Good evening.
Alam mo ba kung ano pang mas maganda sa gabi? Syempre, ikaw iyon. Uy, kikiligin 'yan. Hahaha!
Dati kapag inaasar kita n'yan, sasabihan mo ako ng Asa. Haha, umasa nga ako sa'yo. Umasa ako na tayo na sa huli. Na ikaw na ang babaeng mamahalin ko fourfever(term ni pareng Ean sa forever, ano daw??!). Pinaglalaban ko pa sa mga tropa ko na may forever pero tama nga yata sila, walang ganun.
O baka hindi lang talaga tayo para sa isa't-isa. Baka may dadating pa sa'kin na mas makulit kesa sa iyo, mas masayahin, mas sweet, mas cool, mas topakin, mas moody, mas weird, brutal at morbid. Parang may dini-describe na talaga ako 'no? Pero secret na muna 'yan. Hahahaha
Noong unang kitang tinext, doon ako nakakuha ng kakaunting ideya tungkol sa'yo. Tangina, kabadong-kabado pa ako non. Ang tagal kong tinitigan ang phone ko, pinagiisipan ko kasi kung isesend ko ba ang tinype kong message sa'yo o hindi. Nahihiya kasi ako. Hindi halata sa akin pero mahiyain ako. De joke, makapal talaga ang mukha ko. Pero pagdating sa'yo, natotorpe ako.
Ako:
Hi Selena, si Rake 'to. Kasama mo sa seminar. Salamat pala kanina sa chocolate. J
Pikit-mata kong pinindot ang send. Ng makita kong nag-send iyon, padarag kong nilapag ang phone ko sa kama. Nakahiga na kasi ako, hindi pa naman ako matutulog non pero gusto ko lang humiga. Wala naman din akong ibang gagawin. Nang narinig kong nag-buzz ang phone ko, natataranta ko 'yung kinuha. Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang pangalan mo sa screen. Fuck! You texted back!!
Selena:
Hello Rake. Saan mo nakuha ang number ko? Naku, nakakahiya nga kanina eh. Isa lang nabigay ko sa'yo.
Dyan na nagsimula ang walang kamatayang nating pagtetext. Inabot tayo ng alas-tres ng madaling araw. May seminar pa tayo kinabukasan noon, ah. Ang tibay din nating dalawa. Haha
Nang gabing 'yan natin nadiskubre na parehas ang birthday natin. Grabe, ang lakas ng tawa ko n'yan. Halos magising lahat ng tao sa bahay namin dahil sa paghalakhak ko. At sabi mo ganon din ang nangyari sa'yo. Tawa ka rin ng tawa. Gaya-gaya ka eh, 'no. Sa lahat na lang bagay ginagaya mo 'ko. Pero bakit ang hindi ko pag-suko sa atin hindi mo ginaya? Unfair.
Dumating ang last day ng seminar. Hindi ako natutuwa, hindi rin ako nalulungkot. Napapagod ako. Nilakad kasi natin mula sa convention room hanggang sa lugar na pagdadausan ng last day program. Malapit lang naman iyon pero tanghaling tapat kasi at mainit. Mabuti nga at hindi nag-inarte sina Nico at Shon. Alam mo namang mga PADING 'yun.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa room, hinanap agad kita. Nakita kong nakaupo ka na naman sa may duluhan. Malamig sa loob ng room at nakita kitang parang nilalamig. Tss. E paano, nakasuot ka lang ng sleeveless. Conservative naman ang tabas non pero hindi pa rin maipanglalaban sa lamig.
At hindi ko alam kung anong pumasok sa akin, naglakad ako papalapit sa'yo habang tinatanggal ko ang butones ng long sleeve polo ko. Habang ginagawa ko iyon, panay ang tingin sa akin ng mga nakakasalubong ko, lalo na ng mga kababaihan. Napangisi pa nga ako ng marinig kong nagsabi ang isa ng, "Oh my gosh, ang hot ni Rake!"
Nang makalapit ako sa'yo, kinalabit kita para mapansin mo 'ko. Focus ka kasi non sa stage. Lumingon ka at halatang nagulat na nandon ako. Ngumiti ako at inabot ang polo. "Napansin kong nilalamig ka kaya suotin mo muna. 'Wag kang mag-alala, walang amoy 'yan. Nag-rexona ako kanina." Sinundan ko pa iyon ng tawa.