Paunang Salita

233 12 1
                                    

Naranasan mo na bang magka-crush?

Siguro at malamang na OO ang sagot mo.

Aba, kung hindi ka pa nagka-crush, malamang ay hindi ka tao. Joke.

Eh, ang mang-stalk ng Crush nagawa mo na ba?

Magpapansin at umasang papansinin ka ng Crush mo?

Ang tingnan na lang sa malayuan ang Crush mo?

Ang ma-broken hearted ng dahil lang sa Crush mo?

Kung naranasan mo na ang lahat ng yan. Well, Congrats! Dahil para sa iyo ang likhang ito.

.........

Kung minsan andami dami nating tanong sa utak natin pero hindi naman natin masagot-sagot. Lalo na kapag tungkol ito sa crush natin.

Kagaya na lang ng mga tanong na:

• Crush nya rin kaya ako?

• May pag-asa kaya ako sa kanya?

• Hanggang kalian ba ako aasa at masasaktan?

• Kailan nya kaya ako mapapansin?

• Bagay kaya kami?

Hayyy...Huwag ng umasa. Masasaktan ka lang.

......

Minsan ang pagkakaroon ng Crush ay parang pagtaya ng lotto. Walang kasiguraduhan kung masusuklian din ba ang mga efforts mo. Walang kasiguraduhan kung panalo kaba o talo.

Para rin itong pagbibigay ng regalo sa isang tao. Dapat hindi ka nag-aasam ng kapalit.

Ang pagkaka-crush kasi ay parang isang sugal. Iyong tipong alam mong wala ka naming karapatan. Dahil​ wala ka namang pinanghahawakan pero patuloy ka pa ring umaasa. Kahit pa alam mo na in the end ay pwedeng masaktan ka.

Minsan sadyang nakakapagtaka talaga ang Cycle ng pag-ibig.

Kasi diba, kapag may mahal ka, hindi ka naman mahal. At kapag may nagmamahal naman sayo hindi mo naman mahal.

Kaloka diba?

Kaya sabi ko kanina para itong sugal. Kailangan mong itaya ang lahat kahit walang kasiguraduhan ang pagkapanalo mo. Parang sa Crush, kahit alam mo na malabong mapansin ka nya, patuloy ka pa ring umaasa.

Nakapagtataka talaga kung bakit naimbento pa ang salitang Crush. At kung bakit marami ang nasasawi sa pag-ibig dahil lang sa Crush. Hay.

.............................

A/N: By the way, hindi po ito story. Mga tips, advices at random facts po ito about Crush.

Ang ilan sa mga nandito ay base sa mga nabasa ko, ilan sa mga hugot lines at random facts about Crush na alam ko. But mostly ay galing sa napakalalim na hugot ng may akda. Base in own experience kumbaga. Hope you'll enjoy this.

Gusto ko lang pong i-share iyong alam ko. Okay lang po kung walang magbabasa pero sana po meron.  Wala po sanang samaan ng loob. And again, opinion ko lang po ang mga ito, wag po sana ninyo akong kamuhian if ever may mga tips o advices o facts na hindi tumutugma sa inyo. Iba-iba naman po kasi tayo ng experience.

Iyon lang po. Salamat. God Bless.

-lish

Date Started: May 29, 2015

All About CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon