Chapter 19

145K 2.1K 155
                                    

Clyde's POV

Umuwi na rin ako sa apartment namin ni Se. I've been an ass, I know. Kaya nga, babawi ako. 

*Calling Mike..*

 [Oh pre, napatawag ka? Miss mo ko?] Sarap pektusan ng ganyan.

“Wag kang bakla. Pumunta ka dito sa apartment ko. Dalian mo.” Wala naman si Selena dito. Isa pa, di niya naman malalaman na magkasama kami sa iisang apartment dahil hindi ko naman sasabihin. Syempre nirerespeto ko yung “privacy” ni Selena.

[Asus pre. Deny pa. Ikaw ah.. Gagawin natin dyan sa apartment mo?]

“Tigilan mo ko. Pumunta ka na lang.”

[Ang atat naman ni babe. Hihi. I’m on my way. Laters, baby. Hihi.] Na-imagine niyo ba kung gaano kadiri kausap ang isang Mike Manyak? Pakiramdam ko tumayo lahat ng pwedeng tumayo sakin. UTAK pakiusap. Hulsam ang nag P-POV kaya wag kayo.

Nanuod lang muna ko ng TV. Wala namang magandang palabas. Nasan na kaya si Selena? Tss. Napaka-brutal pa naman nun baka kung ano na nagyare kay Trixie. Hindi sa nag-aalala ako kay Trix. Iniisip ko lang naman kung anong pwedeng gawin sa kanya ni Selena. Afterall, may pinagsamahan rin kami kahit papano ni Trixie. Hindi naman ako masama, gwapo lang. Actually, gwapong-gwapo ata?

“Babeeee, i'm here. Babeeee.” Rinig kong sabi ni Mike. Kadiri talaga.

“Umayos ka nga. Tumatayo ang ba—“

 

 

“What?! Oy tol! Walang ganyanan. Joke joke lang naman. Hindi ako bakla at hindi kita pinagnanasaan para tumayo yang an—“

 

 

“G*go! Tinulad mo nanaman ako sayo. Yung balahibo ko kako ang tumatayo.“

 

“Mabuti na yung defensive. Haha. Oh anong kalokohan ‘to? May papatayin ba tayo? Pre, di ako killer pero dahil mahal kita, handa akong pumatay para sayo. Game!” 

“Ikaw magpakamatay. Buhay mo talaga patapon na. Tss. Lumayas ka na nga! Di na pala kita kailangan.“

 

 

“Eto naman di na mabiro oh. I’m always here for you, babe. Hihi.”

My Pervert Roommate (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon