Chapter 29: Temporary

445 4 1
                                    

"Ano bang ginagawa mo? Akala ko ba we have to keep this slow?" tanong ko agad kay Lucas nang tahimik kaming makapunta dito sa balcony. May mahabang pulang curtain naman na nakatakip doon kaya malaya kaming makakapag-usap nang walang nakakakita.

Nakatitig lang si Lucas sa akin habang nakatayo mismo malapit sa mahabang kurtina habang ako naman ay nandito malapit sa railings ng balkonahe.

"Ano?" sabi ko na naiinip na at hindi makapaghintay sa isasagot niya sakin.

It seems like he doesn't care about it. Parang ako lang naman ang nagbi-big deal ng mga bagay na ito.

He sighed and then he slowly walked the distance between us. Napaatras ako nang konti dahil doon. Masyado akong na i-intimidate sa paraan ng pagtingin niya sa akin ngayon. His eyes was staring right through me like a solid mirror. Hindi ko tuloy napigilan at iniwas ang tingin sa kanya.

"Bakit hindi ka sumasagot?" tanong ko at napahigpit ang hawak sa purse ko.

Marahan akong napasandal sa malamig na bakal ng railings habang siya naman ay dahan-dahan pang ipinatong ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ko. He was cornering me like I'm the one that should be questioned and not him. Madilim dito sa labas at ang tanging nagbibigay ilaw lang ay ang sinag ng buwan. Nadedepina ng ilaw na 'yon ang kalahating parte ng kanyang mukha kung saan mapapansin ang tangos ng kanyang ilong, katamtamang haba ng kanyang pilik mata na gumagalaw pa sa tuwing pinagmamasdan ang ibang parte ng mukha ko at ang kanyang panga na naninigas pa na parang galit sa hindi malamang dahilan.

Is he trying to seduce me to avoid my interrogation or something?

Napalunok ako at naglakas loob na tignan siya ulit nang diretso at nagtanong ulit. "Answer my question, Lucas."

I saw his jaw clenched as he leaned more to level his height on mine. "I said slow, Portia. What we are doing is not even slow. It's a fucking...non-progressive thing."

Napakunot ang noo ko dahil sa nahimigang inis sa boses niya. Kahit sobrang lamig non ay nagawa ko paring mapansin ang inis sa tono ng pananalita niya.

"N—Non-progressive? What's that even mean?" naguguluhang tanong ko.

He didn't responded. Instead, he slightly licked his lower lip as he closed his eyes. Napayuko pa siya na parang hindi niya nagustuhan ang tanong ko sa kanya. Nakatingin lang ako sa buhok niya dahil hindi parin niya inaangat ang ulo.

"Portia..." narinig kong bulong niya na mukhang hindi alam kung anong sasabihin.

"Oh?" mahinang tugon ko naman.

Inanggat niya ang tingin sa akin. Maamo na ang kanyang mga tingin ngayon.

"Am I just a fling?" tanong niya sa mahinang boses.

Napakunot ang noo ko sa tanong niya.

"What? A—Anong..." sa sobrang gulat ko at hindi inasahan ang tanong niya ay hindi ko tuloy alam kung anong sasabihin.

Inalis niya ang pagkakahawak sa railings at nakatayo na ngayon nang maayos sa harap ko. Ako naman ay medyo nakahinga nang maluwag sa ginawa niya. "It's been months and we are still like this..."

Hindi siya makatingin sa akin nang diretso habang sinasabi iyon.

"Is this even serious? Are you serious? Cause I am." aniya habang napakamot sa sariling batok.

Napalunok ako matapos niyang sabihin ang mga huling salitang binitawan. "Of course, I am."

"Oh, yeah? Then, why do I feel like...this is not serious?" hinaing niya na mukhang ilang buwan narin niyang gustong sabihin.

Sovereignty of her Wildest RideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon