"Eto na yun, ang dating napaniginipan ko lamang, gugustuhin na maging isang katuparan. Sana lang nararamdaman na ng ibang nasa kalapit na nayon ng aming palasyo yung hindi mapigilan na nasa kalagitnaan ng tulog ko na magiging daan din ng pakiramdam kahit pansamantala. Iba talaga kapag sisimulan mo na yung isang bagay na hindi mo inaasahan na pwede pala maganap ang isang panaginip mo lang sa gabi. Doon ko natutunan na mas pagigihan ko itong pagkakataon na pinagkatiwala sa akin. Ito ay dahil na din sa tulong at suporta ng pamilya ko."
Ngunit, hindi man planado ang lahat, nagdulot ito na may ibang mga diwata ang hindi maiintindihan ang mga pinagdadaanan ko na kagaya sa mga karaniwan din. Pero gusto ko lang sabihin na kahit kilala man ako ng lahat bilang isang prinsesa, hindi lahat ng tao ay makikita ang tunay na kami. Mas malalim ang aming pinagdadaanan dahil bilang kung isang prinsipe o prinsesa ng isang kaharian ay umaasa sila na ikaw ang susunod na mamumuno para sa mga nasasakupan.
*Hanggang isang araw, nagpakita ang diwata sa prinsesa...
Diwata: "Ahh, Ganoon!!! Tinuloy mo din pala ang isang walang kawenta-kwentang pangarap na yan. Isa ka lang naman prinsesa dito sa palasyo."
Prinsesa: "Ano ba, mahal na diwata. Gusto ko ito gawin upang kahit papaano, mas umunlad ang aming kaharian at makapagsilbi pa ng maraming tao na nangangailangan ng tulong."
Diwata: "Ano ba, prinsesa Strawberry. Sandali, may naisip akong gawin sa iyo. Humanda ka ngayon, Prinsesa Strawberry dahil simula ngayon hindi ka na isang prinsesa. Magiging isa ka nang tagapagsilbi ng iyong kaharian kaya mabubura na ng tuluyan sa iyong Amang Hari at Inang Reyna na naging anak ka nila.''
Prinsesa: "Huwag mo naman gawin!!!"
Diwata: "Wala ka nang magagawa, Prinsesa... Teka, prinsesa pa din pa ba??? Hindi na bagay dahil hindi ikaw mukhang prinsesa sapagkat ang iyong kasuotan ay katulad na ng mga tagapagsilbi ng iyong dating buhay na kaharian."
Ngunit wala nang nagawa ang kaawa-awang prinsesa. Simula nang araw na yun, kahit hindi na mailarawan ang mukha nya ay tumuloy pa din ito sa gusto nya kahit ang kapalit nito ay hindi sya makikilala ng kanyang Amang Hari at Inang Reyna na kanyang mga magulang at sya ang magiging tagapagmana ng kaharian at kaisa-isang prinsesa. Ganoon pa man, dahil sa busilak nyang puso ay hindi naging hadlang na maipalaganap ang kabutihan sa iba. Dulot nito ay hindi nya inaasahan na...
Diwata: "HAHAHAHAHAAHAHA *in evil laugh, nakakatawa ka naman, dating munting prinsesa at sana'y magiging tagapagmana ng kaharian. Tama lang sa iyo yan, Strawberry."
Prinsesa: "Sandali, diwata, hindi mo na ako tinatawag na ngayon bilang prinsesa."
Diwata: "Aba, nasagot ka pa. Natural, naisumpa kita na hindi ka makikilala na ngayon bilang ang dating pinakamamahal na prinsesa ng kaharian."
Prinsesa: "Pwede ba, mahal na diwata, gusto ko lang makasama ang mga magulang ko kahit naiisip mo na isa na akong nakakaawang nilalang."
Diwata: "Ano ka dyan, Strawberry, sinususwerte?!?, ituloy mo lang yan ginagawa mo tutal yan naman ang gusto mo hindi ba?"
Prinsesa: "Balang araw, ipinangako ko sa aking sarili na tuloy pa din ang paguugali ko para hindi kaawaan ako ngunit makikita nila na may mabuti akong puso na magiging tulay para bumalik ang pagkakakilanlan ko bilang prinsesa at tanging tagapagmana ng aming kaharian."
