Chapter 4 After many years

15 0 0
                                    

Tumagal kami ng napakaraming taon. Kahit na  napakaraming taon na naming nagiging magBF ay hindi mawawala ang pagaaway namin. Dumating sa punto na, pagpunta ko sa bahay nila ay hawak hawak ng mama niya ang picture ng isang lalaki. Buong akala ko ay asawa niya iyon. Pero nagtaka ako kasi ang bata pa ng itsura niya. "Siya si Gerry, ang Ex boyfriend ng anak ko, botong boto ako sa kanya. Kasi nakapagtapos siya ng kolehiyo at isa pa siyang abogado." Paunang salita ng mama niya. Sobra akong nasaktan that time. Sino ba naman kasi ang hindi masasaktan na sa harap ko pa talaga sinabi iyon ng magulang ni Ella. Pinipigil ko nalang ang luha ko. Biglang bumaba si Ella mula sa second floor ng bahay nila. "Rico. Andiyan ka na pala. Bakit hindi mo ako tinatawag? Kanina ka pa ba?" Tumalikod ako kay Ella at lumabas ng bahay nila. Hinabol niya ako. PAg dating namin sa labas ay nagtanong ako sa kanya. "Sino si Gerry?" Tanong ko. "G-gerry?" Nauutal niyang sabi. "Oo. Sino siya?" Sabi ko ulit. "A-Ahmm.. E-ex Boyfriend ko yun," Nakayuko niyang sabi. "B-bakit? M-May nasabi ba si mama sayong masama o tungkol kay Gerry?" Sabi niya sakin. Tinitigan niya ang mukha ko. Pero ako, hindi ako nakatingin sa kanya. "Hawak hawak kasi niya ang litrato ni Gerry." Sabi ko sa mahinang boses. "Patay na yun, wag mo ng intindihin yun. Ang nakaraan ay mananatiling nakaraan. Keep looking forward. Ang mahalaga ay tayo ang magkasama." Sabi niya

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 11, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tama bang mahalin ko siya? (A SHORT LOVE STORY) ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon