Kabanata 2

31.1K 437 55
                                    

Kabanata 2

Margarette

"Manang, anong oras ho kaya babalik si Kuya Toti? Baka ma-late ho kasi ako sa duty ko," nag-aalala kong tanong sa kasambahay habang nakatayo sa labas ng bahay.

"Naku, Marga. Mukhang mga isang oras pa 'yon. Nasa talyer raw at na-flat habang pauwi."

Napakamot ako ng sintido. Ang hirap pa namang sumakay kapag ganitong rush hour. Dapat pala inagahan ko na lang. Lagot ako nito. Ang taray pa naman ng head nurse sa Emergency room kung saan ako naka-duty.

I sighed. "Sige ho pala, manang. Pakisabi ho na magko-commute na lang ako."

"Oh, sige. Mag-ingat ka ha?" paalala niya.

I nodded before I waved her goodbye. Dala ang bag ko at suot ang aking student nurse uniform ay lumabas ako ng malaking gate. Nilakad ko mula sa bahay patungo sa guard house ng subdivision, ngunit bago pa man ako nakalampas sa guard house ay narinig ko na ang ugong ng sasakyang paparating.

The black 4x4 took a halt. The driver even rolled the window down, at kahit naman hindi ko pa makita ang naka-sunglasses nitong driver ay alam ko na kung kanino ang sasakyang iyon.

"Why the fuck are you walking? Nasaan si kuya Toti?" Righael asked. Sumilip pa ang girlfriend niyang nasa shotgun seat at inirapan ako.

Sandali akong lumunok matapos tarayan ng girlfriend ni Rig. "Uhm, nasa talyer daw, eh. Na-flat-an 'yong family car."

"Anong oras ang duty mo at ang lakas ng loob mong mag-abang ng masasakyan kung kailan rush hour?"

"Eight pa naman. Eight fifteen," I answered.

Rig sighed then went silent for a few seconds as if he was thinking. Maya-maya ay bumuntonghininga siya, mas malalim na bago bumaba ng sasakyan at binuksan ang pinto sa likod.

"Hop in," he said in a cold way.

Napakunot ako ng noo. "Huh?"

His jaw clenched a bit as if he's getting annoyed with me. "I said get in the goddamn car, Margarette."

Lalo lamang nalukot ang aking noo. "B-Bakit?" I pointed the guard house. "Malapit naman na ako sa labas. Pwede na akong mag-abang ng taxi o jeep papunta ng ospital."

"Oh, come on, Rig. She doesn't wanna get a ride. Just let her be! Hindi 'yong paimportante pa," mataray na sabi ng girlfriend ni Rig saka ako inirapan.

Rig's jaw clenched. Tila naiirita niyang isinarang muli ang pinto ng kotse saka pumasok sa driver seat. Maya-maya ay humarurot na ang sasakyan paalis kaya napabuntonghininga na lamang ako.

Ano pa bang bago sa init ng ulo ni Rig sa akin? Eh, sa tuwing nakikita naman ako no'n ay parang pasan niya palagi ang lahat ng problema sa mundo.

I swallowed the pool of saliva in my mouth then continued walking. Nag-hi pa ako sa gwardya saka na lumabas ng subdivision para mag-abang ng masasakyan, ngunit higit bente menutos na yata ako roon ay wala talaga akong ma-para.

I checked my watch. Kapag hindi pa talaga ako nakasakay within ten minutes ay siguradong mali-late na ako. I'm getting more and more anxious. Panay na ang silip ko sa aking wrist watch, at dahil sa katitingin sa relos ay hindi ko kaagad napansin ang pagtigil ng pamilyar na kotse sa aking tapat.

Rig went out of the car and walked towards me. Natulala lamang ako sa kanya at halos hindi nakakibo kaagad nang hawakan niya ako sa braso para hatakin. Halos ipagtulakan pa ako papasok ng kotse. He even held my freaking waist just to force me to get in dahil may kataasan ang sasakyan.

Everything happened so fast. Namalayan ko na lamang ang sariling nakatitig kay Rig habang nakaawang ang aking mga labi. Tumingin din siya sa akin matapos maikabit ang kanyang seatbelt, at nang makita ang aking itsura ay tila naiinis siyang bumuntonghininga.

