A/N: Sa mga nag-add nito sa reading list nila, Salamat po. :)
Uulitin ko lang po, facts, tips and advices lang po ito. Wala pong story. Pero pwede din naman pong lagyan ko if ever na merong may gusto.
Inspired ako sa Lizquen ngayon eh, dahil sa bago nilang palabas na Everyday, I love you ata? October 28, 2015. Sabay-sabay po tayong pumunta at manood! Salamat. :)
___________________
What is Crush?
Isang katanungan para sa lahat.
Paghanga. Iyan naman ang madalas nating sagot sa tanong na yan.
Madalas sinasabi na nakakaramdam lang daw tayo ng paghanga sa isang tao kapag nasa teenage stage na tayo ng ating buhay which is para sa akin ay hindi naman.
Kahit naman kasi noong mga bata pa tayo eh nagkaka-crush na tayo. Hindi lang siguro natin gaanong nabibigyan pansin dahil masyado pa tayong bata.
O kaya naman ay hindi pa ganoon kalalim kasi yong pagahanga mo sa isang tao kapag bata ka pa ay 'yong tipong, physical appearancce lang ang basehan mo o kaya naman ay sya kasi ang palaging kasama mo.
Unlike kapag mga binata at dalaga na tayo, halos sa kanila na umiikot ang ating mundo, kulang na nga ang salitang CRUSH para i-describe ang klase ng paghanga na nararamdaman mo towards your crush.
Ang paghanga sa isang tao ay natural lang. Dahil Hindi ka tao kapag di ka nakakaramdam nito.
Ang totoo nyan, may iba't-ibang depinisyon ng crush. Pero ito ang napili ko.
Ayon sa Merriam Webster.
- strong feeling of romantic love for someone that is usually not expressed and does not last a long time.
Bakit ito ang ginamit ko? Kasi, swak na swak sa ideyang gusto kong i-share.
Well, tama naman si Merriam-Webster. Maaari nga naman kasi na ang Crush ay iyong unexpressed feeling at minsan ay Hindi ito nagtatagal. Syempre, dahil nahihiya ka kay Crush kaya naman ay hndi mo ito masabi sa kanya--hanggang kay Friend na lang--at si Friend na lang ang bahalang magsabi kay Crush. Hahaha.
But then for me parang hindi naman. I'm totally against it. Why?
Simply because, in my 16 years of existence. May mga naging crush ako na na-expressed ko naman yong feelings ko at matagal ko din silang naging crush.
Yah! Oo, minsan may mga times na panandalian lang ang paghanga natin. Pero madalas, tayo kapag nagkaka-crush ay matagal. Minsan nga hirap pa tayo mag-move-on.
Para sa akin kasi may dalawang uri ng Crush.
Una ay yong Crush na as in Crush lang talaga. As in paghanga, pwedeng humahanga ka sa kanya kasi ang ganda nya o ang gwapo nya o ang yaman nya o kaya naman ay ang gara nyang manamit, ang cute nya, ang talino nya, ang lakas ng daring, ma-appeal, o kaya ay Crush kasi sya ng bayan kaya nakikigaya ka na lang din.
As in iyong batayan mo lang ay iyong Physical Appearance nya at 'yong estado ng buhay nya. As in literal na paghanga lang, wala ng iba pang meaning.
Ang pangalawa naman ay yong may halo ng pag-ibig. Iyong di na lang simpleng paghanga lang. Di mo na lang sya basta-bastang pinupuri o hinahangaan. Hindi na ang Physical Appearance ang batayan mo. Kundi lahat na lang ng galaw nya ay hinahangan mo.
Iyong tipong kahit hindi naman sya ganoon kaganda o kagwapo eh, gandang ganda o gwapong-gwapo ka sa kanya.
Yong tipong kung maka-stalk ka wagas. I-a-add mo lahat ng account na meron sya--mapa-fb, twitter, instagram, o kung may wattpad pa nga ay baka pati iyon i-follow o i-add mo, makakuha lang ng source of information.
Iyong aalamin mo lahat ng tungkol sa kanya. Mga paborito nya, mga gusto nya, address ng bahay, cellphone no., fb account at lahat ng account na meron sya.
At syempre, aalamin mo rin mga ayaw nya para maiwasan mong gawin kapag andyan sya.
Tapos kahit ayaw mo noon sa isang bagay, basta gusto ni Crush, gusto mo na din. Para kunwari compatible kayo.
Iyong tipong kakaibigan mo rin mga kaibigan nya, makahanap lang ng source of information.
At higit sa lahat, aalamin mo kung sino ang crush ng crush mo. Tapos kahit pa wala namang ginagawa yong babae o lalaki sayo eehh i-ba-bush mo na.
I-i-stalk mo din si girl at pagkatapos sasabihin mo pa. "Tsk. San banda ang kagandagan nyan, eeh mas maganda pa ako dyan eeh."
O kaya ipapakita mo sa kaibigan mo 'yong picture ni girl at magtatanong ka kung maganda ba?
Kapag sumagot ng OO si Friend may batok at FO na kayo. Haha. Pero syempre, pandidilatan mo ng mata 'yon, tatakutin mo para sabihing HINDI! "Hindi naman maganda, mas maganda ka pa".
Oh, diba? Bakit ba? Bitter ka eh!
Tapos araw-araw may update ka sa girl, aalamin mo kung ano ba ginagawa nun araw-araw.
O kung dumadamoves din ba yon sa Crush mo.
Kulang na lang kumuha ka na ng Imbestigador, aalamin mo lahat para malaman mo kung ano bang nagustuhan ni Crush doon sa girl.
Gagawin at sasabihin mo na lahat ng panlalait doon sa Crush ng Crush mo. Dahil kahit pa wala namang kayo! Feeling mo ang laki ng karapatan mo dahil Crush mo sya.
............
Pero siguro nga, tama rin si Merriam Mebster. Bakit? Kasi diba ang sabi nila na ang pagkaka-crush daw sa isang tao ay dapat hanggang 4 months lang. Four months ang ikli lang nun. Pero ganoon talaga. Crush only last for four months.
Meaning, kapag lagpas 4 months na at crush mo pa din sya. Ay ateng! di na lang simpleng crush yan. Love na yan. One sided Love.
Well, next chapter ko na lang i-di-discuss yong One Sided love. Mahaba yon. Maraming hugot ang akda sa Pesteng One Sided Love na 'yan.
................
Crush?
Si Crush ba ang tinutukoy mo Otor?
Si Crush na Hindi naman ako kilala.
Si Crush na hanggang tingin lang ako.
Si Crush na Hindi alam na nag-e-exist pala ang isang tulad ko.
Si Crush na nagpapakilig sakin ng Hindi nya namamalayan.
Si Crush na inspirasyon ko sa araw-araw.
Si Crush na may iba namang Gusto.
Si Crush na manhid at walang pakialam sa isang tulad ko.
Minsan nakakapagtaka. Bakit kaya ang misteryoso ng pag-ibig.
Bakit ba kasi kailangan nating mahalin 'yong tao na kahit kailan ay Hindi naman tayo mapapansin?
Bakit kasi hindi na lang maging sya at ako. I mean, tayo.
Siguro minsan, parang gusto mo ng sukuan si Crush kaso hindi mo magawa. Kasi iyong pasaway mong puso, eh hindi na lang basta paghanga ang nararamdaman. Dahil taon na rin ang binilang magmula ng sya ay iyong nagustuhan.
Minsan kasi kahit pa ilang beses pa tayong masaktan nang dahil sa kanya. Mas nangingibabawa pa rin ang katotohanang mahal mo na sya.
Kaya naman kahit sobrang sakit na. Patuloy ka pa ring umaasa. At nakukuntento na lang sa pagsulyap sulyap sa kanya.
_______________________-Aisha
-Lish
10/20/15
BINABASA MO ANG
All About Crush
RandomNaranasan mo na bang magka-crush? Siguro naman, Oo ang sagot mo. Halos lahat naman kasi ng tao, naranasan ng magka-crush diba? So, here's my little advices for CRUSH.