Paruparo: "Ano ang iyong ibig sabihin, kaibigan kong reyna?!?"
Ibon: "Mahal na prinsesa, ikaw na mismo ang magpahayag sa isa pang reyna." *malungkot
Prinsesa: "Mahal na reyna ng mga paruparo, ako ay naisumpa ng inakala ko na mabuti na diwata ng aming kaharian. Ngunit, wala naman akong ginagawa na makakasama para sa aming nasasakupan." *mas tumangis na nagsalita
Paruparo: "Pasensya sa iyong sinapit, mahal na prinsesa. Ngunit maaari ko bang malaman kung ano ang ginagawa mo bago ka nya naisumpa?"
Prinsesa: "Gumagawa lang ako ng isang napaniginipan ko lamang na pagkain na gusto ko magawa para maging masaya ang mga tao."
Ibon: "Hindi mo kasalanan, mahal na prinsesa."
Paruparo: "Kung ganoon, may itinatago nga talagang masamang budhi ang diwatang yun ahh. Gagawa ka lang naman ng kabutihan at iniisip ang kapakanan ng inyong kalapit na mga tao sa inyong kaharian, naisumpa ka pa na maging tagapagsilbi ng iyong kaharian."
Walang nagawa kung hindi damayan ng dalawang reyna ang prinsesa. Hanggang hindi inaasahan na...
Diwata: "Anong sinasabi mo sa akin, reyna ng mga paruparo?!?"
Prinsesa: "Pakiusap naman, mahal na diwata. Kahit ako na lang ang muli mo maisumpa, wag mo lang idamay ang mga kaibigang reyna ko."
Diwata: "Totoo ba itong nakikita ko? Talagang magkasama kayong dating magkaribal?"
Prinsesa: "Ano daw?!, anong ibig mo sabihin, mahal na diwata!"
Ibon: "Totoo ang mga tinuran nya, mahal na kaibigang prinsesa. Nagkaroon kami noon ng lamat ng iyong kaibigang reyna na paruparo."
Paruparo: "Dahil sa nagtagisan kami noon kung sino sa aming lahi bilang mga paruparo..."
Ibon: "At lahi ng mga ibon kung ano ang mas magandang lumipad sa hangin ang mas magagandahan ang mga tao."
Paruparo: "Nang dahil dito, tumaas ang tensyon sa pagitan ng mga lahi namin at lahi ng mga ibon."
Ibon: "Hanggang napagtanto namin na magkakaiba kami ng ganda at mensahe na ipinaparating namin sa mga tao."
Prinsesa: "Paano nyo napagtanto parehas?"
Paruparo: "Napansin namin yung pagkakaiba ng aming pakpak. Ngunit, dahil mataas ang tensyon kung sino sa aming dalawa ang mabilis na lumipad at magugustuhan ng mga tao."
Ibon: "Nung mga panahon na yun, parehas naman kaming nagkamali. Kaya habang nasa hangin kami at lumilipad na malaya, mas napansin namin sa baba na parehas kaming pinapalakpakan na hindi alam ng mga tao na magkakumpitensya kami."
Paruparo: "Hanggang humingi kami ng kapatawaran sa isa't isa habang nasa hangin. Napagtanto namin na bihira namin makasama ang kapwa kalahi namin kapag lumilipad. Kaya hindi tumagal, naging magkaibigan na kami ng kapwa reyna."
Diwata: "Siguro naman, natuto ka na ngayon sa iyong nagawa, Strawberry."
Prinsesa: "Ano ba naman, mahal na diwata. Gumagawa naman ako ng kabutihan para makatulong sa aking Amang Hari at Inang Reyna para maihanda na din nila ang kanilang sarili na habang tumatagal, hinahanda ko na maging tagapagmana sana ng kanilang trono at ang kaharian. Gusto ko na kahit walang nakakakita sa mga tinutulungan ko sa aming kaharian ay kabutihang-asal pa din ang matatanaw ng aking mga magulang na masaya sila para sa nagagawa ko hindi para sa sarili ko kung hindi para sa mga tao na nasa bayan."
Diwata: "Tingin mo ba talaga, makakatulong yan para sa mga tao?"
