2 | VBMAIHNTAL

2.9K 111 53
                                    

Karylle's POV

Sabi nga nila kapag mahal mo ang isang tao makakagawa ka ng mga bagay na hindi mo akalaing magagawa mo pala. Nagagawa mong gawin at tiisin ang lahat mapasaya lang ang taong mahal mo, kahit na nasasaktan ka na. Siguro nga kahit gaano ka pa katalino basta nagmahal ka..nagiging tanga ka.

"Hoy karylle!" Siguro di na naman magiging maganda ang kalalabasan ng araw ko ngayon.

"Bakit na naman?" nagsusulat kasi ako ng lecture ngayon. Wala kasi ang teacher namin kaya nagpaiwan ng kehaba-habang lecture na akala mo walang katapusan.

Nagulat nalang ako ng lumipad yung ballpen ko papunta sa basurahan. Nagambala naman ang katahimikan sa classroom sa ingay ng ballpen kong bumagsak doon. Nagtinginan lang naman sila sakin at sa lalaking nakatayo sa harapan ko.

"3 points for viceral! Pasok na pasok!!" Sabay suntok sa ere. Bumalik naman ang mga kaklase ko sa ginagawa nila. Kumuha nalang ako ng ibang ballpen at tinuloy ang aking ginagawa at di nalang pinansin ang gumambala sakin kanina.

Maya-maya pa'y "Hoy karylle." pabulong niyang tawag sakin. Bakit kasi sa dinami dami ng pwedeng itabi sakin eh ito pang mokong na 'to?

"Ano na naman? dedede ka?!" galit na bulong ko din sakanya. Malapit na ako matapos sa lecture eh. Jusko! ang haba haba buti may katapusan.

Kinuha niya yung notebook ko. Pinunit niya lahat ng pages na may kinalaman tungkol sa lectures. Nanlaki naman ang mata ko at ginawa niya itong bola.

"3 points for Viceral ...pasok!!" feeling ko nung ginawa niya yun gusto ko nalang magbreak down. Pinaghirapan ko yun. Tatlong pages yun tapos front and back pa. Umupo siya sa upuan niya tapos nagsulat na.

Kinuha ko naman ang notebook ko at hinagis sakanya "Nasira mo na ang araw ko sana masaya ka na." yan ang mga salitang binitawan ko bago ako lumabas ng classroom. Naramdaman kong may sumusunod sakin. Pumasok ako sa girl's cr. Bigla namang may kumatok nung sinarado ko 'to.

"Girl? ako 'to buksan mo na." Maamong sambit ni Anne habang kumakatok sa pinto. Lalo akong nanghina. Binuksan ko ito at pumasok naman siya at niyakap agad ako. "Sige iiyak mo lang." Di ko na napigilan ang luha ko. Mababaw man ang rason pero sawang-sawa na ako. Hinagod lang ni Anne ang likod ko.

Maya-maya pa'y huminto na ako. Okay na ako. Nailabas ko na lahat ng sakit sa araw na ito. Siya si Anne Curtis, bestfriend ko simula grade 1. Sanay na siya sa mga ganitong pangyayari, kapag lumabas ako ng room kahit may teacher..susundan niya na ako tapos papatahanin niya na ako. Tapos ito na...sesermonan niya na naman ako.

"Di ko maintindihan sayo kung bakit ka pumapayag na apihin niyang tikbalang na yan! Nako ha! Simula nung elementary pa yan. Kapag talaga ako napuno na dyan kukutusan ko na yun sa hairline niyang pagkataas-taas!" Inis na sambit ni Anne.

"Huy! Chill ka lang nam-"

"Ano chill na naman ako? Kalma? Hindi porket gusto mo yang si Viceral hahayaan mo nalang siyang ganyanin ka. Lagi ka nalang ba magpapaapi tapos iiyak? Wala na bang katapusan yan?"

"Dahan-dahan lang naman gir-"

"Dahan-dahan lang naman girl di na ako magpapaapi sa susunod nyenyenye puro ka ganyan! tapos paglabas natin dito maya-maya nandito na naman tayo iiyak ka na naman tapos sesermunan na naman kita."

"Jusko Anne Curtis!! Kalma lang okay?! Paniguradong nandyan na yung next teacher natin kaloka ka!!!" Lumabas naman agad ako ng CR at dumiretso sa room. Palusot ko lang yun. Mahaba-habang talakan pa yun pag nagkataon.

Oo nga pala, ako nga pala si Ana Karylle Tatlonghari at tumatakbo bilang presidente ng partidong edi wow! joke! 4th year highschool at patagong umiibig sa lalaking laging nagpapaiyak sakin, laging sumisira ng araw ko..sa isang lalaking bully na nagngangalang, Vice.

Mixed Emotions | ViceRylle OneshotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon