Gabi na at tulog na rin si Rojie. Kaya naisipan kong pumunta muna sa likuran ng bahay dahil maganda doon mag moment. Bukod na maganda ang view dahil sa mga halaman at Christmas lights sa paligid. Makikita mo din ang napakagandang kalangitan.
Pag punta ko nakita ko si Jieya na umiinom ng soju. Aalis na sana ako ng bigla siyang nag salita.
"Gusto mo ba akong samahan? " Tanong nya na nakalingon na sa akin ngayon. Pagkalapit ko sinenyasan nya akong umupo sa tabi niya at inabutan ako ng baso na may lamang soju. Pag inom ko non naupo na ako sa tabi niya.
"Thank you ha."
"Bakit ka nagpapasalamat? "
"Kase andiyan ka para sa amin ni Rojie. "
"Wala yun at tsaka trabaho ko din to."
Ngumiti siya at napabuntong hininga."Lately kase di ko maintindihan ang sarili ko ang dami kaseng nangyare. Sabi ng boss ko may mga tatanggalin daw sa kumpanya. Kaya ginawa ko ang best ko para di ako matanggal kaso natanggal pa din ako. Feeling ko tuloy napakawalang kwenta ko. Kailangan na kailangan ko pa naman ng pera para sa pang opera ni Rojie." Malungkot niyang kwento, nalungkot din ako pero gumawa pa rin ako ng paraan para mabago yung atmosphere namin.
"Ano ka ba. Wag mong isipin na wala kang kwenta. Proud na proud kaya sayo si Rojie at tsaka natanggal ka man sa work mo, malay mo may magandang opportunity na dumating kase sabi nga nila kapag may nawala may darating at yung darating mas magandang opportunity yun. " Napangiti siya sa sinabi ko.
"Kung marunong kang mag bake, subukan mo kayang gumawa ng mga cupcakes. Don't worry ako ang una mong customer kapag nag business ka."
"Talaga? " Kung kaninang malungkot ngayon parang nagliwanag bigla ang mata nya sa tuwa.
"Oo naman! At tsaka matakaw ako di lang halata sa katawan ko. Sabi rin nila kapag ang una mong buwena mano sa negosyong pagkain dapat yung matakaw para mabilis maubos ang pagkaing binebenta mo. In short magaan ang negosyo kapag matakaw ang una mong customer. "
"Ahh ganon pala yun. "
"Tutulong din ako sa pagbenta. "
"Talaga?!"
"Oo naman."
"basta para sa crush ko.. " bulong ko sa sarili ko.
"Ha? may sinasabi ka?"
"Wala sabi ko basta ikaw. " Ngumiti sya ng malapad at bigla niya naman akong niyakap.
"Thank you! thank youu so much! "
Uyyy! bat ka ganyan? kinikilig ako!
Pagkakalas niya sa pagkakayap sa akin biglang nagkaroon ng fireworks ang kalangitan. Kaya napunta ang atensyon namin sa fireworks.
"Ang gandaaaaa!! " Masaya nyang wika. Napatingin din ako sa fireworks at sa kanya.
"Oo nga ang ganda. " Sabi ko habang nakatitig sa kanya di ko naman inaasahan ang paglingon niya. Kaya bigla kong binaleng ang atensyon ko sa mga fireworks.
"OO GRABE ANG GANDA! SA SOBRANG GANDA NETO HANGGANG SA PANAGINIP KO MAIISIP KO PA RIN ANG KAGANDAHAN NG MGA FIREWORKS NA TO!" narinig ko naman ang mahina nyang tawa.
"Pero alam mo nung bata ako lagi akong naghihintay ng mga fireworks. Sobrang saya ko non kapag nakakakita ako ng mga fireworks lalo na't yun ang mga panahon na kasama ko pa sila Tita at Tito kumpleto pa kami non."
BINABASA MO ANG
A NANNY MAN
FanficIsang lalaking hardworking na lahat pinapasok na trabaho para sa tatay niyang may saket at para mahanap ang kaniyang Ina na iniwan siya nung bata pa siya. At sa hindi inaasahan na pangyayare nakilala ni "Morpheus" or A.K.A "Tuto" ang batang si Roji...