Sa parking lot ay nag aabang sa kanila ang dalawang sasakyan.
Nag pasya silang mag hati.
Lumapit si JB sa unang sasakyan.
"Jiann tabi tayo sa ikalawang hilera para sa likod nalamang uupo ang iba." sabi ni JB kay Jiann at inalalayan siya nitong maka sakay. Ipinatong nito ang kamay sa kanyang ulo upang hindi siya mauntog habang sumasakay.
Sa ikatlong hilera ng upuan naman umupo si Junhyun, Youngjae at Jungsu. Ang front seat naman ay inukopa ni Mark.
Sa ikalawang sasakyan naman ay magkatabi sa ikalawang hilera ng upuan si Jackson at Sunhi. Sa huling hilera ng upuan ay sina Yugyeom, Ish at Junior. Sa unahan naman umupo si BamBam.
"Ish noona sigurado ka bang ayos ka lang diyan sa likuran? Gusto mo ba mag palit tayo?" tanung ni Bambam kay Ish na naka upo sa pinaka huling upuan.
"Okay lang ako dito Bambam." nakangiting sagot ni Ish.
"Sigurado po kayo ha." paninigurado ni Bambam.
"Yes, Bambam. Thank you!" nakangiting sagot ni Ish.
At nag simula ng umandar ang kanilang sasakyan.
Wala masyadong tao sa amusement park ng dumating sila, buti nalamang at may pasok ng araw na iyon.
Nakasuot ng sumbrero ang GOT7 para hindi sila masyadong makilala ng mga nasa lugar.
"Saan mo unang gustong sumakay Sunhi?" tanong ni Jackson kay Sunhi.
"Gusto ko sumakay sa The Conquistator!" excited na sagot ni Sunhi.
"Woah! Pwede ba sa Carousel muna?"
"Edi mag Carousel ka. Unni Ish ! Sakay tayo sa Conquistator!" tawag ni Sunhi kay Ish na kasalukuyang kausap sina BamBam at Junior.
"Sige!" sagot nito. "Kayo? Gusto nyo sumama?" tanung nito sa dalawang kausap.
"O sige!" sabi ni Junior.
"Natatakot ako Noona!" sabi naman ni BamBam.
"Anung nakaka takot dun ?" Junior.
"Oo nga Bam. Masaya yun ! Let's Go!" yaya ni Ish.
"Ano Jack sasama ka o hindi?" tanung ni Sunhi kay Jackson na mukhang namumutla.
"O sige na nga!" sagot nito nag dadalawang isip parin.
Nag lakad na ang mga ito patungo sa The Conquistator. Habang nag aabang silang makasakay ay dumating din ang iba pa.
"Sabay sabay na tayo!" sabi ni Jungsu na kasama si Youngjae at Junhyun.
"Yeah!" excited naman na sigaw ni Yugyeom.
Sumakay na sila. Sina Ish, Junior, Bambam,Mark, Jackson at Sunhi ay naupo sa kabilang dulo. Si JB, Jiann, Yugyeom, Youngjae, Jungsu at Junhyun ay sa kabilang dulo naman. Magkaharapan silang lahat. Kahit na nasa mag kabilang dulo ay kitang kita parin nila ang isa't isa dahil wala naman masyadong naka sakay sa bandang gitna.
Nag simula ng umandar ang ride.
"Woohoo!" sigaw ni Mark. Kitang kita ang excitement sa Mukha nito.
"Waaaaahhh!" sigaw ni JB at tumingin sa katabi niyang si Jiann na naka ngiti.
"Wooow!" sigaw ni Jackson na mas makikita ang kaba sa mukha kaysa sa excitement.
Tumaas ng tumaas ang pag duyan ng The Conquistator na isang Viking Ride. Lumakas din naman ng lumakas ang pag sigaw ng mga naka sakay duon.