CHAPTER II
DALAWANG araw o tatlong araw na ang nakalipas noong na hospital ako. Pag-uwi ko dito sa bahay nila ay maraming sumalubong na kasambahay non sa amin. Kasama ang mayordoma at mga hardinero at driver.
Hindi ko alam kung paano akong nakatagal sa lugar na 'to ng dalawang araw. Basta palagi lang ako inaasikaso ni Mama pati na rin ng ibang maids at si Margo.
Tinatawag ko na sila ni Edith sa pangalan nila dahil ang hirap nilang i-address as 'Doctorang babae' at 'Babaeng naka head-phone'. Palagi ring nakatambay si Edith dito sa kwarto ko na para bang close na close kami.
"Hey, are you feeling crazy again?"
Katulad ngayon, nandito siya sa kwarto na nakalaan para sa akin. Ginugulo niya ako at kung ano-ano ang mga pinagsasasabi niya na hindi ko naman maintindihan kahit na tagalog o english.
"Are you listening?" winagayway niya pa ang kamay niya sa harap ng mukha ko.
Iniwas ko ang mukha ko sa kaniya at napatingin sa bintana.
"Kitz chatted me last night saying she wants to know if you're okay na. You're not answering your phone daw." aniya habang nakadapa at nag cecellphone.
"Sinong Kitz?" takang tanong ko.
Napataas ang kilay niya.
"You don't remember your friends either?"
Umiling ako. Napapaling ang ulo niya mula sa pagkakadapa at tumayo. "I know what can make you remember everything." yumuko siya sa ilalim ng kama ko at may hinatak na box sa ilalim.
Paghatak niya sa box, lumantad ang mga gummy worms, marshmallow, chips, gummy bears, brownies, at huli kong nakita ang chocolates. Parang nag liwanag ang mukha ko sa nakita ko. Narinig kong bumingisngis si Edith kaya mapatingin ako sa kaniya.
Humatak siya ng isang monoblock na upuan at umupo siya sa upuan ng nasa harapan ang likod. Bale nasa harap ko ang sandalan ng monoblock at komportable siyang nakaupo dito habang ang dalawang braso ay nakalagay sa tuktok ng sandalan ng upuan.
"Mukhang type mo kainin ang mga pagkain galing sa mga manliligaw mo, ah?" nakangising aniya.
The fuck?
Nilingon ko siya ng may pagtataka. Ako may manliligaw? Seryoso?
"What? Bumalik na ba ang memoriya mo?" nakangisi pa rin siya. Kinuha niya ang isang balot ng chocolate na nasa gitna at binuksan ito. "Sige na kainin mo na 'yan."
"Hindi naman sa akin 'to."
"Sa 'yo na 'yan dahil binigay na ng mga manliligaw mo."
Napakurap naman ako habang nakakunot ang noo. Pakiramdam ko ay pinag-ttripan niya lamang ako. Alam ko sa sarili ko na kahit isang tao walang nanligaw sa akin. Mula Elementary hanggang Highschool wala talaga.
Wala nga ring umamin sa akin na may crush sa akin, e.
"Ikaw nalang kumain niyan." umikot ako ng pwesto ng higaan. Humarap ako sa may bandang pa bintana upang tignan ang tanawin sa labas.
Maganda ang labas ng bahay lalo na at may balcony ang kwarto ko. Ayoko nga lang pumunta sa balcony dahil baka itulak ako ni Edith.
Mahirap na.
Puno ng mga bulaklak ang lugar sa ibaba. Sa may bandang parte kasi ng kwarto ko ay paglabas sa balcony, makikita mo dito ang isang mapunong parte na side ng bahay. Pero maganda ang view nito lalo na kung sunset o sunrise dahil sa may dalawang bundok na magkatabi. Sa gitna non ay doon bumababa ang araw.
YOU ARE READING
Trapped In Nowhere
Teen FictionDaniela Hineda called as 'Dani' is an student from Arvius High School. She's just an ordinary student living with her single mother. She didn't ask for anything else but to help his mother and finish her education. But everything changed when she la...