May 24 20**
Tsk. Nakakaasar naman tong kaibigan ng kuya ko kanina pa ko nito kinakausap pero di ko lang sya pinapansin.
Hindi naman sa snobbers ako o ano. Hindi lang talaga ako sanay na maykausap na lalake lalo na kaibigan ng kuya ko.
At ano naman din ang sasabihin ko dito sa kaibigan ng kuya ko eh hindi rin naman kami close at wala rin akong gusto sabihin.
Naman ayaw talaga ako tatanan ng lalakeng to nandito nga pala kame sa rooftop ako at yung mga kaibigan ni kuya. Actually nagpapahangin ako dito ng bigla nalang sila dumating kasama din yung isa kong kaibigan na si kevin.
Ako nga pala si Andrea Alexis Alvarez. Just call me Andrea. Im 18 years old. Simple, Hindi gaano kagandahan, Mabait sa Mabait, Maldita minsan, Morena ang kutis at Matalino.
Kasalukuyang nakatayo ako ngayon sa isang sulok ng rooftop at kausap si kevin ng biglang lumapit si jaspher.
"Hi." Bati nya. Ano expectation nya sakin mag Ha-Hi din sakanya eh hindi ko nga sya close eh. Asahan nyo rin sakin maldita ako eh. Nasabi ko naman di ba na maldita ako minsan.
Tuloy pa rin ang pakikipag usap ko kay kevin . Pero si jaspher sa pangalawang pagkakataon eh nag Hi na naman.
"Hi." Bati nya ulit pero hindi ko parin sya pinansin. Ohh. Edi ako na masama. Nang hindi ko sya pansinin ulit ay umalis na sya at lumapit kay kuya ko.
"Jae.! Ano ba tong kapatid mo ayaw ako pansinin. Tawagin mo nga." Utos nya kay kuya. For what.? Hello kahit anong tawag nyo hindi ako lalapit..
"Andrea. Tara dito. Tawag ka ni jaspher." Tskk. Bahala kayo. Lumingon lang ako kay kuya at tumalikod narin.
"Ano bayang kapatid mo jae kj." Wow ha kj talaga ? Hello hindi po tayo close para tawagin mo kong kj.
Habang kinakausap ko si kevin ay lumapit na naman ang nagsabing kj daw ako.
"Hi." Tsskk.. yan na naman yung walang kamatayang Hi nya.
"Drea , Mag Hi ka na nga jan kay jaspher." Utos sakin ni kevin. Tskk.
Pasalamat sya at mabait ako kaya nag Hi nako.
"Hi." Seryosong sambit ko ng hindi tumitingin Ayan siguro masaya na sya.
"Oh., ayan na nag Hi na sayo si Andrea." Sabi ni kevin kay jaspher.
"Nag Hi nga nakatingin naman sa tablet nya." Ay aba't nagreklamo pa pasalamat nga sya at narinig nya ang Hi ko. Ano ba gusto nya nakatingin pa sa mga mata nya eye to eye contact ha? Ganun ba.?
Tapos ay umalis na sya kasama si kevin at naki pagkwentuhan na ulit dun sa mga kaibigan nila at kay kuya. Maya-maya ay tinawag ako ni kevin sa tabi nya at pina upo. Close ko lang talaga tong kevin na to kaya tumabi ko sakanya.
"Hi." Tskk. Yan na naman sya.
"Andrea, kausapin mo naman si jaspher." Saad ni kuya jae sakin. Tinignan ko lang sya at hindi ako nagsalita ng biglang magsalita si jaspher.
"Mag Hi ka naman!" Sabi nya at nagsalita naman si kevin.
"Mag Hi ka naman daw." Tsk. Nakalimutan na ba nila na nag Hi ako kanina.
Ibinaba ko saglit yung tablet ko sabay tingin sakanya at mabilis na nag Hi. At dahil sa mabilis akong nag Hi hindi nya ako nakitang tumingin sakanya eh sya naman ngayon ang hindi nakatingin. At nagsalita sya.
"Tignan nyo nag Hi na naman sya sa tablet nya. Hindi manlang tumingin sakin." Sambit nya. Tsk di kasi sya nakatingin kanina.
"Nakatingin na nga ako sayo nung nag Hi ako ikaw lang ang hindi nakatingin." Reklamo ko sakanya. Totoo naman eh.
BINABASA MO ANG
Mag Hi ka naman!
Non-FictionSabi nila ... kapag importante daw sayo ang isang tao, Mahalin mo at wag mong iwanan at lalong wag mong iwasan.Dahil sa bawat minutong pag-iwas mo, Maraming pwedeng magbago na pwede mong pagsisihan. Sa kwentong...