Chapter 4 : Secret Hide Out

31 3 0
                                    

Tatlong araw matapos ang DCP 2014 ay balik normal ang buhay ni Junhyun. Bahay-Computer.

Walang Schedule ang GOT7 sa susunod na 1 linggo, maliban sa mga TV guesting at pre recording ng mga music shows, kung saan walang audience sa studio kaya't wala ring schedule si Junhyun a.k.a Wasabe 1995.

Nai edit na niya lahat ng larawan at video ni Youngjae mula sa Incheon Airport, loob ng eroplano, pag dating sa NAIA,pag check in Sa Empire Hotel, Fine Dining Restaurant sa Makati, DCP Press Con, Rehearsal, DCP 2014 hanggang sa pag check out nito sa hotel, pag dating sa NAIA, Pag sakay ng eroplano, Pag dating muli sa Incheon Airport at makaalis patungo sa kanilang Dorm.

Ganun lang ang kanyang gawain. Pupunta sa kung nasaan si Youngjae, kukuha ng litrato at video tapos i aupload sa Kanyang Fansite at sa iba pang SNS.

Taong bahay lamang siya pag walang pasok sa school at umaalis lamang pag pupunta sa events.

Kasalukuyan siyang nasa sariling silid. Naisipan niyang mag bukas ng Computer upang tingnan ang kanyang mga SNS account. Ang account ni Wasabe1995. Nakaka tuwang makitang madaming nag seshare ng mga larawang kuha niya gayun din ang mga videos. 90,000 na ang followers ng kanyang instagram account at hindi din nalalayo ang followers niya sa Twitter at Facebook.

Isang patunay na kahit mag tatatlong Buwan pa lamang nag Debut ang grupo na kina bibilangan ni Youngjae, ang GOT7, ay madami na agad nating tagahanga ang mga ito.

Ibang iba ang account ni Wasabe1995 sa kanyang Personal Facebook account na iilan ilan lamang ang friends. Kanyang ilang mga kamag anak, kakilala at kaibigan lamang ang friends niya dito.

Gamit ang kanyang personal account Nag tungo siya sa GOT7 Philippines Groups. Nag basa ng mga post, like at comment sa iba. May nabasa siyang mga [Intro] introductions ng mga members sa groups na iyon, natuwa siya dahil madaming nag wewelcome sa mga ito. Kaya naisipan niya ring mag post ng sarili niyang [INTRO].

FB Post:

[INTRO]

Hello IGOT7!! 1st ko pong magiintroduce kahit medyo matagal nko dto. Nahihiya ksi ako

Nung sumali ako dto, first and only goal ko lang ay para Magspazz, kso

WALA po akong friend na IGOT7 din kaya nilakasan ko na ang loob ko to make friends with all of you.

I'm Junhyun, Youngjae Bias (kaway mga Youngjae bias dyan!)

Let's Be Friends EVERYONE

(57 Likes, 200+ Comments)

Comments:

Ish: Hi! Welcome! Jackson biased here. /grin emoticon/

Junhyun: Thanks Ish. /smile emoticon/

Jungsu: Hello Junhyun! I'm Youngjae Biased din /Smile Emoticon/

Junhyun: Hi Jungsu, parehas tayo. /smile emoticon/

Jiann: Hi Luke!!!

Junhyun: Hi din Jiann!

Sunhi: Hi Junhyun, si Jackson po Bias ko. Welcome!

Junhyun: Salamat Sunhi.

Masaya si Junhyun sa naging pag tanggap sa kanya ng kapwa nya IGOT7. Hindi niya akalain na ganun kadami ang mag cocomment sa kanyang intro.

Masaya ang kanilang naging usapan, masyadong madaming notifications ang dumadating kaya naisipan nilang bumuo nalamang ng Group Chat.

Nuong una ay pito lamang sila sa group chat, kaya naman mabilis silang naging close. Masaya at puno ng tawanan. Habang tumatagal ay dumadami sila. Ilang araw ang nakalipas ay 60+ sa sila sa groupchat kaya naman ang iba ay hindi na napapansin.

Virtual Best FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon