Chapter 1

5 0 0
                                    

Gumising na ako dahil sa tunog ng alarm clock ko. Malamig nga ngayong umaga dahil malapit na mag September. Madali akong bumangon para ligpitin ang hinigaan ko saka bumaba na.

"Good Morning Ma‚" Bati ko kay Mama na kakatapos lang magluto.

"Good Morning‚ aga mo naman‚ 7 pa ang klase mo diba?" Sagot niya.

"Excited lang po‚" Pagbabalik ko.

"Mag-almusal na tayo‚ saka nagluto na rin ako nang ulam‚ sa school ka ba kakain?"

"Uuwi po siguro ako‚ malapit lang naman e‚" Sagot ko.

"May pera ka pa ba?"

"Meron pa po‚ huwag ka na mag-alala sa akin." Tumango siya at nagpatuloy sa kinakain.

ang hirap pala mag panggap...

what's up mga bessy ko! Mommy Oni yarn?

akala niyo ba soft girl to? hahaha duh!

Sinubukan ko lang maging matino pero isa akong napaka makulit at maingay na babae.

Hindi ako mahinhin‚ not a dalagang Filipina type kasi hindi ko rin alam. Tanong niyo sa Nanay at Tatay ko‚ sila gumawa e.

Pero kahit na makulit at mabunganga ako ay alam ko naman maging disiplinado dahil nasanay ako.

At pagkatapos kumain ay inayos ko na ang mga gamit ko bago ako maligo. Naglagay lang ako nang lotion at saka ng perfume para alam na diba‚ hindi maka-akit ng lalaki pero ang umagaw sa atensyon ng karamihan. kimi lang beh!

Nakaalis na si Mama nang bumaba ako dahil maaga ang trabaho niya. Nagsuot lang ako nang sapatos bago ako lumabas sa bahay‚ aba malamang kung hindi ka ba naman shunga ay alangan namang pumasok ako? ge.

Walking distance lang naman ang school namin parang isang street lang ang lalakarin.

"Put*ngina ouch a!" Napasigaw ako sa lakas nang humablot sa buhok ko.

Sobrang lakas namang tawa ang narinig ko galing sa best friend ko.

Sayang nga lang at Stem siya at ako naman ay sa Humss.

"Inaano ka ba ha?" Irita kong sagot sa'kanya.

"Wala na miss lang kita‚ ano naka move on ka na?" Sagot niya sa akin.

"Tingin mo madali?"

"Naknangpucha! Hoy Cha! tagal na niyang wala a‚"

"Maka-wala ka naman‚ buhay pa siya no!"

This mf was referring nga pala sa ex ko? I don't even know kung dapat ko nga ba siyang tawaging 'ex' when in the first place‚ wala kaming label.

we had 'no label break-up.

ouch noh?

Naputol ang usapan namin dahil sa hudyat na flag ceremony na.

Hinanap ko kung saan ang mga estudyante ng humss.

Nakakagulat talaga‚ huwaw!

Ang mga nakikita ko sa section namin ay puro galing sa lower sections‚ not critiquing them pero nakakatakot sila pakisamahan. Some also are from the star section.

Simula grade 7 kasi hanggang natapos ako sa junior high ay nasa second section ako.

Paano ako magkakaroon ng friend dito? anong silbi ng pagiging maingay at makulit ko kung di ko alam makipag kaibigan.

Meron naman akong close dito e pero alam mo iyon iba pa rin kapag may own circle ka.

W. T. F?

I mean sino tong demonyong kung makatitig sa akin ay parang ako si Beauty? eww corny non.

Tinaasan ko siya ng kilay ngunit tumawa lang siya. Parang tanga naman to.

But what caught me off guard was he is familiar! Parang nakita ko na siya before, I can't remember. Who is this mf?

Naging crush ko ba ito? wew too low to be my crush though.

Nag speech lang saglit iyong principal at pagkatapos pumunta na kami sa kaniya-kaniyang classroom.

Since first day of school‚ marami pa rin ang pakalat kalat sa surrounding.

Meron iyong mga estudyanteng naghahabol pa nang requirements para maka-enroll.

Meron din iyong mga estudyanteng‚ gusto magpalipat nang section.

Meron din namang estudyanteng di mahanap-hanap ang classroom.

Maraming ganap every first day of school‚ sana yung ganap ko sa araw na 'to ay maganda.

Hindi ko alam kung classroom ba ang pupuntahan namin o sa langit na.

4th floor ang classroom namin at parang walang hangin dito. Buti nalang at may dala akong tubig.

Napaka ingay ng classroom pagkapasok ko.

May nagtatawanan‚ nag-aasaran‚ may tahimik lang.

"Quijada!" Napatingin ako sa tumawag sa akin‚ si Jenni‚ classmate ko since grade 7.

"Te Jenn!" Bati ko.

"Kumusta?" Aniya sabay lapit sa'kin.

"Okay naman‚ pretty as always" Sagot ko sabay kindat. "Ikaw‚ kumusta?" dagdag ko.

"Ayos lang naman." Sagot niya at may ngiti.

Maraming bumati sa akin na karamihan ay classmate ko lang din noon.

Nakita ko na naman iyong lalaking familiar sa akin. Siguro anak din siya ni Satanas kaya familiar‚ long lost kapatid ko. kimi

Puro lang naman introduce yourself ang ginawa namin with discussion of rules and regulations ng aming mga subject teachers.

"I am Ciana Sandei C. Quijada‚ Cha for short. Magaling sa lahat di katulad mo‚ sa una lang." Pag-introduce ko sa pangatlong pagkakataon.

"Can I get your number Miss Quijada?" Malakas na boses ng lalaki ang nagsalita at nagtawanan pa sila‚ nakita ko doon si Kurt.

Oo‚ Kurt ang pangalan niya at talaga namang familiar siya sa akin pero hindi ko maalala.

"Sorry to say this pero my number is only for good ones‚ and i think you don't classified on that" Napa 'ow' at 'woah' naman ang karamihan.

Bumalik nalang ako sa upuan ko dahil ewan ko ba‚ halatang mga walang pakialam sa pag-aaral ang mga iyon kaya ayoko patulan.

"I am Kurt‚ 17 from B. Lucina." Pagpapakilala niya‚ for the fourth time. Feeling mysterious naman to!

"Saan ka magaling Mister Kurt?" Tanong ng teacher namin.

"Hindi po ako magaling sa lahat‚ pero hindi rin magaling sa una‚ sa kama lang" Wtf? Did he just reciprocate of what I had said?!

"Yun oh! Baka Kurt namin 'yan!" Buyo nang mga nasa likod.

"Mga lalaki talaga." Sagot ni Ma'am.

Patawa tawa siyang bumalik sa upuan pagkatapos ay tumingin sa akin sabay kindat.

"Fvck you‚" Pabulong kong sabi sa'kanya pero ngumiti lang siya ng nakakaloko.

"Ciana‚ saan ka kakain?" Tanong ng kaklase ko.

"Sa Plato" Sagot ko sa'kanya. "HAHAHAHA sa bahay‚ gusto mo sumama?" Bawi ko.

"Ako Cha‚ di mo aayain?" Singit ng isa kong kaklase. Di ko maalala pangalan niya.

At buong maghapon ay puro lang introduce yourself ang ginawa namin. May mga nakausap na rin akong dati ay hindi ko nakakausap.

The Humanista Who Captured Her SoulWhere stories live. Discover now