"Morning, " napaangat siya ng tingin mula sa kanyang pagbabasa only to see the smiling face of Stadley in front of her. Hindi makapaniwalang tinignan niya ito, parang walang nangyaring nakangiti ito sa kanya. Parang wala itong ginawa kahapon. Bago pa ito makapagsalita ulit binato niya ito ng libro na hawak niya. Nakasimangot na tinignan niya ang libro na mabilis naman na nasalo nito sayang hindi man lang nakalanding sa mukha nito ang libro.
"What was that yesterday? I thought we had an agreement? " mataray na tinignan niya ito habang nakahalukipkip. Napakamot naman ito sa ulo at umupo sa harap niya.
"I just want to know how he react if he knows about us, " kibit balikat na sagot nito.
"And what did you get??? He almost beat your ass, stupid! What were you thinking? "
"As if I let him, kaya ko naman siyang patumbahin ah, " I scoffed from what I heard from him. Ang yabang,
"I don't want another trouble okay. Drayton is uncontrollable sometimes... hindi sa lahat ng panahon mapipigilan ko siya, " kinuha ko ang phone ko nang magvibrate ito. It's Drayton texting me.
"So that's why you let him controls you?" natahimik ako sa tanong ni Stadley. Inirapan niya ito at tumayo na, kukunin niya sana ang bag ng unahan siya nito.
"Give me my bag, " mahinahong sabi niya. Seryoso ang mukha nitong nakatingin sa kanya.
"I just got here, aalis ka na agad, "
Napakunot ang noo niya ng mapansin ang pagtagis ng bagang nito. Bipolar din pala ang isang ito katulad ni Drayton. It's a first.
"Drayton's outside, I need to go, " saad niya habang pilit na kinukuha ang bag niya mula dito. Nakipagtagisan ito ng tingin sa kanya bago pabagsak na ibinigay ang bag niya.
"Fine, "
Madilim ang mukhang umalis ito sa harap niya. Hindi makapaniwalang sinundan niya ito ng tingin. At talagang inunahan pa kong umalis. Naiiling na kinuha niya ang bag at umalis na.
Nasa may pinto na siya ng library ng matanaw si Drayton sa usual spot kung saan siya nito hinihintay palagi.
"What took you so long? "magkasalubong ang kilay na tanong nito. Sasagot sana siya ng mahagip ng mata niya si Stadley na nakatingin sa kanya habang may kausap ito. Umiwas siya ng tingin dito at lumapit na kay Drayton.
" Let's just go,"
"Is that the asshole in the cafeteria?"
Napalipat lipat siya ng tingin sa dalawang lalaki na ngayo'y parehong masama ang tingin sa isa't isa. Parang mga tanga lang.
"Ano na naman, gulo na naman ba to, kung oo mauna nako sa inyo nagugutom nako, goodluck in breaking each other's faces, "
Tumalikod na siya at naglakad na paalis pero sa loob niya taimtim siyang nagdarasal na sana sumunod sa kanya si Drayton.
"Let's go, " matigas ang boses na sabi nito. Laking ginhawa niya ng sumunod nga ito sa kanya. Hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya palapit dito. Napangiti siya at kusang niyakap ang isang kamay sa braso nito. Lumingon ito sa kanya dahil sa ginawa niya, nginitian niya lang ito ng matamis.
"Tsss, " umiwas ito ng tingin pero nakita niya sa mukha nito na nagpipigil lang ito ng ngiti.
Napasimangot siya nang makita si Drayton na matiim na nakatitig sa kanya. Nakapamulsa ito habang nakasandal sa labas nang kanilang classroom.
What a sight.
Hindi nito inalintana ang mga mata na nakatingin dito. Diretso lang ang mga mata nito sa kanya. Napailing nalang siya sabay iwas ng tingin dito. She let out a heavy sigh to suppress the rapid beating of her traitor heart.