Chapter 3 : Happy Nights and a Morning Good-bye

43 1 2
                                    

Natapos nang mag ayos sina Jungsu at Sunhi. Si Jungsu ay nakasuot ng Black and white Sweat shirt, Knee lenght maong shorts ng tenernohan niya ng Black Vans Sneakers. Si Sunhi naman ay nakasuot ng simpleng H&M Pink Cropped top, Skinny Jeans at DC Highcut.


Nang masiguro nilang maayos na ang kanilang itsura ay nag tungo na sila sa room 2304.


Pinindot nila ang buzzer at nag antay.


"Okay lang ba talaga porma ko friend ?" tanung ni Jungsu sa kaibigan.


"Oo naman friend, eh ako keri lng ba?" balik tanung ni Sunhi.


"Kering keri friend. My Gosh, friend baka himatayin ako!!"


Bumukas ang pinto at ang naka ngiting si Junior ang sumilip.


"Andito na pala kayo, pasok kayo." at nilakihan nito ang pagkakabukas ng pinto.


"May dala pala kaming fried chicken." iniabot ni Sunhi ang box ng Fried chicken kay Junior.


" Salamat." kinuha nito mula kay Sunhi ang box at inilapag sa lamesa.


Walang pag kakaiba ang itsura ng kwarto ng mga ito sa kanilang kwarto, Kulay Brown ang Malambot na carpet na nakalatag sa gitna ng Sala. Dito nakapatong ang Center table na kulay itim na tinernohan ng puting Sofa na naka letter L. Sa tapat niyon ay ang 51 inches LED TV. Dalawang dipa mula sa sala ay matatagpuan ang pinto ng CR. Mayroon ding 2 kwarto ang Suiteroom na iyon.


"Upo kayo."ani JB.


Tumayo si Bambam at hinila si Sunhi patungo sa bakanteng pwesto sa tabi ni Junior. "Dito ka nalang umupo Sunhi." sabi nito at itinuro ang tabi ni Junior.


Tumingin muna si Sunhi sa kaibigan bago umupo.


"Jungsu Dito ka nalang sa gitna namin ni Bambam."nakangiting sabi ni Youngjae.


"Si-sige." at umupo narin si Jungsu, tinabihan siya ni Bambam sa kanyang kanan.


Muli silang nag pakilala sa isa't isa, ikinuwento ng magkaibigan kung paano sila nag kakilala, kung saan sila nag aaral at kursong kinukuha, family background. Gayun din ang mga ito, kung paano ang mga ito nag training at iba pa tungkol sa pagiging K-pop Idol.


Namangha ang mga ito ng malaman na si Sunhi pala ay anak ng may ari ng Jang Ent.


Tumunog ang buzzer. Si Bambam ang tumayo para tingnan kung sino ito.


"Andito na ang Pizza!" pag announce ni Bambam.


Nag palakpakan naman silang lahat. Tumayo si JB at Junior upang tulungan si Bambam. Kaya't naiwang magkatabi si Youngjae at Jungsu.


Napatingin sa Jungsu sa gawi ni Sunhi na nasa kabilang bahagi ng sofa. Kinindatan siya nito.

Virtual Best FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon