Chapter 1: A Dream Into Real

15 0 0
                                    

"Maganda ngunit nanlalambing ang araw ngayon dahil sa isang panaginip ko. Hindi ko maipaliwanag sa sobrang saya kaya tinuloy ko na lang yun. Paano ba naman, isang pagkain na wala pang nakakaalam kung paano ba eto kainin. Ganunpaman, may mga naiisip na. "


"Hindi ko alam kung ano ang pwedeng magawa. Naiisip ko agad nung umaga na yun na hindi ko sya magagawa dahil may imahinasyon ako na madami ang kailangang sangkap para makagawa at makina. Alam ko na agad na hindi madali and kakaharapin ko. Ngunit dahil naiisip ko na masarap ito, bakit kaya kahit mapamahal na ako sa mga bibilhin basta maibigay ko lang ang pagmamahal sa paggawa nito."


"Ako nga pala si Strawberry Apple. Weirda man ang pangalan ko pero ibang klase naman ako pagdating sa pagkain. Masaya ako tuwing may pagkain, basta makakain na ako. Ngunit, nahihiya ako tuwing kainan dahil mas gusto ko isipin muna ang iba muna ang makakain. Kung wala man matira para sa akin, busog na lang din ako kaysa magpalamon ako sa inggit. Ngunit paano ba napunta sa hilig ko sa pagkain?"


"Bata pa lang ako, madami na akong pinamimililiian sa pagkain. Hanggang may naituro sa akin ang mga magulang ko na kailanman ay hindi ako maiinggit sa pagkain ng iba at hindi maging mapili sa kung ano kakain dahil may mapapagtanto ako sa tuwing may makikita akong tao na walang makain. Kaya noon, naging matipid ako sa pagkuha ng pagkain kapag may kasalo ako sa hapag."


"Hanggang isang gabi, nang dahil sa sobrang binusog ko ang sarili sa sobrang sarap ng nakain na pinagsaluhan namin, hindi ko namalayan na nakatulog ako na epekto din na may naiwan pa akong gagawin, biglang naging masarap ang himbing ko."


"Napaniginipan ko ang isang kakaibang pagkain na kahit kailan sa buong buhay ko ay hindi ko pa nakikita o natitikman. Napagtanto ko na nagising na lang ako ng dahil doon. Kaya nagkaroon ako ng pagkakataon para magmuni kung paano ako makakagawa nun. Napapaisip ako kung magagawa ko sya gamit na nasa loob ng kusina ng palasyo. Agad ako kumilos para makita kung sapat ba ang mga kakailanganin ko. Hanggang pagkakita ko, kulang ako sa mga kagamitan pati din sa mga panggawa ko. Sa huli, bumalik na lang ako sa mga naiwan kong gawain."


"Nung natapos ko na lahat ng mga naiwan ko na gawain ng gabing yun, bumalik na ako sa tulog dahil mas naramdaman ko na pagod ako. Kaya naman paggising ko, nagsabi ako kung pwede ba muna ako umalis ng bahay sa saglit na panahon para mabili ko ang mga kailangan na sangkap at kagamitan para magawa ang nassa panaginip ko lamang. Agad naman nila ako sinamahan kaya doon ako mas nagkaroon ng lakas ng loob para matupad ko ang isang naging pinaniginipan ko lang."


"Hanggang nakarating na sa mismong bilihan at isa isa naming nilibot ang lugar na yun para mahanap ang kakailanganin. Kahit nakakahilo dahil aminado naman ako, nagtiis ako para lang mabili at makagawa paguwi. Hanggang sumagi sa isip ko na magkaroon ako ng eksperimento para mas maging kakaiba pero masarap at magugustuhan nila ang gagawin ko. Kaya tinuloy lang ang paghahanap kahit na bibigay na yung katawan ko. Nang matapos na magikot sa mga kailangan, binayaran na namin ang mga sangkap. Sa mga oras na yun, doon ko na naisip na mahirap pala kasi napagastos na kami sa mga pagkain pa lang. Kaya nung napagastos na, sinabi ko na huwag na muna bumili ng makina dahil magsusubok pa lang."


"Kahit naiisip ko na lang na susuko na ako, nararamdaman ko lang na niloloko ko lang pala ang sarili dahil sa isang bagay na parang wala akong patutunguhan. Hanggang nagpayo ang amang hari at inang reyna ko na,

"Ano ka ba naman, anak, ngayon ka pa lang magsisimula sa isang naging panaginip mo lang na gusto mo gawin tapos nawawalan ka na ng sarili mo, pati ba naman aabot ka sa puntong susuko agad kahit wala pang resulta dahil ngayon ka pa lang susubok."

"Natatakot lang ako na hindi ko mapagtagumpayan ko. Nasasabi ko lang ito dahil ayaw ko naman umabot na masayang lang lahat ng pinaghirapan nyo dahil sa isang anak na walang kwenta ang isip para makagawa lang ng isang napakaimposibleng."

"Sinusubukan ka na ngayon ng tadhana. Ngayon ka pa lang maguumpisa sa paglalakbay para matuto ka din. Isipin mo na kahit malungkot ka, ayan ang magiging pagkain mo para kahit papaano, takasan mo yung mga bagay na nagpapalungkot sa iyo. Kapag masaya ka naman, makakain mo pa din yan dahil alam at naniniwala ako sa kakayahan mo na magagawa mo yan."

"Nung habang binibili na natin yung mga kailangan, doon ko na naisip na hindi magiging madali."

"Wala nino man sa mundo ang hindi magsasabi nyan. Lahat tayo ay napapanghinaan ng loob para makagawa o matapos ang kailangang gawin."

"Ano po ba ang kailangan para maging mapagtagumpayan mo ang isang bagay?"

"Isaisip at isapuso mo itong sasabihin ko. Palagi mo na tandaan sa iyong sarili na mapapagtagumpayan mo lang ang isang bagay kung makakabuti naman ito sa iyo, gawin mo ito ng walang pagaalinlangan. Huwag ka gagawa ng isang bagay na masasaktan o makakasama para sa iyo sa at kinabukasan na nagaantay sa iyo."

"Paano kung dumating sa isang sitwasyon na husgaan nila ang kakayahan ko o manlilit sa kung ano nakikita sa akin?"

"Hindi naman talaga maiiwasan ang mga ganyang klaseng bagay dito sa mundo. Ang mahalaga, maging bingi ka sa mga sasabihin nila dahil wala silang karapatan para pagsabihan ka sa isang bagay na gusto mo magawa para sa sarili mo maliban kung ginagawa mo ang isang bagay para sa ibang taong nangangailangan ng tulong mo."


"Simula noon, kahit nararamdaman ko na wala talaga akong tiwala sa sarili ko, gagawa at gagawa pa din ako ng paraan para matupad ang isang naging panaginip ko lamang. Hanggang kahit nung maguumpisa pa lang, mayroon pa din alinlangan ako kung tama ba na ginagawa ko ito dahil kakaiba at bago ko pa lang nakikita at matutunan sa harapan ko. Kahit maraming ginagawa ang amang hari at inang reyna ay nakaalalay at kaagapay ko sila."

A Story of Ice CreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon