[Fastforward]
May 28 na ngayon at kasalukuyang nandito parin kami ngayon ni kevin sa bahay kasama ang mga kaibigan nila ni kuya kaso hindi makakasama ngayon si kuya jae dahil may date sila ng girlfriend nya na si ate queeny. Wala pa din si jaspher dito mamaya ay pupuntahan namin sya sa bahay nila at pupunta na kami sa park. Oo Namin at Kami kase kasama ako remember magsosorry ako sakanya..
Kasi ang Sabi nila ...
kapag importante daw sayo ang isang tao, Mahalin mo at wag mong iwanan at lalong wag mong iwasan.Dahil sa bawat minutong pag-iwas mo, Maraming pwedeng magbago na pwede mong pagsisihan.
---
Nasa park na kami at kasama na rin namin si jaspher. Hindi pa pala ako nakakapag sorry sakanya humahanap pa kasi ako ng tamang tiyempo at maysasabihin din ako sakanyang mahalagang bagay. Malalaman nyo rin kung ano yun#^_^
Nakatingin lang ako sakanya ang cute nya talaga chinito sya tapos maputi , at matangos din yung ilong nya. Napansin nyang nakatingin ako sakanya at pagtingin nya sakin ay nagkatitigan kami . Agad naman akong umiwas ng tingin.
Nakita ko syang ngumisi. Hala ba't ganun? Ang cute nya talaga ang sarap ikiss haha. Jk lang...
Hindi ako maka get over dito di ko feel ang atmosphere ngayon dito. Kaya nagpaaalam muna ako kay kevin.
"Kevin, alis lang muna ako saglit ha?" Sabi ko kay kevin.
"Sige balik ka kaagad ha.?
"Sige." Sagot ko sakanya at umalis na ako hindi ko nasya pinagsalita pa.
Nandito ako ngayon sa bench sa park naupo lang ako. Habang papunta dito sa bench kanina ay di ko maiwasang maisip sya bakit ba ganun? Bakit ganito?
Parang kaylan lang eh hindi ko sya pinapansin tapos ngayon iniisip ko sya
ano bayan? Ba't di ka maalis sa isipan ko?
Hayy... Makapag soundtrip nga muna. Inilagay ko ang earphone ko sa dalawang tenga ko at nagpatugtog na..
[Now playing: You and I both by Jason Mraz]
Mga ilang kanta na rin ang natapos ko at half hour na ako nandito ay mali 1 and half hour na pala. At sa 1 and half hour na yun ay nandito lang ako sa bench hindi umaalis at nagsasoundtrip lang. Mamaya na lang ako babalik dun sa may ground kung nasan sila saglit na lang.
Jaspher's POV
Ang tagal naman bumalik ni Andrea baka napano na yun. Sabi nya kay kevin nung nagpaalam sya saglit lang tapos hanggang ngayon wala pa rin sya . Mag two 2 hours na syang wala. Hindi ako mapakali.
Ako nga pala si Jaspher Lim. 19 years old. Maputi, Chinito, Gwapo, Mabait at Matalino.
Napansin din ni kevin na wala pa rin si Andrea at tinanong nya kami.
"Hindi nyo ba nakita si Andrea.?" Tanong nya samin.
"Sabi nya diba nung nagpaalam sya saglit lang sya.?" Tanong naman ni Luis. Kaibigan din namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/40929477-288-k569230.jpg)
BINABASA MO ANG
Mag Hi ka naman!
Non-FictionSabi nila ... kapag importante daw sayo ang isang tao, Mahalin mo at wag mong iwanan at lalong wag mong iwasan.Dahil sa bawat minutong pag-iwas mo, Maraming pwedeng magbago na pwede mong pagsisihan. Sa kwentong...