Chapter 139

10 1 0
                                    

Yerzy S. Pavilero





AUG 1 AT 6:17 AM


🌼 Hi sheena ako pala 'yong nagsend ng
mga messages galing sa account ni
Yuka. Pasensya na kung inakala
mong si Yuka 'yon. Paki-usap
niya kasi sa akin 'yon bago siya
ipasok sa operating room. Sabi niya
kasi na kapag hindi
raw naging successful 'yong
operation isend ko raw 'yong mga
messages na sinesend niya
sa account niya. Gusto niya raw na
siya 'yong huling mag-message sa
inyong dalawa at gusto niya ring
maramdaman mo na siya 'yon
para di ka raw malungkot. At 'yong
mga doctor nag-operate kay Yuka
ay nakasuhan na dahil s
malpractice. Pasensya ka na rin kay
mama kung di ka pa rin niya
pinapansin. Alam naman naming di
mo kasalanan kung bakit siya
namatay. Iniisip lang kasi niya na
kung sana di pumunta si Yuka sa
Butuan para kausapin ka ng
personal di sana siya mababangga
ng sasakyan at mabagok 'yong ulo
niya. Pero hindi mo naman
kasalanan 'yon matagal na siyang
may brain tumor pero
asymptomatic nang dahil sa
insidente lang din namin nalaman.
Nagising din naman siya pagkaraan
ng apat na araw at doon palang
napagdesisyonan na
ooperahan siya. Tandaan mo
Sheena na di mo kasalanan 'yon.
Ang mga doctor ang nagkamali
habang nago-opera at sila 'yong
may kasalanan kasi mabubuhay pa
sana si Yuka, makakasama pa natin
sana siya ng mas matagal. Pasensya
ka na rin kung di namin
sinabi sayo agad, ayaw kasi ni
mama at noong nagising si Yuka
wag din daw kasi ayaw niyang
mag-alala ka.

The Line That Shouldn't Be Crossed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon