Pagbalik sa kaharian ay sumalubong na ang Amang Hari sa Inang Reyna ni Strawberry na inaantay ang dalawa...
Reyna: "Ipinapatawag mo daw ako, aking Hari."
Hari: "Saan ka ba galing?"
Reyna: "Nandyan lang naman ako sa hardin."
Hari: "Pasensya ka na, medyo hindi maayos ang pakiramdam ko kaya pinahanap kita."
*Napansin bigla ng Amang Hari na nakatayo lang sa gilid ang tagapagsilbi na si Strawberry
Hari: "Ano ba naman itong tagapagsilbi. Ano pa ginagawa mo dito at naririnig mo pa kami magusap ng aking asawang reyna!"
Prinsesa: "Pasensya na po, kamahalang Hari. Babalik na ako ngayon sa mga gawain ko."
Hari: "Mabuti naman kung ganoon dahil may iuutos pa ako sa iyo. Ipaghanda mo na kami ng aming kakainin. Nagugutom na kami."
Prinsesa: "Masusunod ang iyong hiling, mahal na Hari." *naglakad agad nang bigla...
Hari: "Sandali, ikaw lang ang kabago-bago na tagapagsilbi dito sa kaharian. Ano pala ang iyong pangalan, babaeng tagapagsilbi?"
Prinsesa: "Mahal na Hari, ako si Strawberry Apple. Pero Apple na lang ang itawag nyo sa akin."
Reyna: "Napakaganda at kakaiba ang pangalan mo. Bale, kailangan na pala namin ang ipinapautos ng aking asawang Hari."
Prinsesa: "Eto na, babalik na sa silid-lutuan, mahal na Reyna."
Bawat inilalagay na pagkain ni Prinsesa ay parehas na bitbit sa magkabilaang kamay. Aminado man na pagod, masaya pa din sya dahil mismong magulang na nya ang kanyang pinaghahainan. Ngunit...
Prinsesa: "Eto na ang inyong mga pagkain na sasapat sa inyo, mahal na Hari at Reyna."
Reyna: "Ano ba naman yan, Apple, gusto pa namin ng pagkain."
Prinsesa: "Masusunod, mahal na Reyna. Kukuha pa ako sa silid-lutuan."
Reyna: "Bilisan mo naman kasi nagugutom pa kami, Apple."
Napatakbo ng husto si Strawberry dahil kilala nya ang kanyang Inang Reyna na minsanan likas na mainipin at gutomin. Kaya kahit ganyan ang naging trato sa kanya ay may ngiti pa din sa kanyang labi. Kahit ganoon, may kaunting bakas ng kalungkutan sa kanyang puso dahil sya ang naisumpang prinsesa.
Hari: "Ang bagal naman, Apple!!!"
Prinsesa: "Pasensya na, mahal na Hari. Nagiingat ako sa may silid-lutuan para hindi ako maaksidente."
Hari: "Talaga lang ba, ehh sa kilos mo nga, mabilis mo naipaghanda?"
Reyna: "Kakaiba ka talaga nohh!"
Dahil sa mga salita, hindi na napigilan ni Prinsesa ang kanyang luha. Naawa na sya sa kanyang sarili dahil sa posisyon at kung paano nya ilulugar. Ngayon nya mas naisip na gusto maikumpara ang kanyang sarili. Ito ay naririnig naman nya na maayos ang pagtatrato ng kanyang Amang Hari at Inang Reyna sa iba nyang kasama. Labis na lalong nadurog ang puso nya kaya...
Paruparo: "Muli ka na naman tumatangis, kaibigang prinsesa."
Ibon: "Idaan mo na lang sa himig para kahit papaano ay matakasan mo muna kung ano ang iyong pinagdadaanan."
Prinsesa: "Kilala nyo na talaga ako ngayon. Alam nyo na kung paano pagaanin ang mabigat ko kinakaranas ngayon."
Ibon: "Huwag ka magaalala, mahal na kaibigang prinsesa, dadalhin ka namin ng aking kaibigang reyna ng mga paruparo sa hardin kung saan tayo nagkakilala."
Paruparo: "Ang lugar kung saan makulay ang natatanaw sa paligid."
Prinsesa: "Ano pa hinihintay natin, tara, ako ay tatakbo para makarating sa hardin at kayo naman ay sasamahan ako ngunit kayo ay lumilipad para protektahan ako."
