#2: SophiaMarc

13 3 2
                                    

Hmmmm..

Ang sarap talaga ng hangin dito sa Tagaytay! I'll never regret being part of the Junior Student Convention because of this! Yun nga lang, last year ko na! Hay...2 months before graduation... Hashtag Graduation Feels. So I should spend the last 3 days in Tagaytay outdoors kasi mami-miss ko ang hanging Tagaytay pagbalik namin sa Quezon!

It's 5 a.m. at nag-decide akong mag-jogging habang nakain pa ang mga teachers at classmates ko. At, may isa pa akong rason.

Wala si Marc kanina sa kitchen pagbaba ko. Sabay naman kami laging nagco-coffee at sabay kami mag-jogging kaya nagtaka ako kung nasaan siya.

Marc is my best boy friend. As in lalaking kaibigan. Pero wish ko, sana maging more than friends kami. pero IMPOSIBLE.

Siguro hindi talaga itinakda ni Lord na maging kami ni Marc. At sino ba naman ako para maging bagay kami? Si Marc Pimentel, mayaman, pogi, matalino, at magaling pang-magbasetball. Ako naman ay isang Sophia Lim lang, chinitang panget, average, at maingay.

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng paa ko hanggang nakarating ako sa basketball court tatlong kanto galing sa dorm namin. At nakita ko siya...

"...13, Pimentel for 3!" Sigaw ng coach nila.

Galing talaga ni Marc ko!

"Good Job boys!" Sabi ng coach nila at nagtago ako sa likod ng puno dahil baka makita nila ako.

"Thanks coach!" Sigaw ni Josh, ang captain nila at naglakad na sila paalis pero naiwan si Marc. Hmmm? Bakit kaya?

Hinintay ko makalayo ang mga ka-team ni Marc at palapit na ako sa kanya.

"Marc!" May sumigaw na nagpatigil sa akin sa paglalakad.

Nagtago ako sa pinakamalapit na puno at pinanood sila.

Ok so yun, yumakap si girl kay Marc tapos nag-usap ng konti tapos lumakad palayo.

Feeling ko, gumuho mundo ko. De, joke lang! feeling ko masakit. Lalo na sa puso kahit alam ko na mag isang part ng brain ang nagbibigay ng emosyon at tumitibok lang talaga ang puso at nagbibigay ng blood.

Pero masakit talaga. Parang gusto ko ibalik yung oras at sana hindi na lang ako pumunta dito. Pero wala na akong magagawa, naandito na eh.

Ramdam ko, umiiyak na ako so nag-jogging nalang ako para kumalma. May volleyball event pa naman kami mamayang hapon.

Nag-jogging ako habang nagpapahid ng luha at sipon. Shit. Nakakahiya.

Naka-ilang ikot na ako sa dorm pero umiiyak pa rin ako...Ugh! Kailan ba titigil ito!

"Sophia!"

Lumingon ako at nakita ko si Marc.

Sophia! Huwag mo pansinin. Huwag. Huwag!

Nginitian ko lang siya at tinuloy ko na lang ang pagjo-jogging ko. Marami-rami na rin ang mga kaklase kong nasa labas.

"Sophia. Ok ka lang?" tanong ni Marc. At hinabol pa talaga niya ako. Yan tuloy, naiiyak na naman ako.

"Oo naman, bakit naman hindi?" tanong ko.

"Wala lang, parang ang lungkot mo. Sorry kung hindi ko nasabi sa'yo na may practice kanina, hindi tuloy kita nasabayan-"

"Marc, hindi mo na obligasyon yun. Oo, friends tayo pero ok lang talaga. At saka baka may magalit." sabi ko.

"Magalit? Saan? Sino?"

"Baka may magalit kapag lagi kitang kasama. Yung girlfriend mo, yung may crush sa'yo, yung-"

"Wait? Sinong may sabing may girlfriend ako?" tanong niya. Naku Sophia, malapit na niya aminin na may girlfriend na siya. Huwag kang iiyak!

The Crush ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon