Sabi nga nila kapag alam mong masaya ka sa ginagawa mo walang kahit ano o kahit sino ang makakapigil sayo.
Umagang-umaga nakaupo si Karylle sa kanyang kama habang nakatutok sa kanyang laptop. May hawak siyang kape sa kaliwa niyang kamay at mouse naman sa kanan. Seryosong seryoso naman siya sa kanyang tinitignan, animo'y may ginagawa siyang thesis pero ang totoo ay iniistalk lang naman niya ang artistang hinahangaan niya.
May kumatok naman sa kanyang pinto kaya agad niyang sinarado ang kanyang laptop at tumayo para maitago ang kanyang laptop sa kanyang cabinet. Ayaw kasi ng kanyang ina na magkaroon siya ng isang idolo dahil naniniwala itong pag aaksaya lang ng oras o panahon ang mga ito.
Alalang-alala niya pa ang panahong tinanong niya ang kanyang ina sa pagbabakasakali na papayagan siya na makapunta sa concert ng kanyang idolo. Pero isa itong maling desisyon. Ang mga namutawi lang sa bibig ng kanyang ina ay "Huwag mo na ulit subukan Ana Karylle, itigil mo na yan." Pero kahit ganoon ay di niya padin isinusuko ang fangirl life niya.
Noon nga ay nahuli siya ng kanyang nanay na nagtitwitter pa ng alas dos ng madaling araw. Nagalit sakanya ang kanyang nanay at pinagbawalan itong gumamit ng kahit anong gadgets sa loob ng dalawang linggo. Pero kahit ganoon ay di siya nagpatinag.
Pinagbuksan niya naman ang kanyang ina.
"Tara almusal na tayo, anak." Di naman strikto ang kanyang ina pero pagdating sa bagay na iyon ay nako, wag mo ng subukan.
Tumango na lamang si Karylle. Bumaba naman ang kanyang ina. Sa totoo lang, antok na antok pa siya pero ito na ang nakasanayan ng body clock niya. Matutulog ng alas tres at gigising ng alas syete. Ganito lang ang takbo ng kanyang bakasyon. Mas gusto niya pa magstay sa bahay kaysa gumala.
Ang rason ng pagkagising niya ng maaga at ang rason ng pagpuyat niya ay iisa at ito ay dahil kay unkabogable Vice Ganda. Kahit na walang pasok ay nag-aalarm si Karylle para gumising ng maaga at maghakot ng impormasyon. 14 days nalang kasi at concert na ni Vice. As usual, #teambahay na naman siya.
Sanay na siya sa mga ganitong pangyayari pero di niya padin maiwasan ang malungkot. Araw-araw siyang umaasa na makikita niya si Vice. Sa 5 years niya kasing pagidolo dito ay di niya pa nakikita ni kuko nito sa personal. Isa siya sa mga fangirl na nakikita lang ang kanilang idolo sa pamamagitan ng pictures at t.v. Nakikibalita lang siya sa pamamagitan ng mga social networking sites pero kahit ganoon ay di siya nawawalan ng pag-asa at alam niyang makikita niya si Vice sa tamang panahon kahit malabo itong mangyari.
anakarylleviceral: siguro nga di pa ito ang tamang panahon.
tweet sent.
Sabihin na nating famous siya sa mga social networking sites. Sabihin na nating siya ang inaasahan ng mga ibang co-fans niya pagdating sa updates sa idolo nila pero kahit ganun pa siya kafamous kaya niya itong ipagpalit makita lang ang isang Vice Ganda.
Bumaba naman agad siya pagtapos niyang itweet yun para makapag-almusal.
-
12:30 na ng tanghali. Tumayo siya sa kanyang kama at binuksan ang kanyang t.v. I'ts Showtime na kasi ay mali It's Showtime pala. Pagtapos nun ay pinatay na niya ang kanyang laptop at nagswitch naman papunta sa cellphone. Doon niya naman binuksan ang kanyang twitter. Sakto namang tinawag na ang pinakahuling host, si Vice Ganda. Sari-sari ang mga tweets na nakikita niya sa kanyang TL. Yung iba ay nagagwapuhan dito at ang iba naman ay nagagandahan.
anakarylleviceral: ang gwapong ganda mo today!:) i love you @vicegandako ;)
tweet sent.
At nasabi ko na ba sainyong di pa siya napapansin nito kahit sa social networking sites man lang? Ginawa niya na ang lahat. Nanghingi na siya ng solo dm na pinaghirapan niya pero wala parin. Nag-edit na siya na umabot ng 300 RTs and faves pero wala parin. Halos iflood niya na nga ito sa pagtetweet pero natatakot din siya at the same time baka kasi mablock siya. Pero lahat ng yan di niya pinansin at di parin nawawalan ng pag-asa. Sabi niya nga dati, "dahil lang di niya ako pinansin susuko agad? fake fans lang nagawa niyan."
BINABASA MO ANG
Mixed Emotions | ViceRylle Oneshots
Fanficmy own compilation of vicerylle oneshots. date started: May 28, 2015.