Hindi na nga nagaksaya ng panahon si Prinsesa Strawberry na muling makasama ang mga kaibigang reyna. Kinalimutan at tinakasan pansamantala nito ang kanyang sumpa na ipinataw sa inaakala nyang mabuting diwata. Ang hindi nila alam ay...
Diwata: "Sinuswerte nga naman ako ngayon. Nandito na muli ang isinumpa ko na prinsesa."
Prinsesa: "Hay naku, mahal na diwata!!!"
Diwata: "Nakakaawa naman ang iyong sitwasyon. Teka, maawa ba talaga ako dapat sa iyo, ehh ako ang nagsumpa sa iyo na maging tagapagsilbi ka ng kaharian at ang bawat gagawin mo sa pagkain na pinambili mo para lang mapasaya mo ang mga tao ay naisumpa ko."
Prinsesa: "Bakit kailangan ko pa madanasan ito, mahal na diwata? Gusto ko lang naman makatulong sa aming kaharian at maipagmalaki ako ng aking Amang Hari at Inang Reyna na karapatdapat ako maging anak nila at magiging tagapagmana."
Diwata: "Masyado ba ako naging mahigpit sa iyo, prinsesa? Este tagapagsilbi, HAHAHAHAHAHAHAHAHA" *naglaho sa paningin
Paruparo: "Basta, mahal na kaibigang prinsesa Strawberry, hangga't pinagpapatuloy mo lang maging mabuting prinsesa kahit nasa paningin na ngayon ng mga tao na isa kang tagapagsilbi ng kaharian, magbubunga lahat ng iyong pinagdadaanan."
Ibon: "Siguro nga, may pagkakataon na sinusubukan ka talaga ng inakala mo na mabuting diwata."
Prinsesa: "Sagad na nga sya sa akin ngayon."
Ibon: "Mabuti pa, bumalik ka na sa kaharian."
Naglakad na muli pabalik ng palasyo si Prinsesa Strawberry kahit na bakas pa din sa kanyang maamong mukha ang pagtatangis nito dahil sa bagong sumpa na ipinataw sa kanya. Ganoon pa man...
Paruparo: "Kagaya ng mga pakpak ko, dadating din ang araw na magiging makulay ulit ang iyong buhay, mahal na kaibigang prinsesa."
Ibon: "Kagaya naman kung paano kami humuhuni, magagandahan din sila sa iyo balang araw hindi lang sa boses mo, pati na din sa mensahe na ipaparating mo sa mga iba't ibang klase ng mga namumuhay dito."
Prinsesa: "Totoo ba ang inyong mga tinuran, mga kaibigang reyna? Kahit na kayo ay may mataas pa na katungkulan kaysa sa akin na isang pahamak na ngayong tagapagsilbi na dating prinsesa?"
Ibon: "Oo naman, araw-araw ka namin sasamahan para maiparamdam pa din namin na nandito kami para sa iyo, kaibigang prinsesa."
Paruparo: "Maliit na bagay, mahal na prinsesa. Alalahanin mo lang na huwag ka maglilihim sa amin para mas gumaan ang nararamdaman mo."
Ibon: "Maniwala ka lang sa sarili mong kakayahan, mahal na prinsesa. Huwag ka panghihinaan ng loob sa mga pagkakataon na hindi mo kami kasama dahil sa mga responsibilidad namin bilang reyna."
Paruparo: "Palagi mo lang gawin ang mga bagay na magpapasaya sa iyo na makakabuti sa kaharian ng buong puso mo. Tiyak ko na magiging matagumpay ka din."
Prinsesa: "Maraming salamat sa inyong mga salita, mga mahal na kaibigang reyna."
Paruparo: "Kailangan mo na pala bumalik sa iyong gawain, mahal na prinsesa."
Ibon: "Oo nga, baka nakakaabala na kami sa mga kailangan mo tapusin. Nakabantay lang kami sa iyo at aantayin ka namin matapos."
Bumalik na sa mga gawain si Strawberry bilang magsisilbi sa kanilang kaharian. Hanggang sa mga oras na yun, hindi sya makapaniwala na mula sa pagiging prinsesa na ang tanging hangad ay matulungan ang kanyang Amang Hari at Inang Reyna.
BINABASA MO ANG
A Story of Ice Cream
FantasyStrawberry Apple describes herself as bubbly person even behind people. She is the daughter from a royalty parents. She is well-known princess because of her generosity and helpful as she will be the palace's heiress. Despite, she still describe her...