Hi babae. Kamusta ka na? Kilala mo pa ba ako? Siguro hindi na. Iniwan mo 'ko eh, kaya siguradong kinalimutan mo na rin ako. Haha, ano ba 'tong pinagsasabi ko? Pasensya na ah. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin ako maka-move on sa mga nangyari. Madami pa rin akong katanungan pero alam ko namang hindi ka mag-aabalang sagutin iyon. Kaya hayaan mo na lang akong magkwento ng magkwento.
Alam mo bang walang karoma-romantic sa unang pagkikita natin? As in wala talaga. Pumasok ka lang sa convention room, naka-simpleng tshirt at pants ka tsaka sneakers. Simple. 'Yan ang description ko sa'yo. Pero nang sumulyap ako sa mukha mo, natulala ako. Parang nadinig ko 'yung lyrics sa isang kanta.
'Hi. Girl you just caught my eye.'
Sinundan kita ng tingin hanggang sa makaupo ka sa bandang likuran. Katabi mo 'yung mga late comers. Naguumpisa ng magsalita ang speaker ng dumating ka kaya napansin ka niya. Tinawag ka sa harap at pinagpakilala. Light at super cool ang ambiance ng seminar kaya naman pangiti-ngiti ka pang umakyat sa stage.
Nagsimula kang magsalita. Buong atensyon ko nasa iyo na. Kung pwede ko nga lang kabisaduhin lahat ng sinabi mo, ginawa ko na. Pero masyado akong naging abala sa pagtitig sa'yo kaya pati pangalan mo nakaligtaan ko ng alalahanin. Nakababa ka na sa stage ng mapagtanto kong wala akong narinig sa lahat ng sinabi mo.
"Pucha," bulong ko. Tumingin ako sa katabi ko. Isang lalake na mukha namang cool. Tinanong ko pa sa kaniya ang pangalan mo. Ngumisi siya pero sumagot din naman. "Selena, pare."
Selena. And as the first time I've ever mentioned your name; I knew right there and then I was screwed.
Walong araw ang seminar 'di ba? Para sa mga kabataang nalayo ang landas ang seminar na iyon. Project ng gobyerno. Buti naman naawa pa sa'tin ang gobyerno. Haha.
Lumipas ang unang araw ng seminar na hindi kita nakausap. Ang suplada mo kasing tingnan na para bang 'pag kinausap kita iisnabin mo lang ang kagwapuhan ko. Pero marami pa namang araw 'nun, eh. Marami pang pagkakataon na magkausap tayo.
Mabuti pa ng mga panahong iyon 'no? Kahit medyo mahirap kang lapitan, atleast nandyan ka lang, hindi tulad ngayon, wala akong ideya kung nasaang lupalop ka. Mabuti pa ang multo, nagpaparamdam. Samantalang ikaw ... Hahaha! Masakit pa rin talaga sa akin ang lahat.
Pero atleast alam kong buhay ka pa, kasi 'di ka nagpaparamdam eh. Tawa ka, joke 'yun. Hahahaha.