ONE SIDED LOVE
Sabi nila, kapag more than Four Months mo na raw Crush ang taong Crush mo. Hindi na lang daw simpleng Crush yon. Dahil ang mapait na katotohanan, Mahal mo na sya.
At ang masakit pa doon? Ikaw lang ang nagmamahal sa kanya. At siya? Nopaks! Walang paki! Kasi busy din sya sa pagpapapansin sa taong gusto nya, may mahal na kasi siyang iba, Hindi ka kasi niya kilala.
Yah! Siguro kilala ka nga niya pero Hindi naman kayo close O kaya naman ay wala lang talaga syang pakialam sa mga pag-ibig, pag-ibig na yan. In short, manhid sya. Napakadakilang Manhid. Ang sarap patayuan ng Monumento sa Rizal Park.
But then, ano nga ba talaga ang meaning ng One Sided Love?
Well, for me One sided love means One Sided Love.
As in, NOT the feeling is mutual. Walang Mutual Feelings na namumuo sa inyo. Taliwas ito ng Salitang MU.
Kasi bukod sa pwedeng di ka nya kilala, di kayo close or worst di ka kasi nag-e-exist sa mundo nya. You're just a nobody to him or to her.
Iyong tipong ikaw lang ang nagmamahal. Ikaw lang ang nag-e-effort. Ikaw lang ang nakakadama ng spark between you and him/her na sinasabi mo. At higit sa lahat...Ikaw lang ang NASASAKTAN.
Ang one sided love ay iyong tipong ikaw hulog na hulog na sa kanya. Pero sya? Ni hindi man lang napapansin ang existence mo.
Iyong tipong ikaw lang ang nakakadama ng kilig sa tuwing magtatagpo ang mga landas nyo. Ikaw lang ang may gusto na araw-araw ay magkita kayo. Ikaw lang ang... Oo, puro Ikaw lang talaga. Walang siya at mas lalong walang KAYO!
Kung meron man siyang part sa sinasabi mong One Sided Love na yan. Iyon siguro ay ang katotohanan na siya ang minahal mo at siya ang nagiging dahilan ng madalas na pagsakit ng dibdib mo.
..............
Madalas na nararanasan natin ang One Sided Love kapag ka nagka-crush tayo sa isang tao sa loob ng matagal na panahon. What I mean is, mahal mo na siya pero siya?
Well, dalawa lang yan, it's either:
• Hindi ka nya kilala kaya wala siyang paki sa'yo
• Okaya naman ay kilala mo sya, close pa nga kayo. KASI BESTFRIENDS kayong dalawa.Oo, tama! Friends lang kayo.
Kasi dalawa lang din yan eh, kung bakit friends lang kayo.
• It's either, may mahal siyang iba
• o kaya naman ay manhid lang talaga siya.Madalas na nauuwi ang One Sided Love sa dalawa lang din..
• Friendzoned (Kapag close kayo)
• O kaya pagka-broken ng heart mo ( kapag no paks sya sa'yo at sa feelings mo).Masakit diba? Oo, masakit talaga. Ganoon talaga eh. Don't worry may reason naman ang lahat.
Malay mo, mas better pa pala kaysa sa Current Manhid Crush mo ang taong nilaan ng Lord para sa'yo.
Just learn to wait. Don't worry, love will come to your life in it's perfect time. Sa Tamang Panahon ika nga ni Lola ni Dora.
Learn not to chase love, let love chase you instead. Just be happy. Don't get envy of those people with their jowa having fun and making a scene like PDA kasi mag-bi-break din ang mga yan. Chos.
Always remember na mayroon naman talagang Forever. Kailangan mo lang talagang matutong maghintay.
Hayaan mo at mino-mold na ng Lord ang taong nakalaan sa'yo. Tapos magugulat ka na lang isang araw, nasa buhay mo na siya. :). Hahahahaha.
#MayForever
#GodismyFOREVER
--------------
2/1/16
BINABASA MO ANG
All About Crush
RandomNaranasan mo na bang magka-crush? Siguro naman, Oo ang sagot mo. Halos lahat naman kasi ng tao, naranasan ng magka-crush diba? So, here's my little advices for CRUSH.