Chapter 4

30 0 0
                                    

Asuna's POV

Nandito na kaming lahat sa Quadrangle kung saan kami pinapapunta dahil Opening Ceremony.

Umakyat na sa stage ang Principal tapos nagsimulang dumada.

Pagkatapos nung Principal yung Dean naman.

Tapos yung President ng Student Council.

Pagkatapos nilang magsalita naghihintay pa kami na umakyat ang Headmaster pero walang umakyat.

Pumunta nalang ulit yung President ng S.C sa stage para sabihan kaming hindi darating ang ang Headmaster.Siyempre nadissapoint yung mga ibang studyante dahil sa Opening Ceremony lang ito nagpapakita sa kadahilanang hindi naman nito hilig maglibot sa paaralan na tila isang malaking daga na hindi umaalis sa lungga nito.

Pagkatapos ng Opening Ceremony bumalik na kami sa kanya-kanya naming classroom.

Papasok ako ng classroom ng may marinig akong boses ng mga lalaki at isang babae?

Naririnig ko na parang ngumangawa yung babae tapos yung mga lalaki tumatawa-tawa pa hindi na ako nagdalawang-isip pa at sinundan kung saan nanggagaling ang tunog na naririnig ko.

Pagdating ko don nagtago muna ako sa puno at tinignan kung saan nanggaling yung tunog na narinig ko kanina.May isang babae na nakascotch tape ang mga kamay,bibig at paa at nakatali sa isang malaking puno na wala ng blouse tapos may limang lalaki ang nagtatawanan habang naghahagis ng mga kamatis sa babae na kulay pula na ang katawan.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa nakikita ko,isang babae ang pinagtutulungan ng limang lalaki pinagtripan,hinagisan ng mga kamatis at hindi na naawa sa nakakaawang babae at talaga namang nagawa pa nila itong tawanan habang wala nalamang itong nagawa kundi ang umiyak ng umiyak.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong galit.Konti-konting nilalamon ako ng galit ko at gaya ng inaasahan nangyari ang isang kinatatakutan kong mangyari na matagal ko ng pinipigilan at matagal na din simula ng mangyari ito nawawala na ako sa huwisyo at sumasakit ng sobra ang mga mata ko na para bang inaalis ang mga ito.Impit na napapasigaw nalang ako sa sakit at napapasabunot sa buhok ko and then everything went black.

*black out*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 07, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Shoujou AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon