin? Anong kasalanan ko sa kaniya? Kailan niya pa ako sinimulang traydurin? Ang dami kong gustong itanong sa kaniya pero hindi ko magawa dahil pinapangunahan ako ng galit na nararamdaman ko.
Many people have betrayed me. And one thing that hurts the most is that I know them, I consider them as friends.
What a bitter-sweet reality.
BINABASA MO ANG
PLAY SERIES #1: AGAINST THE QUEEN
AksiA real QUEEN don't need a king to protect her.