Chapter Five

0 0 0
                                    

"What the hell is this Deborah?" napaigtad siya ng biglang bumukas ang pinto ng kuwarto niya at pumasok ang galit na galit na si Drayton.

"What?! Ano ba yan Drayton! You nearly give me a heart attack! Papatayin mo ba ko?!" nayayamot na tinignan niya ito. She sometimes regret na binigyan niya ng spare key ang lalaking ito. Well, hindi niya pala ito binigyan kusa pala nitong kinuha ang spare key niya na ikinaiinis niya talaga. Nakakabuwisit lang na bigla-biglang pumapasok ito sa bahay niya na hindi man lang kumakatok.

"No, it's not you who I'm going to kill but this fucking bastard who wants to date you?! Sino ito ha?!"

Nawala ang inis niya ng marinig ang sinabi nito. She gasped when she remember Tim who asked her out yesterday. But she already refuse to go out with him.

"H-how did you know?" mahina ang boses na tanong niya.

"I have your cellphone you dimwit, and back to what I asked who is this bastard?"

Ay...stupid nga. I forgot kinuha pala nito ang phone ko kahapon at hindi ko man lang naerase ang convo namin ni Tim. Naku naman.

"Makadimwit ka naman," napanguso siya. Napatingin ito sa labi niya at mabilis na umiwas agad ng tingin.

"Don't try to distract me woman I said WHO IS THIS BASTARD!" napaigtad siya sa lakas ng boses nito.

"Ano ba Drayton...huwag mo ng ibig deal yan, nabasa mo naman diba na humindi ako, kaya no need to make an issue out of it...at puwede ba kumalma ka nga stop raising your voice I'm not deaf," inirapan niya ito at tinalikuran. Sumampa siya sa kama at ini-on ang TV. Hindi niya na pinansin ito at itinuon ang atensiyon sa pinanood na palabas sa TV. Narinig niya ang marahas na pagbuntong-hininga nito. Naramdaman niya ang pagtabi nito sa kanya.

"You know damn well how I hate those bastards trying to get to you," napansin niya ang pagkalma na nito.

"Oo nga, kasalanan ko bang lumalapit sila sakin," hindi tumitingin na sagot niya dito. Hindi naman siguro niya kasalanang ipinanganak na maganda. Just saying.

"And I hate it," napasigaw siya ng bigla siya nitong hinila pahiga sa kama. Kaya napahiga siya diretso sa braso nito.

"Ano ba, parang ano to, nanonood ako eh," babangon sana siya ng mahigpit na niyakap siya nito.

"Drayton ano ba, bitaw," mahinang pinalo niya ang braso nito. Narinig niya ang mahinang pagtawa nito.

"Should I put you in my pocket para hindi ka na makita pa ng iba," napatingala siya dito. Nakita niya ang kaseryosohan sa mukha nito habang nakatingin sa kanya. Biglang kumabog ang dibdib niya sa narinig. Ayaw niyang mag assume pero it sounded like a music to my ear parang nagbibigay ito ng munting pag-asa sa kanya. She doesn't want to be hopeful but she can't help herself.

"M-may gusto ka na ba sakin?" kinakabahang tanong niya. Kumunot ang noo nito at umiwas ng tingin. Binitawan siya nito at bumangon. Naglakad ito patungong pinto.

"Drayton?" tumigil ito at humarap sa kanya.

"Stop talking nonsense Deborah, you know I don't do that shit, why? Do you like me?" tiim bagang na balik tanong nito sakin.

"N-no! Of course no!" she answered between her breath dahil parang in any minute lalabas na ang luha niya.

"That's good to hear, I'll just go to Pride," sabi nito at agad na lumabas ng kuwarto niya.

Nang makalabas na si Drayton nag-uunahang lumabas din ang luha niya sa mga mata. This is what I get from loving a heartless person. Pang-ilang heartbreak na ba ito, hindi man lang ako natututo. Mapait na ngumiti siya habang pinahid ang luha sa mga mata. Malalim na bumuntong hininga siya at napatitig sa kawalan. Sunod sunod siyang nagpakawala ng hangin hoping it will help lessen the pain inside. Ano pa ba ang aasahan niya. Hanggang kailan niya papagurin at sasaktan ang sarili sa katotohanang hinding hindi kailan man magkagusto si Drayton sa kanya.

Friends Don't Look At Friends That WayWhere stories live. Discover now