"PST, pwede pa abot kay Lesmey mamaya?"Napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko. Kinuha ko ang ibinigay niyang sobre na nag-lalaman nanaman siguro ng isang love letter. Kasalukuyan akong nag-liligpit ng lumapit siya sa akin at inabot ang sobre.
"Napaka-torpe mo talaga, pareng Jury!" Tumawa ang kaibigan nitong lalaki pagkatapos siyang tapikin sa balikat.
"Tanga, eto lang way ko para makausap siya." Ngisi naman ni Jury.
Tumayo na ako sa upuan at lalabas na sana ng bigla ulit akong tawagin ng lalaki.
"Pag tinanong niya kung sino nag papabigay, huwag mong sabihing ako, ah?" Pahabol niya pa. Bumuntong hininga ako saka nag lakad papalabas ng room.
Sanay na akong taga abot ng mga love letter sa buong campus. Nakakatawa mang sabihin pero para akong cupid na nagiging daan nila para mag katuluyan.
Wala naman akong magagawa kung ipapaabot talaga nila. Dahil sa marami akong kakilala dito sa school, minsan sa akin nalang nila ibinibigay ang mga kung ano-ano mang sulat.
Kahit na hindi naka-sobre, sulat sa one-fourth, lengthwise, crosswise, one-whole, sa bond paper o kahit nga sa index card. Minsan nababasa ko 'yung mga sulat nila dahil hindi ko naman maiiwasan 'yon. Pero kahit na ganun, hindi ako nag kainteres na gumawa ng ganoong bagay.
Hindi ko pa nararanasang makatanggap ng love letter at hindi ko na rin naman papangarapin. Mahirap na baka magulo pa buhay ko.
Papaalis na ako ng building namin ng mapansin ko ang tirik na araw. Nilahad ko ang kamay ko sa hindi malilim na parte ng building at ganon na lang ang gulat ko ng mapansin mainit 'yon. Hindi naman ganito dati ang init sa school. Nakita ko rin ang iba na may mga dalang payong at panyo. Ang iba naman ay kahit na nasa malilim na parte na ang pinagpapawisan pa rin.
Papaano ko maibibigay 'tong love letter na 'to ngayon. Malayo pa naman ang building ng SPS sa regular sections. Tinitigan ko ang love letter na hawak. Kulay pink ito na may sticker na puso sa gilid ng sobre. Napakunot ang noo ko sa sagwa ng hitsura nito.
Tumakbo na ako sa initan kahit na tumatama ang init sa balat ko ay hindi ako nag patigil. Nang makarating na sa building ng SPS ay hinanap ko agad ang nag ngangalang Lesmey.
"Oy! Lesmey! May love letter ka." Sabi ng babaeng sumalubong sa akin sa harap ng pintuan ng room nila.
Narinig ko ang malakas na hiyawan at pangungutya ng mga kaklase nila. Sinabi nung Lesmey na tumahimik sila pero hindi naman ito nakinig sa kaniya.
"Kanino galing?" Tanong niya.
"Hindi ko kilala. Pinaabot lang sa akin." Pagsisinungaling ko.
Tumango-tango naman ito sa akin at nag pasalamat bago ako umalis. Pero paalis na sana ako, nang marinig kong may tumawag sa akin.
"Dani!"
Nilingon ko ang tumawag sa akin. Nakita ko si Reece na tumatakbo papalapit sa gawi ko.
"Pupunta kana ng practice sa tennis?" Tanong nito sa akin.
"Oo, sana."
"Nice, sabay nalang tayo!"
"Mainit, eh. Maya-maya." Akala ko ay tatahimik na siya ng bigla niyang inilabas ang payong sa bag niya.
"Eto oh, may payong ako." Iniabot niya ito sa akin.
Hindi pa sana ako sasama sa kaniya pero mapilit siya kaya ginamit namin ang payong niya para makapunta sa tennis club.
"NICE one, Santarde!" Rinig kong sigaw ng coach. Nakarinig din ako ng malakas na pito habang nag sisintas ako ng sapatos.
Kasalukuyan kaming nanunuod muna ng mga nag lalabang seniors. Hawak ko ang raketa ko at taimtim na pinapanuod ang bawat pag sasalba nila sa tennis ball.
YOU ARE READING
Trapped In Nowhere
Teen FictionDaniela Hineda called as 'Dani' is an student from Arvius High School. She's just an ordinary student living with her single mother. She didn't ask for anything else but to help his mother and finish her education. But everything changed when she la...