CHAPTER 2 2ND DAY OF SCHOOL
Kinabukasan, pag pasok sa school, sabay sabay kami ng mga kaklase ko. Atlast, nawala din siya sa isip ko nung mga times na naglalakad kami papuntang school. Nagtatawanan kami ulit. Parang wala lang nangyari. Pero, nung papasok na ako sa classroom ay siya agad ang bumungad sakin. Nginitian niya ako at syempre, nginitian ko din siya. Pero, hindi ko siya pinansin at dumiretso ako sa upuan ko. 2nd day of classes na. May groupings na nagaganap kasi may activity na. Hindi naman ako mahilig sumali sa mga activities sa school namin kaya umupo lang ako. Hindi ko akalain na kami ni Ella ang magiging mag partner. Hindi rin pala siya tumayo. Nang maghawak kamay kami ay nagtilian lahat. Bagay daw kasi kami. Pero ako, sumiryeso ang mukha ko pero deep inside, natutuwa ako. OO INAAMIN KO. Inlove na nga ako! Inlove na ako sa napakagandang babaeng partner ko at hawak ko pa ang kamay. Araw araw, sa lahat ng subjects naming ay may activities kami at siya lagi ang nagiging partner ko. Natutuwa naman ako kasi naging super close kami. Araw araw, pareparehas lang ang nagaganap. Araw araw, ganun lang ang ginagawa namin sa school. Puro oral activities pero, mas gusto ko yun kasi siya naman ang kapartner ko! Hanggang isang araw, valentines day na at inaya ko siyang manuod ng sine. Pumayag naman siya agad at sinabi niyang wag daw magsasama ng iba kong kaibigan. Natuwa naman ako kasi, sa isip-isip ko, baka gusto niyang masolo naming ang isa’t isa. Kaya hindi ko kinuwento sa mga tropa ko na magda-date kami.
BINABASA MO ANG
Tama bang mahalin ko siya? (A SHORT LOVE STORY) ON-GOING
RomanceThis is a story of a guy who loves a girl, BUT the girl doesnt appreciate it. For those who can relate, VOTE AND COMMENT. This is only a fantasy story. Para sa may mga kapangalan dito, dont ya worry, hindi po ikaw ito :) Thank you. #VOTE&&COMMENT if...