prologue

31 3 0
                                    

“This place is serene,” my sister Darcy said. We're here in front of an academy that our grandmother suggested, she’s not lying this place is beautiful, it has a calming vibe. Sabi ni Lola, it’s better kung dito kami mag-aral. Lola wants us to find kung sino ba talaga kami, but I can’t understand her. Uh, magulo talaga si Lola, dala na rin siguro ng katandaan niya.

Humahanga talaga ako sa mga nakikita ko ngayon, dati lang pinapangarap namin ni ate na makapunta sa ganto kagandang lugar pero ngayon natupad na. Nakatapak na ako sa mala gintong lupa, kahit lupa ang ganda dito Nakakahiya tuloy tumapak! Gawa din sa purong ginto ang gate dito, puno ng bulaklak at puno sa paligid. Malinis at malinaw ang tubig sa fountain, para akong nasa paraiso. Mali! Nasa paraiso talaga ako.

“Tigilan mo nga 'yan” 

“Sa tingin mong 'yan, parang kakainin mo na ng buo ang academy na 'to” dagdag pa ni Darcy.

Kami ni ate mag kasalungat kami sa halos lahat ng bagay kaya hindi kami magkasundo. Pero kahit ganon mahal ko siya.  Ewan ko lang sakanya, kung mahal niya ba 'ko.  Inirapan ko lang siya, tagal kasing buksan ng gate e. Wala bang guard dito? Nangangalay na ako e.

After a few minutes passed, may sumalubong saming babae. Maganda siya, pero mas maganda ako!

“Tuloy kayo” aniya.

Matanda na siya, pero bata pa ang mukha. Di mo talaga mahahalata, ano kayang skin care nito? Pag tumanda ako sana naman i-share niya sakin, kasi sharing is caring naman.

Kung maganda yung labas, mas maganda ang loob! Grabe sarap siguro buhay ng mga tao dito. Sa pagpasok namin ay naagaw namin ang atensyon ng mga estudyanteng nasa hallway. Ganda ko 'no? 

“what the fuck? tumitingin kaba sa dinadaanan mo?”

Napatitig ako sakanya, he has chiseled features and a strong jawline that give him a striking, masculine appearance. His hair is styled impeccably, framing his face perfectly and adding to his overall charm. He exudes an aura of charisma and magnetism that is impossible to ignore. His impeccable sense of style adds to his overall attractiveness, making him stand out from the crowd. His deep-set, expressive eyes draw you in and make you feel as if you could get lost in them.

perfect na sana, pangit lang ugali!

His rude and disrespectful behavior cancels out any physical attractiveness he may possess. Siya naman tong nakabangga, ako pa ang na what the fuck.

“Ako pa tinatanong mo niyan, e kung ikaw kaya tanungin ko. What the fuck? Tumitingin kaba sa dinadaanan mo?"  pang-gagaya ko sa sinabi niya.

Inirapan niya ako, ay wow! kapal ng mukha nitong pogi na 'to, but his superficial charm and good looks are no match for his ugly personality and unkind behavior. Umaalis na siya sa harapan ko, hinabol ko pa ng masama kong tingin ang likod niya. Targetin kita diyan e!

“sorry ha? nabangga mo kasi ako”

Tumigil siya sa paglalakad at nag salita pabalik.

“accepted” wow! ang kapal kapal, sing kapal na ata nun yung encyclopedia e.

Sumunod nalang ako sa kanila ate na malayo na saakin, di ako iniintay. Parang di kapatid oh!

Nang makapasok kami sa isang silid na kung hindi ako nagkakamali ay ang opisina ng principal dito. Pinaupo kami sa magkabilaang upuan, magkatapat kami ni Darcy na may nagtatakang mukha.

“Problema mo?” tanong ko. Umiling lang siya at inilibot na ang tingin sa buong lugar. Ganoon din ang ginawa ko, gandang ganda ako sa mga nakikita ko ngayon. Napapaligiran ito ng maraming libro at may mga vines pa sa gilid- gilid.

“ Chantria. Chantria ang pangalan ko.” anong gagawin ko sa pangalan mo? joke. Si Miss Chantria ang namamalakad sa paaralang ito, at ang assistant niya naman ay si Thalia. Wala namang masydong naganap sa loob ng silid na iyon, nagpakilala lang kami at binigay ang susi sa tutuluyan namin.

“ Idris Fiammetta ”

“ Ciaran Darcy ” pakilala ni Darcy.

“Ang gaganda naman ng pangalan niyo” si thalia, assistant ni Miss Chantria. Ihahatid niya na raw kami sa tutuluyan namin, para hindi na kami maligaw at mapunta pa kung saan dahil madilim na at malalim na rin ako gabi.

“ Ang ganda mo rin Miss Thalia” sabi ko.

Despite her age, she has a timeless beauty that radiates from within. She possesses a rare combination of ageless beauty and wisdom. She is not only stunningly beautiful but also has a heart of gold. It's rare to come across someone as beautiful on the inside as she is on the outside.

“ Idris, Darcy, nakalimutang kong banggitin sainyo ang mga sectional niyo. Section
Ametrine 2-1 ka Darcy, Idris ikaw naman ay Section Luminous 1-1” Madami akong na kwento kay Miss Thalia, naging malapit ang loob ko kaagad kay Miss Thalia. Ewan, ang gaan gaan ng loob ko sakanya.

“ Alam niyo ba? kaya kong makita ang nakaraan, through touching things or someone” pagyayabang ko.

“ Subukan ko po sainyo?” tanong ko kay Miss Thalia, dahil na kwento ko rin sakanya kung ano ang mga kaya kong gawin. Tumango lang siya at sinubukan ko nga pero laking gulat ko ng wala akong makitang kahit anong nangyari sakanya kahapon o sa mga nag daang pangyayari na nangyari sakanya. Weird .

Inabot niya saakin ang paper bag na may lamang pares ng mga uniform namin ni Darcy. Sabi kasi ni Miss Thalia siya na raw ang magbibitbit. Hindi ko maiwasang  makita ang nanay ko kay Miss Thalia, gusto ko rin maramdaman ang pagmamahal ng isang ina. Never kong naranasan yon, kahit nandiyan naman si Lola iba pa rin talaga kapag nanay.

“Bye Idris, Darcy, sana makita ko kayo bukas!” nagpaalam na rin ako kay Miss Thalia at pumasok na loob ng dorm, malawak ang silid na ito para sa dalawang taong tulad namin ni Darcy. Naupo ako sa sofa at napatingala nalang dahil sa mga nangyari ngayong araw. Iniisip ko ang pangyayari kani-kanina lang.

“ba’t ka napapa buntong-hininga diyan Idris?”

Hindi ko sinagot si Darcy at sa halip ay pumasok na sa kwarto ko.

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

naey








Together on SunriseWhere stories live. Discover now