Diwata: "Mangarap ka lang dyan ng mangarap, Strawberry, pero kahit kailan ay magsisilbi ka lang dito sa iyong kaharian. *evil laugh HAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!"
Nang umalis ang napagkamalan nyang mabait na diwata, agad itong umalis pansamantala sa kaharian para pumunta sa isang hardin. Doon sa hardin na malapit sa kanilang palasyo ay ibinuhos ang kanyang pagtatangis sa hindi na nya mapigilan na bugso ng damdamin. Hanggang nakita sya ng mga lumilipad na grupo ng mga paruparo at ibon. Naramdaman ng mga ito na hindi maayos ang prinsesa kaya naging mas mabagal ang paglipad ng paruparo at humuni ng malungkot ang mga ibon para maramdaman ng prinsesa na hindi ito nagiisa.
Prinsesa: "Hindi ko alam kung bakit ganito ang ginawa sa akin ng mahal na diwata. Wala naman akong ginagawang masama sa ibang tao. Ang tanging hangad ko ay makagawa ako ng paraan para maging maligaya ang aming nasasakupan. Saglit, hindi na nga pala ako isang prinsesa. Hay, nawalan na ako ng saysay ngayon. Wala na ata akong magagawa ngayon dahil kilala na ako ng iba bilang isa sa mga nagsisilbi sa aming kaharian."
*Hanggang dumating ang isang kakaibang ibon at hindi makapaniwala nang makita nito ang prinsesa
Ibon: "Ohh, sandali, ikaw yun. Ang naririnig ko na pangalan na malapit sa inyong kaharian. Ikaw ba si Prinsesa Strawberry?"
Prinsesa: "Oo, kaibigan. Ako ito ngayon." *malungkot na sinabi
Ibon: "Ako pala si Birdie. Ang tumatayong reyna ng iba't ibang klaseng ibon dito sa mundo. Kinagagalak kitang makilala, prinsesa. Pero tila, hindi ko makita ang iyong sigla."
Prinsesa: "Pasensya ka na kaibigang reyna. Hindi ko naman ginusto na maging ganito ako ngayon."
Ibon: "Bakit tila ang iyong kasuotan ay hindi pamprinsesa ngunit namukhaan kita na isa kang prinsesa dahil sa napakaamong mukha. Ngunit, ang hindi ko maintindihan ay kung ano ang nangyari sa iyo!!!"
Prinsesa: "Naisumpa ako ng isang inaakala kong mabuting diwata. Naabutan nya kasi ako na may ginagawang pagkain para sa aming nasasakupan."
Ibon: "Mukhang napapanghinaan ka na ngayon ng loob, prinsesa. Huwag ka magaalala sa mga ganoong klase dahil may napagdadaanan siguro sila kaya sinamantala lamang nito na mayroon syang kapangyarihan para samantalahan ka."
Prinsesa: "Sana nga ay ganoon lang, kaibigang reyna. Kung ganoon man ang kanyang nararanasan, maiintindihan ko din sya balang araw kagaya kung paano ko iniisa-isa na paluwakin ang pagiging maunawain ko sa aming mga nasasakupan."
Ibon: "Tahan na, mahal na prinsesa. Hayaan mo kami na damayan ka dahil nararamdaman namin ang iyong tunay na nilalaman ng iyong puso."
Prinsesa: "Nagpapasalamat ako sa inyo dahil hindi nyo ako pinababayaan ngayon. Napakasarap na magkaroon ako ng mga kaibigan."
Nang biglang dumating ang...
Paruparo: "Ohh, kaibigang reyna ng mga ibon. Masaya akong makita kita muli."
Ibon: "Ganoon din ako, kaibigang reyna ng mga paruparo. Wala pa din kakupas ang iyong kagandahan."
Paruparo: "Hindi ka pa din nagbabago sa iyong huni."
Prinsesa: "Ang ganda mo naman, mahal na reyna ng mga paruparo."
Ibon: "Sya ay isang naisumpang prinsesa dito sa kanilang kaharian."
BINABASA MO ANG
A Story of Ice Cream
FantasyStrawberry Apple describes herself as bubbly person even behind people. She is the daughter from a royalty parents. She is well-known princess because of her generosity and helpful as she will be the palace's heiress. Despite, she still describe her...