To: Clyde
Susunduin mo ba ako ngayon?Ganito ang araw araw na text ko sa boyfriend kada tapos ng klase ko. 3 months na kami. Mahal na mahal ko sya. Sa buong 3 buwan namin ay lagi na lang naming pinagaawayan ang mga kaibigan kong lalaki. Hindi daw nya ako masolo. Gusto nyo sa kanya lang ako. Mali ko rin naman talaga dahil sana ay bawasan ko ang closeness ko sa mga kaibigan kong lalaki dahil may boyfriend na ako. Nakaraos rin naman kami ng 3 buwan na puro away.
Dahil kay Clyde kaya kami nagbreak ni Dave. Ang dami ko pang binigay na rason kay Dave kung bat ako nakikipaghiwalay, kesyo di pa ako ready makipagrelasyon, ganito ganyan, pero ang totoo nagkagusto na kase talaga ako kay Clyde.
Nakilala ko si Clyde sa isang open party. Nakatayo lang sya don at nagmamasid ng paligid. Hindi sya napapalibutan ng mga babae kahit na meron naman syang hitsura. Napakasungit kase ng aura nya.
Nakatayo ako sa may bandang pinto palabas sa pool, opposite sa kinatatayuan nya. Nagulat ako ng lumapit sya saken.
"Peram lighter Anne"
"Huh?" nagtaas ako ng kilay sa isang lalaki na kaninang nakatayo lang sa opposite side ko at ngayon ay nakatayo na sa harap ko habang bumubulong na pahiram daw ng lighter.
Inabot ko ang pulang lighter na nasa bulsa ko. I don't smoke. Nakita ko lang sa table tong lighter and binulsa ko dahil ang cute
"Oh shit. Hindi ka pala si Anne hahahaha sorry, nakaistorbo pa ako. Thanks anyway" he smiled like he wasn't frowning a moment ago. He's cute
Inabot ko ang lighter ko at inabot ang kabilang kamay, "Psalm, I'm Psalm not Anne" we both chuckled
Kaming dalawa ang nagsama sa buong oras sa party na yon. Akala ko sya yung tipong sobrang tahimik at masungit pero i'm wrong, sobrang funny nya. Tipsy kami pareho and I don't know how and why but I woke up in his kisses.
BINABASA MO ANG
A Story Without A Title
Teen FictionHindi ko alam kung saan maguumpisa. Hindi ko alam pano tatapusin. Sana naging isang karakter na lang ako ng isang istorya sa libro na meron ng nakahandang happy ending. A short story about how love can be so cruel that even time can't find the right...