Chapter 2: Nightmare vs. Scholarship

92 2 1
                                    

-Ramitzi's POV-

Nasa loob ako ng aking kuwarto ngayon. Wala akong kasama ngayon sa bahay, eh. Si Mama maaga umalis para mamalengke at ang kapatid ko naman na si Ramuel ay pumunta na ng school niya at may exam pa raw siya. Ang papa ko naman ay..... Matagal nang hindi nabalik sa bahay. Kaya eto ako ngayon, nag-iisa. =3=

Bakit kasi ang tagal ng oras, eh!!!! >.< Sana dumating na s--

DING DONG!!!

Yay!! Speaking of the devil! Ang bilis naman matupad ng wish ko, haha! Kung sinuswerte nga naman, oh!

Agad-agad akong bumaba at binuksan ko ang pinto. Andito na rin sa wakas, ang aking beautiful bestfriend na si Ashly! "Uy,  girly good morning!!" bati sa akin nito. "Ang tagal mo, ah, cutie!!" bulalas ko naman dito.

Yup, tama kayo. Siya si Cutie at ako naman si Girlie. Ayan ang cute nicknames namin! Ang galing ko mag-imbento, noh? ;P

"Ah? 6:10 pa lang naman, ah."Ashly.

"Eh kasi, iniwanan nila ako rito mag-isa! Nakakatamad tuloy!" Ako.

"Eh bakit hindi ka na lang nauna papasok?" Ashly.

"Kasi po, ayaw ko na magpagod ang bestfriend ko para sa wala." Ako uli. Sabay pout. =3= Aba, aba, aba! Nahihilig na ata ako mag-pout ngayon. Lol.

Kinuha ko yung bag ko sa sala at ni-lock ko yung pinto pagkalabas ko. "Tara na. Off to Lal Mirch na tayo." sabi ko kay Ashly at naglakad na kami papuntang school.

May sasabihin ako sa inyo. Itong si Ashly ay mayaman namang talaga. May sariling kotse pa nga tong babaitang ito na naghahatid-sundo sa kanya sa school. Pero ayaw niyang sumakay sa sasakyan. Sabi niya mas nice daw kapag sabay na naglalakad ang magkakaibigan! Oh di ba, ang sweet!

Kung hindi lang ako babae eh, na-inlove na ako sa babaeng ito. Hindi lang mabait, maganda pa! (Mas maganda siya sa akin.... Nang Kaunti.) Pero, as what I am saying yun ay kung hindi ako girl, eh, girl ako. 1000% At nagsabi ko na ba na ayaw ko talaga sa mga cross-dressers?!

Poke!

Poke Poke!!

"Oy, bakit ba cutie?" tanong ko kay Ashly. "Uhmm.... Kilala mo ba si Nico?"

"Oo. Bakit?" Me.

"Kasi... Niyayaya niya ako sa isang date, eh." Ashly.

Napatalon naman ako sa tuwa. Sabihin na nating kinikilig ako. "Go girl! Mabait na boy si Nico. Give him a chance! Malay mo siya na pala ang para sa'yo." ang pag-e-encourage ko kay Ashly. Hay naku, Nico, kailangan mo akong pasalamatan kung papayag si Ashly.

Bahagyang namula si Ashly. "S-sige. I'll give him a chance.." sabi ni Ashly. Muli na naman akong napatalon. Bakit hindi, eh, kinikilig ako?

Kasi naman noon pa man ay gusto nang ligawan nitong si Nico si Ashly. Pero masyadong maraming naka-aligid na boys kay Ashly kaya nahihiya itong si Nico na lumapit at isa pa ay torpe itong si Nico. Mabuti na nga lang at nagawa niyang yayain si Ashly sa isang date!

At tinatanung niyo kung paano ko naman nalaman ang mga pinagsasabi ko ngayon? Simple lang, dahil ako ang nilalapitan ni Nico para humingi ng tulong. Kaya naman ako ay na-excite dahil gusto kong magpaka-kupido sa dalawang ito.

Hayts... Ang love naman talaga.

                                                          -ooooOOooooOOooooooOOoooooOOooooo-

SAFE!!!!!!!!!!

Phew! Nakaligtas kami sa pagiging late, ah! Dahil nakapasok lang naman kami sa loob ng classroom 5 minutes before the bell. Worth it din naman yung takbo namin.

Crazy Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon