CHAPTER 3 VALENTINES DAY
Valentines day na. Nag-absent kami parehas. Nagcutting kami para mahaba haba ang date namin at para walang makakakita samin na nagda-date kami. Kumain muna kami sa restaurant at nahiya naman ako kasi siya ang nagbayad “Okay lang sige ako na magbabayad. Magsisine naman tayo eh, kung gusto mo dun kanalang bumawe” Sabi niya sakin. Natuwa naman ako sa kanya. Gusto niya talagang sulitin namin ang times na magkasama kami. Super tuwa talaga ako. Sa lahat ng oras at minuto na magkasama kami ay nakangiti lang ako. Nasa sinehan na kami, pumasok kami sa loob at ako ang nagbayad. Pag upo namin, mga ilang minuto lang ay nilalamig siya. Naka-spageti strap lang kasi siya ay maikling palda. Kaya, ang ginawa ko ay ibakbayan ko siya. Noong una ay nahihiya pa ako kasi baka sampalin niya ako at iwan sa sinehan. Pero, nilalamig siya. Kinapalan ko nalang ang mukha ko at hinanda ang sarili ko kung sasampalin man niya ako. Pero, makalipas ng isang minuto ay hindi siya umimik. Natuwa ako! Kaya niyakap ko na siya. Ginantihan niya naman ako ng yakap. Magkayakap kami hanggang sa matapos ang Movie na pinapanuod namin. Paglabas namin sa sinehan, ay hinawakan niya ang kamay ko. "Ano? Tayo na ha." Ganon ang bumungad na salita sa akin. "H-ha? Sigurado ka?" Sabi ko. "Oo naman. Tayo na ha?" Sabi niya sabay halik sa labi ko. Iyon ang pinaka-unang halik sakin ng isang napakagandang babaeng mahal ko! Napakasaya ko ng araw na iyon at swerte ko din kasi natapat pa iyon sa araw ng mga puso! Walang mapagsidlan ang aking mga ngiti! "Oo. Tayo na!" Sabi ko sa kanya.
Matapos nun ay hinatid ko siya pauwi sa kanila. Tapos ay umuwi na din ako saamin. Sobrang tuwang tuwa! Halos lahat ng taong makakasalubong ko ay nginingitian ko at binabati. Pag uwi ko ay hinalikan ko si Mama sa pisngi. "Aba? tuwang tuwa ata ang anak ko? Anong nakain mo at ngiting ngiti ka diyan?" Sabi ni mama. Hindi ko lang siya pinansin at dumiretso ako sa kwarto ko at humiga. Habang nakahiga ako ay naaalala ko na hinalikan niya ako sa pisngi. Nangingiti na naman ako. Para akong babaeng kinikilig kasi nahalikan ng BF nila. Basta, sobra talaga ang tuwa ko ng panahon na iyon! :)
BINABASA MO ANG
Tama bang mahalin ko siya? (A SHORT LOVE STORY) ON-GOING
RomanceThis is a story of a guy who loves a girl, BUT the girl doesnt appreciate it. For those who can relate, VOTE AND COMMENT. This is only a fantasy story. Para sa may mga kapangalan dito, dont ya worry, hindi po ikaw ito :) Thank you. #VOTE&&COMMENT if...