CHAPTER I
"IS she gonna be okay?" may narinig akong boses pero hindi ko mawari kung saan. Dilim lang ang nakikita ko pero pamilyar ang boses ng nag salita na 'yon.
"I don't know, mom. Let's just wait for her to wake up. Dr. Gilbert said that she'll be okay by now. " nakarinig rin ako ng mga yabag ng paa papaalis.
Maya-maya pa ay nagising ako sa sinag ng araw. Napadilat ako sabay ng pagbangon pero bigla na lang sumakit ang ulo ko kaya napahawak ako dito. Uminda ako ng kaunti dahil sa sakit. Napatingin ako sa paligid at nag taka kung nasaan ako.
Sa paglilibot ng paningin, nakita ko ang isang babae na nag babasa ng libro habang may nakapatong na laptop sa hita. Nakataas ang nakakrus na paa habang may pinipindot sa laptop sabay titingin sa libro. Nakasuot siya ng headphone habang parang may pinapakinggan na tugtog dahil sa pag indak ng kaniyang ulo.
"Uhm, excuse me?" tawag pansin ko rito.
Napalingon sa akin ang babae, napatitig siya sa akin ng ilang segundo hanggang sa manlaki ang mga mata niya at tanggalin ang headphone sa ulo niya.
"Holy shit! Agnes, gising kana!"
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Agnes? Hindi naman 'yon ang pangalan ko. At sino siya?
"H-Hindi ako si Ag-"
"Wait! Tatawagin ko si Ate. Just wait here!" sinenyasan pa ako ng babae na mag hintay lang. Ibinaba niya ang laptop at libro sa lamesa habang ang headphone ay nakalagay sa leeg niya.
Tumakbo siya papalabas ng kwartong pinagtutuluyan ko. Napalingon ako sa paligid, paniguradong nasa hospital ako. Bigla ko nalang na alala na naaksidente nga pala ako. Kung paano nangyari iyon ay wala akong alam. Sinubukan kong gumalaw pero sumakit lang ang ulo ko kaya napahawak ulit ako rito.
Bumaba ako ng hospital bed para sana tawagin si Mama. Naaksidente ako kaya siguro naman ay umuwi siya saglit para tignan ang kalagayan ko. Napalingon ako noong biglang bumukas ang pintuan at bumungad sa akin ang isa pang babae na mukhang nasa mid 20s.
Gulat itong nakatingin sa akin at agad akong nilapitan para itanong kung ano masakit sa akin. Naka suot ito ng longsleeve sa loob at black slacks na sinapawan ng white gown, kaya siguro siya nandito ay dahil isa siya sa mga doctor dito.
"Nasaan ho si Mama?"
"Why did you leave your bed? You should rest. Go back, come on. Mamaya pa ang dating nila Mom."
Sinunod ko naman ang sinabi niya kahit na nag tataka ako kung bakit makapag utos siya parang close kami.
"Does your head still hurts?" tumango ako sa sinabi niya. Nakita ko ang pag-aalala sa mga mata niya.
"Just rest for a bit, Agnes. I'm sure your pain will be gone in no time." hinawakan niya ako sa mukha at ngumiti. Narinig ko nanaman ulit ang pangalan na Agnes.
Nag-aalinlangan akong mag salita. "Sino hong Agnes ba ang tinutukoy niyo?"
Natigilan ang babae at napalitan ng pagtataka at pag-aalala ang hitsura niya. "Y-You don't remember yourself?"
Napaisip ako kung may hindi ba ako naaalala sa sarili ko.
"Me? D-Do you... remember me?" tinuro niya ang sarili niya.
Napakunot ang noo ko. Hindi ba doctor lang siya dito sa hospital? Paano ko naman siya makikilala agad.
Umiling nalang ako bilang tugon. Namutla ang mukha ng babae at napahawak sa kamay ko.
YOU ARE READING
Trapped In Nowhere
Teen FictionDaniela Hineda called as 'Dani' is an student from Arvius High School. She's just an ordinary student living with her single mother. She didn't ask for anything else but to help his mother and finish her education. But everything changed when she la...