KABANATA 9

473 10 0
                                    

THE HEART OF ACOSTA

Kabanata 9





SUMIMANGOT AKO nang muli na naman akong sikuhin ni lola sa tagiliran. Umayos ako ng pagkakaupo at tinigilan na ang pagkagat sa kuko ko. Sino ba naman kasi ang hindi mawawala sa pukos kung isang greek god sa Greek Mythology ang makakasama mo sa isang mesa at ang malala pa kung katabi mo lang ito mismo.

Kanina ko lang rin ramdam ang mga matang nakatutok sa mesa naming ito. Mga matang nakakatusok. Kung kutsilyo lang ang kanilang mga titig ay kanina na ako nakahandusay rito at wala ng buhay. Pero dahil hanggang titig lamang sila ay buong party na ito rin sila maglalaway.

"Tatay," Malambing pa sa pusa kong sambit nang magtama ang aming tingin ni Mayor Austin. Kita ko kung paano ito tumikhim at pasimpleng umirap sa akin kaya hindi ko rin napigilan ang irapan siya pabalik ngunit kaagad ko ring pinakita ang hanggang langit kong ngiti na nagpapatunaw kina lola.

Magpapakabait muna ako sa kanya ngayong gabi dahil nakakahiya kung mag babangayan lang kami. Mawawalan ako ng puntos sa anak niya.

Narinig ko ang mahinang pag vibrated ng aking cellphone tanda na may nag text. Kaagad ko itong dinampot sa lamesa at binuksan. Ganoon na lamang ang pag irap ko nang makilala kung sino ang nagpadala ng mensahe.

From: Mayawrr😈

Mutya, distansya naman sa anak ko. Akala ko ba kakakita niyo lang? Bakit ganyan na kalapit? Kung makatitig parang ibong Adarna 'yang anak ko ah.

Ramdam ko ang mariing titig ni Mayor Austin sa akin ngunit hindi ko ito binigyan ng pansin. Samantala, nag send ako sa kanya ng mensahe pabalik.

'Ang gwapo ng anak mo, Tay. Ireto mo ako!'

Sa utak ko ay sinigaw ko na 'yon sa harap niya pero dahil nasa ganitong setup kami ay hindi pwedeng basta basta nalang ako sisigaw.

Narinig ko ang simpleng tikhim ni Mayor ngunit hindi ko ito pinansin at mas binigyang tuon ang nagaganap sa harap.

Ilang sandali pa ay tumunog muli ang aking cellphone palatandaan na may nag message ulit. Sa aking pag bukas ay halos bumulalas ako ng tawa.

From: Mayawrr😈

Hindi ka ba pinagdidirian sa pinagsasabi mo? Seriously, Mutya? Anak ko? Irereto ko sa'yo? Asa ka!

Tila ata rinig na rinig ko ang mga tunog kidlat sa taas ng aking ulo at sa gilid ng aking dalawang tenga matapos kong mabasa ang mensahe niyang 'yon. Matalim pa sa tama ng kidlat akong nagtaas ng mukha at kay Mayor Austin kaagad dumapo ang aking mga mata.

Sumalubong rin sa akin ang masama nitong tingin ngunit bakas sa ngisi nito ang pang-aasar sa akin. Naglalaro ang isa niyang kamay sa napkin ng lamesa habang ang isa ay hawak ang kanyang cellphone.

Umayos ako ng pustura at malakas ng tumikhim dahilan upang mapabaling ang mga tingin ng mga kasamahan ko rito sa lamesa sa akin. Bakas sa mga mukha nila ang pagtataka ngunit ngumiti lang ako at umiling tanda na ayos lamang ako.

Nag madali akong nag tipa sa aking cellphone at habang nag ti-tipa ay hindi ko mapigilang mapabulong.

'At bakit naman ayaw mo akong tulungan? You think makakahanap ka pa ng isang katulad ko sa ibang babae, Tay? P'wes hindi! Wala kang makikitang katulad ko. Maganda na, matalino pa! Perfect package na ako, Tay. Hindi ako maakaramdam ng pandidiri dahil hindi naman kailangan 'yon. Oh, wait... Bakit pa ba akong humihingi ng tulong ko sa'yo, eh kaya ko namang paamuhin ang anak mo. Tsk, you're wasting my precious time, Mayor.'

JUST CALL ME MAYOR (POBLACION SERIES-1)Where stories live. Discover now