Chapter 1 Sa eskwelahan nagsimula ang lahat

121 0 0
                                    

Ako nga pala si Rico Cayabyab. 14 years old palang ako ng mangyari sa akin ang story na ike-kwento ko sa inyo.

Then, here it goes.

CHAPTER 1 At school

Isa akong 3rd year high school student sa isang paaralan sa Pampanga. Unang araw ng pasukan non, hindi naman ako first time na papasok sa school na yun kasi dun na ako nagaral dati. Natural na sakin ang pagpunta dun kaya hindi na ako kinabahan kahit unang araw palang sa school.

Pag punta ko sa classroom naming ay natulala ako. Isang magandang binibini kasi ang nakita kong nakaupo sa tabi ng mga kaibigan ko. Akala ko ay taga ibang section at pumunta lang dun para kausapin ang kaibigan niya. ELLA. Yan ang nakasulat sa malaking thugname na nakadikit sa uniform niya. Umupo ako malayo sa kanya. Nahihiya kasi ako. At nalaman ko na bago naming siyang classmate. Wala pa kasing kumakausap sa kanya. Gusto ko nga siyang lapitan at kausapin nung time na

yun pero, hindi ko nagawa. Nahihiya kasi ako at baka pagkinausap ko siya eh mapahiya lang ako kasi baka hindi niya ako pansinin. Wala kaming ginawa nung first day of school. Lahat kami may kanya kanyang mundo. Ako, nakatulala lang kay Ella. Hindi ko naman siyang magawang lapitan kasi nahihiya talaga ako. Sa twing nakatitig ako sa kanya at napapalingon siya ay nahihiya ako kaya tumutungo nalang ako. Kasi, nakikita niya akong nakatingin sa kanya kaya nahihiya tuloy ako ng sobra.

Wala kaming ginawa hanggang sa mag uwian na. Tumambay muna kami sa pavilion sa may covered court ng school namin. Inantay naming na lumabas siya. Habang naka-upo ako, kinalabit ako ng classmate ko at sinabihan ako na “Tol, pag-ibig na yata yan ha” Pag karinig ko nun ay tumibok ang puso ko ng malakas. PAGIBIG? Agad agad? Kung sakali nga, for the first time iibig ako. Samin kasing magto-tropa, pag nakakakita kami ng singganda ni Ella ay liligawan namin at pagti-tripan lang. Kaya, ngayon, for the first time ay iibig na ako! “Naks. Natuto ding umibig si Gago! Mag ingat ka lang at baka karmahin ka diyan tropa.” Kantyaw pa ng isa kong kaibigan. PAGIBIG? Paulit ulit na nanunumbalik sa isip ko ang salitang iyan. Pano nga kung pagibig na ito? At pano kung lokohin niya lang ako? Paulit ulit kong naiisip ang mga bagay na iyan. Pilit ko din siyang inaalls sa isip ko kasi baka mahulog lalo ang puso ko sa kanya at sa bandang huli ay lokohin niya lang ako. “Tol andiyan na siya.” Sabi sakin ng isa kong kaibigan. “Tara na nga. Umuwi na tayo! Sinasayang lang natin oras natin diyan sa babaeng yan.” Sabi ko sabay lakad papalayo. Nagtawanan ang mga tropa ko sabay kantyaw sakin “Asus. Pagibig na nga yan tol. Hahaha, umiibig ka na! Yari ka! Lolokohin ka lang niyan men!” “Tara na dami niyong alam!” Yan lang ang huli kong nabanggit at umalis na ako. Nauna akong naglakad. Hindi ko sila sinasabayan kasi nagtatawanan sila at pinaguusapan nila ako. Nakatungo lang akong naglalakad hanggang sa umabot kami sa bahay ko at pumasok nalang ako sa loob ng hindi nagpapaalam sa kanila. “Sige tol babye na!” Sabi ng isa kong kaibigang babae. Hindi ko sila nilingon at derederecho lang ako.

Pag pasok ko ay dumiretso lang ako sa kwarto. Hindi ko pinansin sila mama na nasa salas, Paulit ulit ko kasing naiisip. Pano kaya kung mahal ko na siya agad agad? Ngayon ko lang siya nakita pero sa lahat ng nakilala ko ay ngayon lang ako natorpe ng ganun. Kung dati nga ay todo pa-cute ako agad pag may babaeng sing ganda niya. Pero ngayon, ni lumapit sa kanya at tanungin ang buo niyang pangalan ay hindi ko nagawa. Sobra talaga akong natorpe sa kanya. Mahal ko na ba siya agad? Bakit ang bilis naman! Tinamaan ako agad. Nakakainis. Paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko na hindi ko siya mahal pero paulit ulit ding pumapasok sa isip ko ang napaka amo niyang mukha, ang singkit niyang mga mata, ang balingkinitan niyang katawan, ang maganda at mahaba niyang buhok. Paulit ulit kong nakikita sa isipan ko ang image niya! Hindi siya maalis sa isip ko. Hanggang sa makatulog ako at sa panaginip ko ay nakikita ko pa din siya! Nakakainis talaga >.<

Tama bang mahalin ko siya? (A SHORT LOVE STORY) ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon