#1: LeaRouis

24 3 2
                                    

"Forgetting you." Yan ang message ko sa crush ko. GM ang nakalagay diyan, pero sa kanya ko lang naman talaga sinend.

Hay! Ang mga sawi talaga! Nagpaparinig na lang sa text! Nakakatanga lang eh. Nasasaktan na nga ako't lahat, nakakapit pa din ako. Umaasa pa din ako na magugustuhan niya ako.
Shit. Hindi niya ako magugustuhan ok!!! Dati sinabi na niya yun sa mga kaklase ko. Nagmura pa siya. Puta! Hindi ba niya ako nakita na nagwawalis dun sa may sulok? Hindi ba niya alam na naririnig ko yun? O talaga lang na manhid siya para gawin yun?

Pero yun nga, ginawa niya. At umiyak na lang ako.

Pagkatapos nun, iniiwasan ko na lang siya. At kahit kausapin niya ang adviser ko para makausap ako, hindi ako papayag.

Oo, magkaibigan kami. Nagkakilala kami nung naglalakadlakad ako sa garden ng school sa may classroom nila at biglang hinawakan niya ang balikat ko. Baka akala niya, kilala niya ako. No Way! Transferee ako nun!

Nagulat ako ng biglang tumunog cellphone ko. Sino kaya.

Putspa! Nag-reply siya!

"Sino ang kinakalimutan mo?"

Who would ever think 4 words could make me feel giddy. Parang nabuhay lahat ng cells ng katawan ko. Ang tagal na niyang hindi nagre-reply! Palitan lang ng gm, ganun. Pero shit, nag-reply siya!!!!

Pero nag-iisip din ako.
Hindi ko naman pwedeng sabihing siya yun kasi nagkaka-ayos na kami the last few days. Lagot! Sinong sasabihin ko!!!!!

Lea Manzano naman! Bakit ka pa kasi nag-send ng ganun eh! Grabe ka naman oh!

"Yung dati kong crush." Reply ko. Well nagpapatama pa din!
Sana naman, hindi niya maisip na siya lang yung crush ko. Sheeeeeet! Anong gagawin ko!

"Bakit?" Reply niya.

"Wala. Binabalewala niya lang feelings ko eh. Kaso mahirap siya kalimutan." reply ko naman.

Totoo naman eh. Inamin ko na crush ko siya. Pero wala lang sa kanya, sabi niya alam na niya dati pa dahil obvious! Pero yun nga, binalewala niya lang.

"Bakit siya mahirap kalimutan?" reply niya.
Aa naman! Ang daming tanong eh!

"Dahil parang siya ikaw, laging naandyan, laging naaasar, laging nakikita, ganun! Pero kailangan ko lang talaga siyang kalimutan!" reply ko.

Bago ko pa nabasa yung text ay na-send ko na. Syempre nabasa ko na habang tina-type ko pero hindi ko alam na yun pala talaga yung tinype ko!

Sinabi ko lang ba parang siya yung kinakalimutan ko...which is siya talaga!

Naku!!! Baka mamaya magtanong yun kung sino yung kinakalimutan ko! Hay bahala na!

Matagal-tagal kong hinintay yung reply niya. Kaya buong akala ko, hindi na siya magrereply or busy siya, pero nag-beep ang phone ko.

Nag-reply siya.

"Bakit hindi mo na lang siya kaibiganin. Tingnan mo kami ng bes ko. Diba naging girlfriend ko siya. Pero nung pangalwang break up namin, napag-isip ako. Masaya ako kasama siya, kaso ayaw ko na ng relasyon with her. So kinaibigan ko na lang siya. Tingnan mo kami ngayon, mag-bes na! At least pati, kapag kinaibigan mo siya, may way ka para ipakita ang pagmamahal mo sa kanya."

Yun na nga eh, magkaibigan kami. Pero binabalewala niya ako. Ang awkward pati nun. Kakaibiganin mo crush mo na may best friend na girlfriend niya dati na mainit ang dugo sa'yo, no way!!!!

Hindi ko ba alam kung bakit inis na inis yung babaeng yun sa akin. Irap ng irap, wala naman akong ginagawa sa kanya! Bruha siya!

"Nakakahiya kaya yun! At saka binabalewala niya lang ako, paano ko naman gagawin yun? At saka tanga ako, umaasa sa wala." reply ko.

Aa! Pati sarili ko, minumura ko sa dahil sa kanya! Inayos ko na yung kama ko at nahiga na ako.

Nag-tunog ang phone ko, nag-reply siya.

"Kapag binabalewala ka nung crush mo, balewalain mo din siya. Hindi ikaw yung tanga, crush mo. Tanga talaga yung crush mo na binabalewala yung feelings mo. Hayaan mo, kapag binalewala mo siya, eventually makakalimutan mo din siya."

Ano?! Tinanga niya yung sarili niya!!!! Pero hindi niya alam na siya yun but still!!!!
Wahaahahahahahahahahaha.

Nagtunog ulit phone ko.

"Sino ba kasi yun?"
At syempre, hindi ko sasagutin yun dahil hindi niya pwedeng malaman na siya yun.

Nag-reply ako:
"Good Night! Thanks."

Nilagay ko na ang phone ko sa bedside table at naghanda na ako matulog ng tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko sa bedside table at napa-upo ako.

Tumatawag siya!!!!
Rouis Mendoza calling...

Sheeeeet! Tumatawag siya!
Buti na lang malayo ang kwarto nila mama sa kwarto ko. Walang makakarinig.

Sinagot ko.
"Hello?" Sabi ko.

"Lea, kung ako yung kakalimutan mo, huwag mong gagawin yun dahil ayaw ko na mawala ang feelings mo sa akin. I like you too. Bukas na natin pag-usapan ok. Sige goodnight." Sabi niya at binaba na niya.

Dumulas naman ang cellphone ko sa kamay ko at parang nag-malfunction ang utak ko. Masyado akong excited at ang lakas ng tibok ng puso ko. Totoo ba ito o nananaginip ako? Sheeeet. Seryoso? Gusto ako ni Rouis? Yung crush ko? Wala akong nagawa kungdi dumapa at umirit sa unan ko. At hindi ko sure kung makakatulog pa ako...

The End.

First One-shot Story Guys! So? How was it?

The Crush ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon