One.

11 0 0
                                    

Pano ko uumpisahan ang isang kwentong hindi ko naman alam kung kailan at paano nagumpisa?

"Baby?"

Napalingon ako sa likod para lang makita ko si Elijah na binabasa ang messages sa phone ko. Chinacharge ko kasi to sa likod sa bandang upuan niya habang nasa klase ako.

Dahan dahan akong tumayo para agawin sa kanya ang phone kong 47% pa lang ang battery charge.

"Epal neto!" kinuha ko sa kamay nya ang phone ko habang pangiti ngiti sya na may halong pang aasar.

"So bakit nga kayo nagbreak ni Dave?" inaasahan ko na ang tanong nyang yan. Kada na lang magkakausap kami yan ang gustong gusto nyang malaman saken.

"Bat ka baa? Secret! Tapos na yun. Wala na kame" umirap ako sa kanya at umupo sa bakanteng upuan sa tabi nya. Tuloy pa rin ang klase sa unahan at di naman pinuna ng prof namin ang paglipat ko ng upuan at mga bulungan namin.

"Bumababy ka na ngayon ha. Hahaha" pang aasar nya saken

"Si Johann to haha. Landi nga neto eh. Naglolokohan lang naman kami. Dami daming babae, loyal daw eh magaling lang naman magdelete ng messages."

Di kami ganon ka close ni Elijah pero nung first year kami ay nagkakausap naman kami. Nakwento nya saken yung ex nya, mapagkakatiwalaan syang tao. Masayang kasama. Crush sya ng mga kaibigan ko pero ewan ko ba di ako magkagusto gusto sa kanya. Nagiging close na kami sa araw araw na pagbabasa nya ng messages namin ni Johann. Lahat naikkwento ko na sa kanya, pati tong mga kalandian ko ay alam din nya. Tabi kami lagi sa subject na English, palaging ganitong sitwasyon. Babasahin nya messages ko, lilipat ako at magkkwentuhan kami.

Minsan nagiging sweet na kami na inaakala ng iba, merong kami pero wala talaga. Malabong magkagusto sakin si Elijah at malayong magkagusto rin ako sa kanya dahil di ko sya trip at isa pa may boyfriend na ako.

A Story Without A TitleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon