KABANATA 17

191 1 1
                                    

N A B A S A G
Kabanata 17

NGUNIT, kahit na anong gawin kong pagtagpi-tagpiin ang mga bagay na napapansin ko kay Xanth Emric nitong mga lumipas na panahong palagi ko siyang nakakasama, bakit wari ko'y wala akong naramdaman na anumang takot?

O baka naman hindi ko lang talaga maamin ito ng harap-harapan sapagkat may nararamdaman ako sa Acostang iyon?

"Xanth, ginugulo mo na naman ang utak ko," mahina kong bulong sa kawalan.

Hawak ko na ang tray ng meryenda na kinuha ko sa kusina at papalabas na sana nang mapahinto ako. Ang bulto ng aking lola ang sumalubong sa akin sa malawak at malaking pintuan nitong kusina.

May hawak na nigo si Lola habang may kumpol-kumpol na mga iba't ibang klase ng bulaklak ang nakalagay roon. Mayroon pa siyang hawak na itak na may bakas ng lupa.

"Galing po ba kayo sa Green house, Lola?" Nakangiti akong tinanong si Lola.

Ngunit halos mapaatras ako pabalik nang makita kong walang mababakas na emosyon sa mukha ng aking lola. Halatang mayroon na naman itong hindi nagustuhan.

"Kanina pa ako narito sa loob, Mutya. Hindi mo lamang ako napansin sapagkat wala sa realidad ang iyong isip at diwa," mababa nitong sabi.

Natahimik ako lalo at gusto ko na lang magsalupaypay sa harap niya dahil sa kaba. Hindi ko masyadong mabasa kung ano ang nasa isip ng aking lola, ngunit batid kong may hindi siya nagustuhan sa araw na ito. Batid ko ang maanghang na laman ng bawat salitang kanyang binitawan.

"G-gusto niyo ba ng m-meryenda, Lola? Ipagkukuha ko po kayo." Kung maaari lang na lumuhod sa harap niya ay ginawa ko na. Ito ang kinakatakotan ko kay Lola.

"Ano bang nangyayari sa iyo, Mutya, at bakit nitong mga nagdaang araw ay palagi kang wala sa sarili? Hindi ka naman ganyan noon? Sabihin mo nga sa akin, pinupuntahan ka na naman ba ng pamilya Zaldaraga?" Matabang na sabi ni Lola. Sa pagkakataong ito ay tumaas na ang kanyang boses.

Nahihiya akong napatingin sa buong paligid. Tinitignan kong may tao ba. Nakakahiya pa naman kung si Lola ang nagagalit. Walang pinipiling lugar ang bunganga.

"Lola, hindi po! Huli ko po silang nakita noong nasa office sila ni Tatay. Last iyon at hindi ko na sila po nakita. Tsaka huminahon po kayo, baka may makarinig. Nakakahiya po," napakamot ako sa ulo nang lumapit ako sa kanya. My tray, which I carry, is not a hindrance to moving properly.

Truly, when you are being scolded, you automatically feel neither heaviness nor lightness.

"Siguraduhin mo lang 'yan, Mutya. Ayukong sa iba ko pa marinig na inaaway ka na naman ng pamilyang iyon. Lalo na 'yung anak na babae! Naku! Sarap isapin sa suman!"

Gusto kong matawa sa huling sinabi ni lola ngunit nakita kong papasok si Aling Luring, isa sa mga matatandang kasambahay, kaya pinigilan kong matawa.

"Ano na naman ba ang ginawa mo, Mutya, at tila sinindihan na naman ng lighter ang lola mo?" Nakangiting ani ng matanda.

Maingat kong inilapag pabalik sa lamesa ang tray at nagmano sa matanda, tsaka ko ulit kinuha ang tray ng meryenda.

"Wala naman po! Ewan ko nga po sa kanya. Bigla-bigla nalang umuusok." Nakanguso kong sumbong. Narinig kong bumuntong-hininga si lola habang nakamasid sa akin. "Aling Luring, pwede po bang pakisabi sa lola ko na mahal na mahal ko po siya?" I said sweetly.

JUST CALL ME MAYOR (POBLACION SERIES-1)Where stories live. Discover now