"May boyfriend ka na pero may baby ka pa? Hahaha ayaw mo bang magseryoso?" tanong nya saken habang nasa kalagitnaan kami ng lecture about literatures.
"Ayaw mo bang magtake down notes para di ka mangopya saken mamaya sa quiz?" sa totoo lang ay wala rin naman akong maintindihan sa mga sinusulat ko. Masyadong occupied ang utak ko ng tungkol sa boyfriend ko.
"Wala namang kami ni Johann. At isa pa sha lang naglalandi saken. Seryoso ako sa boyfriend ko no. Kita mo namang diko nirereplyan yang baby na yan na kung kani kanino dumedede. Ano ba? Crush mo ba ako Ej? Bat ba interesado ka sa buhay ko?" pangaasar ko sa kanya
"Ang kapal naman neto. Nagtatanong lang ako. Ge na, di na ako magtatanong. Sungit"
"HAHA joke lang eh. Pero siguro crush mo talaga ako HAHA okay lang naman Ej. Alam ko naman tsaka di kita masisisi HAHAHA"
"HAHAHA kapal mo."
Naging araw araw na namin ang asaran na "May crush ka saken no?"
Naging close kame lalo. Naging magbestfriend.
Lunch time, wala akong kasabay kumain kaya sa kanya ako sumama. Makakatipid pa ako pag sa lalaki ako sumama para kumain, kesa naman pag sa babae na napakagagastos.
"Elijah, panget ba ko? Naiiyak na ko. Ang gaganda ng mga ex nung boyfriend ko tas bat ganon? Bat parang biglang bagsak sya sa panget na tulad ko" maiyak iyak akong nagkkwento sa kanya.
"Tanga! Di ka panget. Para saken, sobrang ganda mo. Tanga ka lang"
"Sabi ko na nga ba crush moko eh"
"HAHAHAHA yan ka nanaman"
Kahit asar asarin ko sya araw araw na crush nya ako, alam kong imposibleng mangyari yun. Mashadong mataas ang standards ng tulad nyang perfect boyfriend. Di ko abot yon. Tsaka bat ba ako nadidisappoint? Eh may boyfriend ako? Landi ko hahaha sa araw araw na pagsama ko sa kanya at sa mga tropa nya, naririnig ko na may nagugustuhan syang taga ibang section. Masaya nman ako para sa kanya dahil boy bestfriend na rin naman ang turing ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
A Story Without A Title
Teen FictionHindi ko alam kung saan maguumpisa. Hindi ko alam pano tatapusin. Sana naging isang karakter na lang ako ng isang istorya sa libro na meron ng nakahandang happy ending. A short story about how love can be so cruel that even time can't find the right...