Prinsesa: "Pwede ba, mahal na diwata, gusto ko ito gawin para sa ibang mga nangangailangan. Nilabas ko na ang pagiging makasarili ko noon dahil napagtanto ko na kailangan ko pa matuto sa iba't ibang bagay na pagdadaanan ko pa."
Diwata: "Gusto mo pala ng pinagdadaanan, Strawberry. Kung ganoon, lalagyan pa kita ng isa pang sumpa. Bukod sa noon ay kilala ka bilang nagiisang tagapagmana at prinsesa ng inyong kaharian na ngayon ay nakikita ka ng iyong mga magulang na isa na ngayon sa nagsisilbi sa kanila, ngayon naman sa gusto mo gawin. Isinusumpa ko na maging malamig yan upang hindi agad-agad makakain ng kahit sino at manlalamig lalo dahil sa lasang malamig ang iyong ginagawang pagkain."
Agad umalis ang diwata pagkatapos mabigyan ng sumapa ang pagkain na iniwang ginagawa ng prinsesa sa kaharian dahil sa posisyon nya ngayon bilang tagapagsilbi. Labis na naawa ang dalawang kaibigan nyang reyna dahil sa isinapit ng prinsesa. Nang dahil sa kanyang pinagdadaanan, mas tumangis pa ang naisumpang prinsesa.
Prinsesa: "Hindi ko maunawaan ang mahal na diwata. Parang kahapon lang halos ay ako ang kanyang isinumpang prinsesa. Ngayon, dinamay pa ang pagkain na ginagawa ko para maiwasan na makaramdam ng pagkagutom ang kaharian. Hindi ko alam kung may saysay pa ba itong ginagawa ko para mapaunlad pa ang pwedeng maging negosyo ng mga hanggang ngayon ay napapaisip pa sa kung ano ang kanilang magagawa."
Ibon: "Ano ka ba, mahal na kaibigang prinsesa. Ginagawa mo ito dahil mahal mo ang iyong Amang Hari at Inang Reyna. Bilang anak, gugustuhin mo talaga na hindi sila masyadong nakikita na nahihirapan habang namumuno sa inyong mga kalapit na bayan."
Paruparo: "Hangad mo din na magustuhan ng mga tao ang iyong ginagawa para may sapat na bilang ng pagkain ang kaharian kung sakaling may maubusan ay mayroon pa din na pagkain para sa lahat."
Ibon: "Huwag ka masyadong panghinaan ng loob, mahal na kaibigang prinsesa. Ituloy mo na kung ano ang iyong sinimulan."
Paruparo: "Tara, mahal na kaibigang prinsesa. Sasamahan ka namin na makarating ka ng ligtas sa inyong kaharian. Masiguro lamang namin na maging maayos ang iyong pagbabalik."
Prinsesa: "Para saan pa ba? Ehh, hindi naman na ako prinsesa para may nagaantay na salubong sa aking pagbabalik ang muling pagpunta ko sa kaharian. Babalik man ako ngayon sa kaharian para muling utusan at magsilbi."
Ngunit wala nang nagawa ang kaawa-awang prinsesa. Sa kabila man, hindi sya pinabayaan ng reyna ng mga paruparo at reyna ng mga ibon. Hindi naman nila mapagusapan na gusto nila matulungan ang prinsesa sa dalawang sumpa. Hanggang nagulat ang prinsesa na...
Hari: "Strawberry!!! Pumunta ka dito sa bulwagan."
Prinsesa: "Ano po yun, kamahalang hari" *masaya
Hari: "Gusto ko na hanapin mo ang aking reyna dito sa paligid ng palasyo. Sabihin mo sa kanya na hinahanap ko sya para isang pormal na paguusap."
Prinsesa: "Masusunod po, kamahalang hari" *agad umalis
Agad hinanap ni Prinsesa Strawberry ang kanyang inang reyna. Ngunit, naalala nito kung saan mas madalas pumupunta ito kaya nakita nya ito sa hardin na malapit sa tarangkahan.
Prinsesa: "Pinapatawag kayo ng hari, mahal na reyna."
Reyna: "Buti at hindi ka nya nagambala sa iyong gawain."
BINABASA MO ANG
A Story of Ice Cream
FantasyStrawberry Apple describes herself as bubbly person even behind people. She is the daughter from a royalty parents. She is well-known princess because of her generosity and helpful as she will be the palace's heiress. Despite, she still describe her...