KABANATA 6

925 33 2
                                    

I S K A N D A L O

Kabanata 6





"ILAPIT MO ang iyong tenga." Kaagad kong sinunod ang sabi na iyon ni kuya at itinapat ang tenga ko sa banga.

"Parang naririnig ko po ang mga patak ng ulan." Puno ng pagkamangha kong sabi habang pinapakinggan ang bawat nakakamanghang tunog na nagmumula sa loob ng banga.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni kuya habang pinagmamasdan ako. Katulad ng ginagawa ko ay tinapat rin ni kuya ang kan'yang tenga sa banga upang mapakinggan ang nasa loob.

"Kumukulo na ang alak." Ang sinabi niyang 'yon ay lubos na nagpakunot sa aking noo dahil sa pagkalito.

"Paano nangyari 'yon? E, 'di naman natin idinarang sa apoy. Bakit po kumukulo ng mag-isa?" Puno ng pagkalito kong tanong.

Muli ay narinig ko ang mahinang pagtawa ni kuya kasunod no'n ay inalis nito ang pagtapat sa kan'yang tenga sa banga habang naaaliw na nakamasid sa'kin.

"Sa mundong ito, may mga bagay na likas na nagaganap kahit 'di mo sinasadya. Halimbawa, ikaw. Lumalaki ka sa mga araw na lumilipas bilang isang magandang dilag." Sabi nito na sinundan ng nakakabinging pagtawa.

Umasim ang mukha ko dahil sa ginawa nitong pang-iinis sa'kin. Masyadong matalinghaga at malalim ang bawat salitang sinasabi ni kuya pero hindi ako bobo para hindi maintindihan ng maayos ang kung ano ang ibig sabihin ng salitang kan'yang sinabi.

"Nakakainis ka talaga kahit minsan kuya! Maganda na sana 'yon e, pero sinundan mo pa ng nakakainis mong tawa! Loko ka talaga!"

Ang malakas na busina na iyon ang nagpa mulat sa akin mula sa malalim na pagkakatulog.

Napabuntong hininga ako at umayos ng pagkaka-upo upang makahinga ng maayos. Sumikip ng ilang saglit ang dibdib ko dahil sa ala-alang 'yon. Hanggang ngayon ay pabalik balik parin ang ala-alang 'yon sa isip ko. Na tila ba ay pinapaalala nito ang nagawa ko noon.

"Sa susunod sundin mo na ang pedestrian lane para hindi ka mapahamak, Manang." Medyo may ireta sa boses na 'yon ng driver ng Bus sa isang ginang na pumasok sa Bus. Kaagad namang humingi ng paumanhin ang ginang at umupo na sa may bakanteng upuan.

Napatitig ako rito dahil mukha itong balisa at hindi mapaayos sa pagkaka-upo. Pabalik balik ang tingin nito sa bulsa ng kan'yang polo tapos sa unahan. Nakuha ko ka agad ang problema nito kaya naman sinenyasan ko ang kondoktor ng Bus.

"Heto na po ang bayad ko, sir." Binigay ko sa kondoktor ang isang daan. Nakita kong nagtaka ito. Ngumiti ako rito bago nag salitang muli.

"Sa Setio Pueblo bababa ang ginang na po na 'yan..." Tiningnan ko kung nasaan naka-upo ang ginang na tinignan naman ng kondoktor. Nagtataka itong bumaling ulit sa akin. "Dalawa po iyan, isa para sa akin at isa naman po para sa kan'ya. Trenta ang pamasahe ko at sitenta naman po ang sa kan'ya. Sapat naman po ang isang daan para sa aming dalawa, hindi po ba?" Nakangiti kong sabi sa kondoktor na ilang saglit natahimik at napatulala.

Ilang saglit pa ay tumawa ito dahilan upang mapatingin ang iilang pasahero sa amin.

"Ang bait mo talagang bata ka, hindi na ako nagtataka kung bakit marami sa mga taga-Acosta ang tinuturing kang Mutya, isa ka ngang Mutyang pinagpala." Bumungusngis ako sa wikang iyon ng kondoktor.

JUST CALL ME MAYOR (POBLACION SERIES-1)Where stories live. Discover now