"Mali-late ka ba talaga, o ano?" he asked in an irritated way.

I held my breath when Rig leaned to grab the seatbelt. Siya rin ang nagkabit no'n, at habang ginagawa ay halos wala nang isang dangkal ang maging layo ng aming mga mukha. Ang lakas na naman tuloy ng tibok ng aking puso. Bakit ba kapag ganito kalapit ang lalakeng ito ay para akong nakalaklak ng isang toneladang kape?

I pressed my knees together the moment Rig sat properly. Umandar ang kotse niya at swabeng humalo sa iba pang sasakyan sa daanan. Kahit tuloy rush hour ay parang nakampante akong mararating namin kaagad ang ospital bago pa man ako mahuli.

"I called kuya Toti. Wala pang stock sa talyer na bagong tiers para sa family car. He might not be able to pick you up after your duty." Rig swiftly turned to the next intersection before he looked at me in a cold way. "Did you hear what I said?"

I pursed my lips then nodded. "Nakikinig naman ako."

"Good."

"Sasakay na lang ako ng taxi pauwi mamaya. Marami namang masasakyan kung doon sa ospital mag-aabang-"

"Do you have any idea how dangerous it is to go home using a cab at that time of the day? Baka mamaya may nakakaalam pang ampon ka ng mga Samaniego. Kidnap-in ka at gamitin ka para makakuha ng ransom. Problema na naman dadalhin mo," suplado niyang sabi.

Ngumuso ako. "Hindi naman siguro. Maliwanag pa naman ang alas singko, Rig-"

"Walang pinipiling oras ang mga tarantadong tao." He glanced at me but immediately looked away after seeing my pouting lips. "And for fuck's sake, stop pouting your goddamn lips. Kapag hinalikan kita, iiyak ka rin naman," he murmured the last few words.

Kumunot ang aking noo. "Ano kamo?"

Rig sighed heavily. "I said I'm gonna pick you up after your shift. Hintayin mo ko sa labas at huwag kang magtatangkang sumakay ng taxi."

"Pero, pwede namang magsabay-sabay kami ng mga kaklase ko. Safe naman iyon lalo may kasama naman kaming lalake-"

"Lalake, hmm?" I saw his jaw clenched. "Lalake o boyfriend mo?"

I blinked. Why did he sound possessive?

"Kaibigan ko lang. Kaklase. Wala naman akong boyfriend."

"Dapat lang." Nakita ko ang pagbakat ng mga ugat niya sa kamay senyales na humigpit ang hawak niya sa manibela. "Huwag kang makulit. Problema rin naman kita kung may mangyaring masama sa'yo. I'll pick you up and bring you to the hospital myself from now on. You can tell that friend of yours to go home alone."

Nagsalubong ang aking mga kilay. "Pwede namang si Kuya Toti. Siguro naman bukas ay napalitan na ang-"

"Out of stock ang gulong. Next month pa magkakaroon."

Lalong nalukot ang aking noo. Out of stock? Gano'n katagal talaga?

I cleared my throat. "Baka magalit ang . . . girlfriend mo."

He moistened his lower lip. "I don't have a girlfriend."

"Huh? Kailan pa?"

"Kanina lang."

I blinked. "Nag-break na kayo? Bakit?"

He sighed then parked the car outside the hospital. "Get out of the car. You're gonna be late."

Pinaglapat ko na lamang ang mga labi ko't tinanggal ang pagkakakabit ng seatbelt. I then went out of his car, ngunit bago ko pa naisara ang pinto ay muling nagsalita si Rig.

"I'll be here before five." His jaw clenched. "Huwag mong ipapakita sa'kin 'yang sinasabi mong kaibigan mo. Baka dumiretso ng ER 'yan, Margarette sinasabi ko sa'yo . . ."

Napalunok ako't tumango na lamang bago ko isinara ang pinto. Nang makaalis ang kotse ay hindi ko rin napigilang mapabuntonghininga.

Hindi ko na talaga maintindihan ang lalakeng 'yon . . .

Read the full story in my VIP or Patreon.

TAMED SERIES #1: Righael Samaniego Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon